XIX

6.6K 339 21
                                    

Chapter 19 - Operation: Fight

Mala paniki na pakpak, pulang mga mata, kulubot na mukha, kulay itim na balat, matulis na tainga, kulay itim at kulubot na mga labi, dalawang butas para sa ilong nito, matutulis na mga kuko sa apat na daliri bawat kamay, at mala ibon na mga paa.

Ito ang resulta ng pagbabago ng isang Skotadi mula sa pagiging isang mukhang tao pero tila isang halimaw. Mas nakakatakot at nakakakaba itong tignan. May masamang halimuyak ang nahalo sa malamig na hangin ng gabi. Ang presensya nito ay nakakakilabot at ito ay nababalot ng itim na tila isang usok habang ito ay lumilipad nang hindi kataasan.

"Skotadi." Hailey murmured under her breathe. She is shock! Hindi niya inaasahan na ganito kalaki ang pagbabago ng isang Skotadi. Nakaramdam siya ng kilabot na pilit niyang tinatago sa kaloob-looban niya. Hindi siya pwedeng panghinaan ng loob dahil mas masama ang mangyayari kung hindi niya ito lalakasan. She needs to act tough.

Paatras sila ng paatras ni Akiyah, palayo sa Skotadi na kaharap nila.

Ang mga tuhod ni Akiyah ay paunti-unting nanghihina dahil sa takot. Nangangatog ito, nanginginig. Ramdam niya ang takot na kailanman ay hindi niya naranasan. Mga mata niya ay takot, kaba at pagkabahala ang ipinapalabas na emosyon. Alam niya sa sarili niya na wala siyang kalaban-laban sa Skotadi sa harapan nila.

Pumikit ng mariin si Akiyah at piping nagdasal.

Makaligtas sana kami ngayon.

"Stay back, Akiyah." Rinig niyang wika ni Hailey. Nanginginig ang boses nito at alam niya na natatakot din ang kasama niya pero pilit itong nilalaban ang takot.

"The others will arrive soon." Hailey added, assuring Akiyah or more like assuring herself.

She summons her ice weapon in her both hands, two crystal blue colored daggers. And she ready herself for a fight.

She breathed heavily and exhale harshly, forming her fighting spirit.

Whatever happens.

Kita niya ang pagngisi ng Skoladi na kaharap niya. Malaki ang ngisi nito na kinainis ni Hailey at mas nakapagpatakot kay Akiyah. Nakakatakot ang ngisi nito, nakakakilabot.

"Mga binibini." Ang boses din ng Skotadi ay nakakadagdag ng kilabot. "Mabuti pa at sumuko na lang kayo." Mabagal ito kung magsalita. Ang boses nito ay nakatago sa loob ng makapal na baul, nakakatakot.

Their hearts are pounding harshly and loudly because of fear.

"No." Matigas na sagot ni Hailey.

Nawala ang ngisi sa mukha ng Skoladi at umiling ito bago tumapak sa lupa at naglakad papalapit sa dalawang dalaga.

"Mali ang naging sagot niyo, mga bata." Dismayang bigkas nito bago ulit ngumisi ng nakakakilabot at mabilis na inambahan ng isang suntok si Hailey.

Ngunit agad niyang naihanda ang kanyang sarili at mabilisang nakagawa ng isang makapal na ice shield. Pero kahit anong kapal nito, naramdaman niyang may maliit itong crack.

"Hihihi." Tawa ng Skoladi.

Tss.

Si Akiyah ay gumilid upang hindi siya maging hadlang kay Hailey at nakaabang lamang siya para gamutin at palakasin ang dalaga. That's her work as an expert in healing. And the only thing she can do right now.

She felt so useless and pathetic but that annoys her more. Wala siyang oras para maramdaman ang mga ito.

Kitang kita sa mga mata ni Akiyah ang palitan na atake ni Hailey at ang nakakatakot na Skoladi. At nakikita niya ang kaibahan ng lakas ng dalawa at kung gaano kalayo ang agwat nito. Kita niya ang hirap sa mga mukha ni Hailey.

Afianna: The Reincarnation Of A GoddessWhere stories live. Discover now