Chapter 1

6.4K 113 9
                                    

Ilang oras na akong nakatitig sa maliit kong notebook na listahan ng lahat ng gastusin sa pang araw araw.

Pagkain araw araw, gastusin sa eskwelahan ng mga kapatid ko at pati na rin mga projects nila. Hindi ko alam kung hanggang kailan pa aabot ang pagkain namin sa mga sumusunod na araw kung kaya kinailangan ko kaagad makahanap ng raket.

Bumuntong hininga ako at binitawan ang hawak na ballpen. Ipinahinga ko ang aking ulo sa sandalan ng upuan ko. Iniisip ko kung saan na naman ako makakahanap ng raket. Ang hirap naman kasi dahil highschool lang ang natapos ko na muntik pang hindi natuloy kung hindi ko talaga iginapang.

Noong nakaraan ay taga bantay ako sa tindahan ni Aling Nena na kapitbahay namin,  ngunit dumating na ang kanyang anak galing maynila kaya't pinatigil niya nalang ako at hayaan na ang anak nalang niya ang magbantay sa tindahan nang hindi na raw siya gumastos.

Naiintindihan ko naman siya dahil hindi rin naman kalakihan ang tindahan niya. Sadyang may edad narin si Aling Nena at medyo malabo ang mata kaya hindi siya makakapagbantay sa tindahan. Di bale, kakausapin ko nalang si Berta mamaya. Baka sakaling may maibibigay pa siyang raket sa akin.

Kapit bahay namin si Robert. O mas kilala sa pangalang Berta dahil ayon sa kanya  ang haba haba ng buhok niya pati ang pula ng nguso niya pero tinatawag siyang Robert. Hinilot ko ang aking sintido at tiningnan ang oras. Alas nuwebe na ng gabi ngunit hindi ako makatulog. Sino ba naman ang makakatulog kung wala na kayong makain sa susunod na araw?

Mga bata pa naman ang mga kapatid ko at parehas na nag aaral dito sa public school sa amin. Ipinagpasalamat kong libre ang pag aaral nila dahil baka kapag pati iyon ay hindi ko na maigapang pa.

Ang sumunod sa akin ay si Simon na nasa junior highschool ngayon at ang bunso naming si Aaron ay nasa grade 7 pa.

Maaga akong namulat sa responsibilidad dahil iniwan kami ng mga magulang namin sa murang edad. Parang dati lang, iiyak ang araw kung hindi sila nagsasagutan at nag aaway. Hanggang sa napagdesisyonan nilang maghiwalay nalang. Iyon pala, may kinakasamang ibang babae ang tatay namin.

Araw araw naming naririnig ang pag aaway ng aming mga magulang. Hanggang isang araw, bigla nalang hindi umuwi si tatay. Iyong ilang araw ay naging buwan, hanggang naging taon ngunit hindi na namin siya nakita ulit.

Noong mga unang araw ay ramdam ko ang katahimikan sa bahay. Nakakapanibago dahil parang noon lang, ang gulo gulo ng tahanan namin. Ang akala ko pa ay magiging madali lang iyon para sa nanay namin ngunit ramdam namin ang pagbabago niya. Nagiging tulala na siya at nagiing iritable. Hindi na niya kami maasikaso kung kaya't ako ang gumagawa ng mga bagay na dapat ay ginagawa ng mga magulang.

Alam kong nasaktan si nanay, pati na ang mga kapatid ko. Nagiging matamlay na rin ang mga kapatid ko simula noon. Habang ako? Hindi ko alam ang nararamdaman ko.

Hinayaan ko si nanay dahil alam ko namang kahit ganoon ang ginawa ni tatay ay alam ko namang mahal niya ito. Ako ang gumigising ng maaga araw araw upang magluto at mag asikaso sa mga kapatid ko. Minsan kapag pinapatawag ang mga magulang sa eskwelahan ng kapatid ko ay kinailangan ko pang magpaalam sa mga guro ko upang makapunta doon.

Naging ganoon sa loob ng ilang buwan. Pati pagkain namin ako na ang naghahanap. Ni hindi alam ng nanay ko na nagtutor ako sa anak ng kapit bahay namin na nasa grade one dahil paubos na ang pagkain namin at pati baon namin.

Hanggang isang araw, nang makauwi ako galing eskwelahan ay nakita ko ang nanay na nagluluto sa kusina. Ni hindi kaagad ako nakagalaw sa gulat dahil sino ba namang mag aakala na ang nanay kong palaging nasa kwarto lang, ay nagluluto na sa kusina ngayon.

Masayang masaya naman ang mga kapatid ko dahil sa wakas ay bumalik na ang nanay. Hindi man siya nawala physically, pero hindi namin siya ramdam noong mga nakaraang buwan.

Muntik pa akong maiyak noon, mabuti nalang at napigilan ko. Sa murang edad ay natuto na kasi akong magpigil ng emosyon. Iyon bang hindi ko hinahayaang makaramdam ako noon kasi hindi naman iyon importante. Hindi naman ako yayaman sa paiyak iyak. Hindi naman babalik ang tatay kapag naging malungkot ako.

Dalawang buwan simula nang maging okay ang nanay ay bumalik siya sa dating gawi. Inaasikaso na niya kami. O iyong mga kapatid ko dahil nasanay naman na ako na ako ang gumagawa sa lahat.

Isang araw, sinabi niya sa amin na magtatrabaho siya sa maynila. Wala kasing ganoong trabaho ang mapapasukan dito sa probinsya namin kung kaya't kinailangan pang lumuwas upang makahanap ng matagalang trabaho.

Naisip ko naman na maiiwan ulit kami. Pero inisip ko rin na okay lang dahil nagawa ko namang alagaan ang mga kapatid ko noon. Kaya kahit mahirap mawalay sa nanay namin ay pumayag naman kami. Ipinaintindi ko sa mga kapatid kong para sa amin naman iyon kung bakit kinailangan lumuwas ni nanay. Nangangako namang tatawawag palagi.

Ilang buwan na si nanay sa maynila at palagi naman siyang nagpapadala ng pera para sa amin. Tumatawag upang mangumusta. Naging ganoon sa loob ng anim na buwan ngunit dumating ang araw na hindi siya tumawag. Ang akala ko ay baka busy sa trabaho kaya hinayaan ko nalang. Ngunit nang mga sumunod na araw ay maski ang tawag ko ay hindi niya sinasagot. Hanggang sa hindi ko na siya ma contact.

Ang araw ay naging buwan at taon na bigla nalang hindi nagparamdam ang nanay. Ilang buwan rin akong nagbabakasakali na baka tatawag siya o biglang uuwi ngunit hindi iyon nangyari. Nandoon iyong pag aalala sa akin dahil baka kung ano ang nangyari sa kanya ngunit mas nangingibabaw sa akin ang pag iisip sa kinabukasan namin ng mga kapatid ko.

At heto na kami ngayon ng mga kapatid ko. Palagay ko naman ay napalaki ko ng tama ang mga kapatid ko. Naigapang ko naman. Andito iyong pagod ngunit para sa kanila ay kakayanin ko lahat.

Heaven In your ArmsWhere stories live. Discover now