XXXIV

4.9K 228 20
                                    

34. The Battle of Survival

"That was weird." Lance said as he put his hands over his head pondering what just Afianna said before she left. Napatingin siya sa reaksyon ng kanyang mga kasamahan at makikita sa mga ito ang labis na pagtataka at ang pagkalito.

Afianna is a big mystery. She is more mysterious than their leader.

"We will be moving as planned." Gemini said as he also vanish into thin air.

Nakanganga lamang na nakatingin sa kawalan si Vanilla. She did not expect things as bad as this.

"So we are really going into war." she blurted out and as if on cue, napatingin sa kanya lahat.

"Don't jinx it." sabi ni Gelo sa kanya na may nakakunot na noo.

Nagkibit-balikat lamang si Vanilla at isinaayos ang kanyang mga kagamitan.

Tumayo si Hailey sa pagkakaupo. "We just need to prepare for the worst."

"That's right." Napabuntong hininga si Carmen. "And war is the worst."

"Para saan pa ba at nag-aaral tayo dito kung hindi tayo handa para sa ganito. We are being prepared and molded into who we are right now for this kind of reason. And what we can only do for now is to find those goddamn traitors and eliminate as much as possible for our sake." mahabang litanya ni
Kenneth.

Nagkatininginan silang lahat at ngumiti sa isa't isa. It feels encouraging when you know everyone has your back.

Sa kabilang dako naman, nagtipon-tipon ang mga rebelde na mas kilala sa tawag na skoladi gamit ang kaanyuang tao.

"Ano ba ang mga silbi ninyo kung ang ganitong simple ng pinapagawa ay hindi niyo magawa ng maayos." nagtatangis ang baga ng kanang kamay ng pinuno habang nakatingin sa kanilang nasasakupan ng matalim. "Kay simple simple ng pinagawa hindi pa natapos ng maayos. Mga walang silbi!"

Hindi makatingin sa harapan ang mga nasasakupan. Nakayuko lamang sila at hindi mawari kung ano ang gagawin. Bagkus alam nila na sa isang maling salita, maaaring manganib ang kanilang mga buhay.

"M-mahal na pinuno." mahina ang pagbigkas nito ngunit sapat lamang upang marinig ng pinuno. Mataman siyang tiningnan ng pinuno. Makikita dito ang galit na dumadaloy sa ugat nito.

"Kung walang silbi rin lang naman iyong sasabihin, 'wag ka ng magsalita kung ayaw mong mabawian ng buhay." may bahid na pagkairita na bigkas ng kanang kamay ng pinuno.

Marahang napalunok ng laway ang nasasakupan at maingat na iniangat ang kanyang ulo upang makita ang nanlilisik na mga mata ng kanilang nakakataas.

"B-bakit hindi niyo na lang po ipadala ang inyong kaliwang kamay sa akademya at isa-isahin ang mga maharlika?" nautal man, maayos na naisalaysay ng nasasakupan ang nais niyang sabihin.

Natigilan ang kanilang pinuno at napaisip sandali at kalauna'y tila nagpantig ang tenga sa narinig.

"Magandang ideya!" Malakas na sigaw ng pinuno. May malademonyo itong ngisi sa kanyang mukha na tila nasasayahan sa iniisip na karumaldumal na pangyayari. "Maghanda para sa isang maliit na piging para sa bagong heneral ng hukbo!" Saad pa nito bago umalis sa pinagpupulongan nila.

Masayang naghihiyawan ang mga skoladi habang binuhat ang skoladi na nagsuhestyon ng gagawin.

"Maghintay lang kayo, mga hangal. Malapit na ang inyong katapusan." malademonyong humahalakhak ang pinuno habang nakangising umiinom ng alak habang may mga babaeng skoladi sa mga bisig nito. "Magtatagumpay rin ako." sabi pa nito.

Afianna: The Reincarnation Of A GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon