VII

8.6K 430 23
                                    

First Day

The uniform and ID card arrived the next morning with a note from HM.

'Feel free to use your cloak.' Sabi sa note na may stamp pa ng headmaster.

Agad ko namang kinuha ang ID card and I examined it. Nakalagay rito ang pangalan, section, and rank ko with a picture of me wearing my cloak.

I met my roommate earlier in the morning when she knocked on my door and give me my parcel.

Knock. Knock. Knock.

Naalimpungatan ako dahil sa katok na nanggagaling sa pintuan.

Madalian kong sinuot ang cloak ko bago ko binuksan ang pintuan to see a girl with a big round glasses holding a box.

"Hi, good morning. Ginising ba kita?" Nakangiti niyang bati sa akin. Agad naman akong umiling. "May dumating na parcel kanina, I think it's for you. So here." At inabot sa akin ang box, tinanggap ko naman ito sabay tumango.

"Ako nga pala si Vanilla Clarisse Montreal." At naglahad siya ng kamay sa akin kaya tinanggap ko ito and form words in the air using my water attribute.

'Afianna Valerie Glae. Nice to meet you. Sorry. I can't talk.'

Nakita ko naman ang pagkamangha sa kanyang mga mata. "Ang coooooll! At ano ka na! Okay lang yun. Friends na tayo ah?"

Kaya tumango ako. Bigla naman niya akong niyakap and she went to her room while giggling.

Matapos maligo at magtoothbrush, sinuot ko na ang puting blouse, blazer and skirt at ang itim na may stripe yellow lines na neckties. Sinuot ko na rin ang black knee socks and black shoes pagkatapos ay ang cloak ko na puti.

Matapos ang lahat ay pumunta na ako sa baba at naabutan si Vanilla na kumakain.

"Afianna! Can I call you, Afi?" Tumango naman ako sa kanya kaya lumawak ang ngiti niya. "Kain ka na muna, hindi talaga ako marungong magluto kaya egg and bacon sandwich lang naihanda ko."

Napangiti naman ako sa kanya and use my water attribute.

'Its enough. Thank you.' bago umupo at kumuha ng isang sandwich.

Matapos ang light breakfast ay sabay kaming lumabas at napagkaalaman ko na same pala kami ng section.

While walking, she's clinging on my arm kaya medyo kita ang suot kong uniform dahil nahahawi ang cloak sa likod ko.

Nang marating namin ang lounge, nakita ko si Gelo na kumakaway sa akin.

"Sino siya? Kilala mo Afi?" Tanong sa akin ni Vanilla habang nakatingin kay Gelo na malawak ang ngiti na nakatingin sa akin.

Tumango naman ako.

"Afi! Hello." Masiglang bati niya sa amin. "Ipakilala mo naman siya sa akin, Afi." Dagdag niya pa.

Napangiwi naman ako. Tinuro ko naman si Vanilla gamit ang aking palad at tinuro rin si Gelo pagkatapos then vise versa.

"Para kang tanga." Napahalakhak naman si Gelo kaya binatukan ko siya.

"Haha. Ako si Vanilla." Natatawang pagpapakilala niya.

"Handsome Gelo at your service." At nagbow pa ito na parang isang prinsipe.

Afianna: The Reincarnation Of A GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon