Chapter 52: Drunk

575 19 0
                                    

"Veronica, pumunta ka na sa company ni Kian, ngayon n'yo pag-uusapan ang tungkol sa project" Utos ni dad.

"Eh, dad... 'Di ba project n'yo nga 'yon?"

"Iyan lang ang gagawin mo, Ash. Sigae na, sundin mo na si dad" Sabi ni Ate Ash. Tumango na lang ako. Bakit ba kasi gano'n? Si Kian pa talaga. Parang walang nangyari noon, huh.

Umalis na ako at sumakay sa kotse ko para pumunta sa Dawson's company. Bago itong kotse ko dahil nawala na 'yung susi nung isa kong kotse, wala akong duplicate no'n. Nang makarating ako ay biglang napatingin sa akin ang mga tao doon at yumuko ng kaunti. Madami naman ang nag-uusap tungkol sa akin.

"Hindi ba't s'ya 'yung ex-wife ni Mr. Dawson?"

"Ano kayang ginagawa n'ya dito?"

"Guguluhin kaya n'ya si Mr. Dawson at Ms. Hemsworth?"

"Balita ko kasi nag break sila dati dahil kay ma'am Madi"

Sandali, si Madi at Kian? Guguluhin ko? Bakit, mayroon bang sila? Nag lakad na lang ako papunta sa office ni Kian at kumatok doon.

"Come in." Malalim na boses n'yang sabi. Malalim naman talaga ang boses n'ya, ang galing nga, eh. Binuksan ko 'yung pinto at pumasok na sa loob. "Why?" Tanong n'ya.

"Pag-uusapan na ba natin 'yung tungkol sa project?" May kinuha s'yang papel sa cabinet n'ya. Nilibot ko ang tingin ko sa office at masasabi kong mas lalo itong gumanda.

"Take a seat." Walang emosyon ang mata n'ya. Nang tumingin s'ya sa akin ay iniba ko ang direksyon ng tingin ko. Umupo na lang ako sa upuan na nasa harap ng table n'ya.

"I already made a plan with that project. We just need to find an Engineer and architect to done this project. And of course... I need your approvement to this paper, so sign this" Inabot n'ya 'yung paper, pero tiningnan ko muna ang example plan n'ya. Maganda naman kaya pinirmahan ko na.

"This is my first time to receive a project like this, what should I do to help you for the project?" Hindi ko talaga alam kung paano s'ya sisimulan tulungan doon. Wala naman akong idea. Bakit kasi ibinigay pa sa akin ni dad 'to!

"Nothing, I'll call you if I need you here." Sagot naman n'ya.

"Okay" Tumayo na ako at lalabas na sana.

"Where are you going?" Malamig n'yang tanong.

"Uuwi na. We're done, right?"

"I didn't say our conversation was over." Umupo na s'ya. Umupo na lang ulit ako.

"Ano pa bang pag-uusapan? May pupuntahan pa kasi ako" Cold na sabi ko naman sa kan'ya. Magiging yelo na siguro kami dito. May nilapag s'ya sa table n'ya at napatingin ako doon. Nanlaki ang mata ko nang makita ang bag ko doon. What the! "Ikaw ba 'yung humatak sa bag ko?!" Inis kong tanong. Hindi nanibago ang reaction n'ya.

"The fuck? I took it back from the thief." Nanibago ang emosyon ko.

"We?" Tanong ko dahil sa gulat.

"Yeah." Sagot n'ya naman.

"Uh... T-thank you! Bakit late mo na binigay? Bumili pa tuloy ako ng bagong kotse" Reklamo ko, pero okay lang naman. At least binalik n'ya.

"Tss, demanding ka pa" Tinaasan mo s'ya ng kilay dahil sa sinabi n'ya.

Pinag-usapan lang namin ang tungkol sa project hanggang sa mapansin ko ang oras. May pupuntahan pa nga pala ako.

"I have to go na" Nag madali akong tumayo.

"Where are you going?" Tumayo din s'ya.

"Birthday kasi ni Xyver, Hindi ako pwedeng ma-late." Sabi ko naman.

Deal With The Mafia BossWhere stories live. Discover now