I

22K 649 146
                                    

The Beginning

"Ang galing talaga ni Hannah! Sobrang powerful niya." Bulalas ni Afianna sa katabi na si Grace, best friend niya.

"Kahapon si Ellie, ngayon naman si Hannah? Masyado ka na yatang nagiging baliw sa mga kwentong kahit kailan hindi naman mangyayari sa totoong buhay." Bakas sa mukha ni Grace na naiirita na sya.

Napakamot naman ng ulo si Afianna at pinagpatuloy ang kanyang binabasa sa eBook at hindi pinansin ang kanyang best friend.

Napabuntong hininga naman si Grace at nagpatuloy rin sa pagbabasa pero fiction ito at hindi fantasy.

Nasa library sila ngayon dahil may meeting ang mga guro at wala ng pasok sa buong hapon ngunit hindi pa pwedeng umuwi kaya sa library na muna sila.

"Gustong gusto ko talagang magkaroon ng kapangyarihan. Iyong 4T's. Pangarap ko talaga yun simula bata pa ako." Pangiti-ngiti naman ito habang nagbabasa at paminsan minsan ay tinatapunan ng tingin ang kaibigan. Noon pa man, gustong gusto na ni Afianna na magkaroon ng kapangyarihan. Pero kahit anong hiling niya, alam naman niya sa sarili na hinding hindi talaga ito magkatotoo.

"4T's? Ano yun?" Tanong ng kaibigan ng hindi siya binabalingan ng tingin. Simula elementary, silang dalawa na ang palaging magkasama. Kung saan ang isa, naroon din dapat siya. They are that close na aakalain mo talagang magkapatid sila. Though, they treat each other as sisters.

"Alam mo yun, yung Teleportation, Telekinesis, Telepathy atsaka Time Manipulation. Diba ang cool?" Nagningning naman ang mga mata ni Afianna bago ibinaba ang cellphone na hawak at saka itinaas ang kamay na parang gustong ipalipad ang lahat ng libro sa library. Kumunot pa ang kanyang noo at nag fucos sa isang libro at unti-unting itinaas ang mga braso at kamay. "Fly." Bigkas niya. Napatawa naman siya ng mahina.

"Para kang tanga jan. Tigil mo na nga yan." Sabi ni Grace at pilit ibinaba ang mga braso ni Afianna. Nagtagumpay naman ito. "Atsaka, bakit yung "4T's" lang ang gusto mo? Mas maganda kung lahat."

Napairap naman si Afianna. "Bes, alam mo kasi." Tumigil siya at inilagay ang kamay sa magkabilang balikat ng kaibigan. "A great power comes with a big responsibility. Tamad ako, Bes." Seryoso nitong sabi at kalaunay natawa na rin na sinabayan naman ni Grace bago inalis ang mga kamay ni Afianna sa balikat.

"At proud ka pa talagang tamad ka. Ehh kung batukan kita dyan?" Sabi ni Grace at pabirong binatukan ang kaibigan.

Pabiro namang natawa si Afianna bago humagikhik ng mahina baka masita pa sila ng librarian.

Malipas ang ilang oras, pinayagan na silang makauwi sa kani-kanilang mga tahanan.

"At sa wakas, makakauwi na rin. Ang sakit na ng likod ko." Pagrereklamo nito bago nag-inat ng katawan at niligpit ang mga gamit.

"Reklamo ka ng reklamo dyan eh natulog ka lang naman ah. Mabuti nga't walang librarian ngayon na naglilibot. Tsk. Tsk."

Agad silang umuwi sa kani-kanilang tahanan pagkatapos magpaalam sa isa't isa.

∞∞∞∞∞
Afianna's POV

"Maaaaa!" Sigaw ko bago makapasok sa kanilang bahay. "Tadaima!" (I'm Home).

Bukod kasi sa pagbabasa ng eBook. Mahilig din akong manood ng anime kaya ayun minsan nasasabi ko ang mga Japanese words na hindi ko nalalaman.

Afianna: The Reincarnation Of A GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon