Chapter 47: Anniversary

478 16 0
                                    

3 years after

Kakagaling ko lang sa mansion ni Kian, dahil akala ko ay nandoon s'ya, pero nandoon pala sa office n'ya. Ang Sabi n'ya kasi sa'kin ay hindi muna s'ya papasok, sinungaling!

Binuksan ko 'yung door n'ya at pumasok kaagad sa loob.

"Let's date, hon. I'm done with my works" Mukang ayos na ayos na nga s'ya at mukang plinano n'ya talagang idate ako. Biglaan yata ang pag yaya n'ya?

"Sandali lang" Pumasok ako sa loob ng private room at nag retouch. Medyo h
agard ako dahil sa init sa labas.

"You don't need to put makeups on your face, hon. Maganda ka na" Nakasandal s'ya sa may door habang ang nakapulupot ang mga braso.

"Hagard kaya" Kinuha ko na 'yung sling bag ko at humawak sa kamay n'yang nakalahad sa harap ko.

"Can I date you, misis ko?" Ang lalim ng boses n'ya! Pakiramdam ko tuloy ay kinilig ako.

"Oo naman, mister ko" Tumawa kami parehas at lumabas na sa office n'ya. Pagsakay namin sa sasakyan n'ya ay nagulat ako nang s'ya ang nag asikaso sa akin. S'ya ang nag lagay ng seatbelt ko. "Kaya ko naman" Tumawa lang s'ya.

Pagdating sa mall ay humawak lang ako sa kamay n'ya.

"Hon, nood tayo sa cine" Pag aaya ko sa kan'ya.

"Sure, let's go" Hinatak n'ya ako para bumili ng ticket. Ako naman ay bumili ng popcorn at ng drinks naming dalawa.

"Ang pogi ni Mr. Dawson"

"Kilala mo s'ya? Ang gwapo"

"Kung ako ang magiging girlfriend n'ya, Hindi na ako mag hahanap ng iba"

"May girlfriend na kaya s'ya?"

"Hala sino 'yon?"

"Lapitan ko kaya?"

"Hingiin mo nga 'yung number n'ya"

"Parang out of this world 'yung kagwapuhan n'ya"

Ayan ang mga naririnig kong bulungan dito. Halos lahat ng babae ay nakatitig kay Kian.

"Hon, come here" Hinatak ako ni Kian palapit sa kan'ya at humawak s'ya sa baywang ko.

"A-andaming tao, Kian"

"Ano naman?" Nakataas kilay n'yang tanong. Umiling ako. Oo nga, ano nga ba naman?

"May asawa na pala, sayang!" Rinig kong sabi nung babae. Sorry sila, may Yanna si Kian.

Pumasok na kami sa loob at nakita onti pa lang ang tao. Umupo kami sa likuran ng pang apat na pwesto.

Nakafocused lang ako sa panonood at nasa kalahati na kami ng pinapanood namin nang bigla kong maramdaman ang ulo ni Kian sa balikat ko. Napatingin ako sa kan'ya. Nakatulog na pala s'ya habang nag e-enjoy akong panoorin itong Romance movie.

Hinaplos ko 'yung ulo n'ya at hinalikan s'ya sa noo. Nanood na lang ulit ako. S'ya 'yung nakaubos ng popcorn kanina pa. Nag reklamo pa nga s'ya kung bakit naubos kaagad, ang takaw n'ya kaya.

Maya maya ay nakita kong inangat n'ya 'yung ulo n'ya sabay kusot sa mata. Minsan hindi ko masasabing Mafia Boss s'ya dahil sa ka cute-an at kakulitan n'ya. Minsan naman seryoso s'ya. May time lang na makulit s'ya.

Ang gwapo talaga ng asawa ko.

Tumingin s'ya sa watch n'ya at napasandal sa seat namin.

"Matulog ka pa, mamaya pa natatapos 'yung movie" Sabi ko habang iniinom 'yung drinks.

"I can't sleep." Huminga s'ya nang malalim at napatingin sa iniinom ko. "Don't drink coke too much, that's bad at your health." Inagaw n'ya iyon sa akin at nilapag.

Deal With The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon