Chapter 7: In danger

1K 27 0
                                    

Nang mag lunch na ay hindi na ako pumunta sa cafeteria dahil alam kong nandoon sina Sheena, Xyver, Cindy at Shiro. Mag tatanong na naman sila tungkol doon. Masyadong madaldal pa naman itong si Cindy. Kung ano ano ang itatanong hanggang sa hindi mo nalaman na sinasabi mo na pala ang sekreto mo, tss. Pumunta na lang ako sa parking lot. Pag dating doon ay hindi ko nakita yung sasakyan nila Liam. Hindi kaya nila ako susunduin? Okay lang.

Nag lakad na ako papunta sa sakayan at nag antay doon ng jeep. Nang makita ay agad kong pinara 'yon at sumakay. Traffic pa kaya antagal bago nakarating sa company ni Kian. Bumaba na ako at pumasok doon.

"Mrs. Dawson!" Napalingon ako sa likod ko nang may tumawag saaking lalaki. Paglapit nya ay ngumiti kaagad sya. "Natatandaan mo pa ba ako?" Tanong nya. Tumango ako.

"Yes. Blake, right?" I asked.

"Oo, ako nga. Ikaw, hindi mo pa sinasabi yung pangalan mo saakin" He chuckled. Napataas yung kilay ko.

"I'm Lorein." Sabi ko at tumingin sa relong suot ko. "Mauna na ako, my husband is waiting for me." Sabi ko sabay talikod sa kanya. Muka namang mabait si Blake, pero hindi ko pa naman sya kilala kaya hindi ko sya makausap ng tuwid. Pag dating sa office nya ay wala na naman sya. Umupo na muna ako at hinintay na lang sya doon.

"Ma'am Lorein!" Napalingon ako sa pintuan nang marinig ang boses ni Harper.

"Nandito ka lang pala Ma'am! Akala ko naman kung ano ng nangyari!" Sabi ni Noah sabay punas ng pawis.

"Ano nandyan ba?" Narinig kong tanong ni Noah sa kanya at mukang nag aalala ang boses. Nag pakawalan sya ng hininga nang makita ako. "Buti naman at nandito ka Ma'am" Kumunot yung noo ko habang nakatingin sa kanila.

"Bakit? Parang may masama namang mangyayari saakin" Natatawa kong sabi.

"Kalimutan mo na, ay nga pala ma'am" May kinuhang plastic si Harper. "Pinabibigay ni boss" Inabot nya 'yon saakin kaya tiningnan ko yung laman. Graham? Favorite ko 'to.

"Salamat" I smiled bago binuksan 'yon at kinain. "Matagal pa ba sya sa meeting board?" Tumingin si Noah sa relo nya.

"5 minutes pa ma'am" Sagot naman nya at tumayo na sila sa likod ko. Hindi naman ako nabored dahil may kinakain ako. Maya maya ay biglang bumukas 'yung door. Nakita ko naman si Kian na pumasok at umupo kaagad sa swivel chair nya. Mukang mainit ang ulo.

"Get out." Utos ni Kian kaya tumayo ako at sumunod din kina Harper. "Not you, wife." Sabi naman nya kaya napalingon ako sa kanya. Bumalik na ako sa upuan ko.

"Mainit ulo mo?" Tanong ko sabay kain ng graham.

"I have something to tell you. It's about your position here and Madi's position in my company" Sabi nya kaya napatingin ulit ako sa kanya.

"Si Madi?" Tanong ko. Tumango sya kaya tumango na lang din ako. Nag t-trabaho din pala dito si Madi. Kaya pala may id sya.

"She's your co-worker here." Mukang labag pa sa loob nya na sabihing makakatrabaho ko si Madi. Napangisi ako sa isip ko. Kung nandito palagi si Madi... Mas mapapadali ang mga araw ko na kasama si Kian, dahil habang mag kasama kaming tatlo dito. Pwede silang makapag usap palagi. Baka sa puntong 'yon ay mag kaayos sila at malalaman ko na lang na ididivorce na ako ni Kian. Tama! "Is that okay to you?"

"Oo naman! Maganda nga 'yon" Nakangiti kong sabi. Napatingin sya ng matagal saakin.

"Really?" Tanong nya pa.

"Oo nga, tingin ko kasi kailangan ko din ng katulong dito" Ngumiti ulit ako. Tumango sya. Pero mahihirapan din siguro ako kapag kasama ko si Madi, ang sungit kaya nya. Hanggang gabi ay binasa ko lang nang binasa yung topic para sa meeting. Sa 21 pa naman ang meeting namin.

Deal With The Mafia BossWhere stories live. Discover now