XVIII

6.9K 356 39
                                    

Chapter 18 - Skoladi

Third Person's POV

Matapos umalis at mawala ni Afianna sa paningin ng kanyang mga kasama, mababakas sa mga mukha nito ang pag-aalala.

"Hindi ba talaga natin siya susundan?" Tanong ni Carmen sa mga kasama.

"Mamaya na. Give her time." Sagot ni Gelo habang nag-aalala ring nakatingin sa daang tinahak ni Afianna. "She'll be fine." He assured them or more like he is assuring his self.

Akiyah is the only one who is secretly celebrating sa pagkawala ni Afianna.

"Bakit kayo nag-aalala sa kanya? Malakas naman siya diba?" Sabi niya upang maagaw ang atensyon ng iba. "Natalo nga niya ang mga hobgoblins na siya lang mag-isa. Kaya magiging okay rin siya." Sabi niya bago ngumiti sa kanilang lahat.

Napabuntong hininga ang ilan at sinuklian siya ng ngiti.

"Tama ka. She is not a member of Scavenger Guild for nothing." Sabi ni Vanilla.

Pasekreto namang umirap si Akiyah.

"Ahhh. Siya pala ang isang taga Scavenger Guild." Tumango tango siya. "Paano siya nakapasok?"

"Ewan. Hindi naman namin nakita ang laban niya." Sabi ni Vanilla.

She cheated obviously. Akiyah thought.

"Pero ang alam lang namin ay muntik niyang matalo si Gemini."

Nabigla si Akiyah sa nalaman. No way. Baka hindi yun ang totoong lakas ni Prince Gemini.

"Let's eat." Pagtatapos ni Hailey sa usapan.

Matapos kumain napagpasyahan nilang maaga silang gigising upang magpatuloy sa paghahanap sa punong kahoy ng Waherya. At baka makita nila si Afianna sa daan.

"Gelo, bakit parang close kayo ni Afianna?" Tanong ni Akiyah ng mapalapit siya kay Gelo habang naglalakad. Ilang sandali pa ay wala siyang nakuhang sagot kay Gelo. "Magkakilala na kayo dati?" Tanong niya ulit.

"Oo." Tipid na sagot ni Gelo bago mabilis na naglakad at umakbay kay Vanilla.

"Tss." Mahinang pagbigkas ni Akiyah.

"Vanilla! Malapit na ba tayo?" Masiglang tanong ni Gelo.

"Yes, kunting lakad na lang." Sagot ni Vanilla na pilit inaalis ang pagkakaakbay sa kanya ni Gelo.

Bumungisngis si Gelo pero agad itong natigil nang maramdaman nilang lahat ang sobrang lakas na enerhiya.

"Ramdam niyo ba yun?" Sabi ni Lance at inalerto ang sarili.

"Oo. Ang lakas." Sagot ni Carmen.

Si Gelo ay nagtaka. Hindi siya nangamba subalit kumunot ang noo niya. Pamilyar sa kanya ang enerhiya na ito. Pinalakas man ngunit kilalang kilala niya kung kanino ito. Walang pasabi ay bigla siyang tumakbo papunta sa deriksyon ng enerhiya.

"Gelo! Saan ka pupunta?!" Sigaw sa kanya ni Vanilla ngunit hindi niya ito nilingon.

Sumunod sa kanya ang kanyang mga kasama sa pagtakbo.

After a few minutes of running, they reached a swamp at nagkalat ang mga patay na night kins sa paligid. Ang iba ay putol ang katawan, ang iba ay lumuluwa ang mga mata habang nakalabas ang dila. Sobrang dami ang nagkalat na katawan.

"What happened here?" Tanong ni Hailey na may pangamba sa kanyang boses.

"Afianna!" Sigaw ni Gelo sa natutulog na Afianna.

Afianna: The Reincarnation Of A GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon