XXIII

6.2K 297 27
                                    

Chapter 23 - Selfish

Third Person's POV

A loud thud made the group of Gemini stop walking before they look at their back. Nakita nila si Afianna na nakasalampak na nakaluhod sa sahig ngunit hindi nila makita ang itsura nito.

"Afianna? Okay ka lang?" Tanong ni Vanilla at lumapit kay Afianna ngunit naunahan siya ni Gemini.

Tinatawag nila ang pangalan nito ngunit tila walang naririnig na mga boses ang dalaga na si Afianna.

Worried is plastered on their faces. They don't know what to do. They don't know what's happening with their friend.

Nakakahakot na rin sila ng atensyon mula sa tao. Nakuha rin nila ang atensyon ni Grace at Felicity, the mother of Afianna.

"Ano ang nangyayari?" Mahinang tanong ni Grace nang marating ang kinaroroonan nila Afianna. "Ma?"

"Hindi ko alam anak."

Nakatingin lamang sila kay Gemini at Afianna na nagyayakapan at minsan pa ay pinapahiran nito ang mga tumutulong luha.

"Bakit siya umiiyak? Kilala niya ba si Afianna? Is she sad because of Afianna's death?" Tanong ni Grace sa ina habang nakatingin kay Afianna at Gemini na kapwang nakaluhod sa sahig. Tumingin siya sa mga kaibigan ng dalaga na mababakas sa kanilang mukha ang pag-aalala.

"Ramdam ko kanina ang kaguluhan sa isip niya." Saad ni Carmen na sinang-ayunan ng iba.

"Kanina pa rin naguguluhan ang isipan niya." Dagdag ni Ken.

"Isn't it weird?" Napalingon silang lahat kay Hailey na matamang nakatutok kila Gemini at Afianna. "They have the same name." Sabi niya at lumingon sa kanyang likuran kung saan makikita ang kabaong ng nakahimlay na si Afianna.

"What?" Bakas sa tono ng pagsasalita ni Grace ang pagkabigla. "Ma?"

"Yes, anak. Kapangalan na kapangalan niya si Afianna na best friend mo." Sagot ni Reina.

Nakita nila ang pagtayo ni Gemini habang karga ang nawalan ng malay na si Afianna.

"We're going home." Dahil sa sobrang lamig ng boses ni Gemini, hindi nila nagawang magsalita at tinitigan lamang ang papalayong bulto nito.

Bumuntong hininga silang lahat at sabay na nagpaumanhin sa lahat ng tao sa loob ng kwartong ito.

"Sino sila?" Tanong ulit ni Grace sa kanyang ina habang nakatingin sa grupo ng teenagers.

"Anak, mabuti pa at umuwi na rin muna tayo. May pag-uusapan tayong importante." Sabi ng kanyang ina at nauna itong lumabas sa kwarto.

May kinalaman ba ito sa kanila? Tanong ni Grace sa isipan habang kinikilatis ang mga kaedad niya lamang.

Bago umuwi, nagpaalam muna siya sa ina ng kanyang best friend na si Felicity at lumabas.

Nang makauwi, kita niya ang mga seryosong mukha ng kanyang ama at ina at kasama ng mga ito ang mga kaedad niya.

"Ano ang meron?" Agad niyang tanong at umupo sa isang bakanteng upuan.

"Anak." Tawag ng kanyang ama. "Kailangan na nating umalis." Bigkas ng ama.

Anong aalis? Saan kami pupunta? Naguguluhan ni Grace na wika sa kanyang isipan. "Po?"

"Sasama tayo sa kanila anak patungong Heart Kingdom." Bigkas ng ina.

Mas naguluhan si Grace at nagtatakang napabaling-baling ang tingin sa mga tao na hindi niya kilala at sa mga magulang niya. But she know. She clearly knows.

Afianna: The Reincarnation Of A GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon