XXII

6.1K 315 21
                                    

Chapter 22 - Definitely not...

Headmaster Pherso's POV

Nang makaalis ang mga bata, napatingin ako kay Hearth.

"Ano ang ibinigay mo kay Ms. Glae?" Tanong ko sa kanya. Bata man ang kanyang katawan ngunit ang isang ito ay mas matanda pang mag-isip sa mga kaedad ng anak ko.

"Bracelet. It will help her a lot." Sabi niya at may matatamis na ngiti ang kanyang mga labi.

"Tara na." Sabi ko at pumunta sa aking opisina. "Malapit na ang pagdating ng Mahal na Prinsesa. Kailangan nating patibayin ang barrier at lalo na ngayon na nalaman natin na nag-ibang anyo ang mga Skoladi."

"But you didn't tell them." Hearth pointed out.

"Masyado ng maraming iniisip ang mga bata na iyon. Ayaw ko ng dagdagan pa. Baka pagdating na lang nila rito ko sila sasabihan."

"What will you do now?"

Napaisip ako sa tanong niya bago ko binuksan ang drawer sa pinakataas at nakita ang sobre na kulay puti. Ito 'yong sobre na nagsabi sa akin na may mga traydor ang akademya.

"Help me find the traitors." I said.

He smirked. "You're finally doing that? I thought you will just disregard it because it has been a long time."

"It's for the safety."

"Hmmm. I'll be on my way then." Sabi niya at tumayo. "You should reward those students you sent for a mission." Dagdag niya bago siya naglaho ng tuluyan.

Ilang sandali ng paglaho niya, umilaw ang hawak kong sobre kaya dali-dali kong kinuha ang card sa loob nito.

Have you find them?
Time is running
Beware
Be wary
They are near
Time is near
Act now
And watch out, Leighton
~The EYE

Namuo ang pawis sa aking noo. Nakaramdam ako ng kaba habang binabasa ko ang nakasulat.

Ano ang ibig niyang sabihin?

Kailangan ko na bang mabahala at pag-ensayuhin ang mga mag-aaral para sa kanilang proteksyon?

Ano ba ang dadating? Delubyo? Digmaan?

Nakakabobo.

Bumuntong hininga ako ng malakas bago ko itinago muli ang sobre.

"Magawa sana nila ang kanilang misyon." Bulong ko sa hangin.

Afianna's POV

THIS IS NOT TRUE. DEFINITELY NOT TRUE, RIGHT?

Nanghihina kong tinignan ang bahay na nasa harapan ko. Alam na alam ko kung kaninong bahay ito. Damn. What are we doing here?

Ano ang ginagawa namin sa bahay nila Grace?!

Yes, Grace. Remember Grace my best friend in my first life? But what are we doing here?

After we got out of the forest, true to Headmaster's words, our house is in front of the forest so we get in and take some rest and decided that we will start to find them tomorrow.

The place we are currently in are damn so familiar to me. It's damn frustrating.

Midnight came and I am still awake.

I am back but with a different body. It's unfamiliar yet at the same time so familiar and it's irritating.

It was 17 years ago since I died. Marami na sigurong nagbago. Pero gustong gusto kong puntahan ang bahay namin, ang bahay ni mama. Gustong gusto kong malaman kung kamusta na siya, kung may nag-aalaga ba sa kanya, kung maayos lang ba ang kalagayan niya.

Afianna: The Reincarnation Of A GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon