Epilogue

5K 128 39
                                    

Marahan kong inilagay ang binili kong bulaklak bago ako pumunta rito sa harap ng lapida niya.

Nilinis ko ito upang matingnan kong mabuti ang pangalan niya.

Miss na miss na kita....

Hanggang ngayon, masakit pa rin para sa akin na kaagad kang kinuha sa akin.

Walang gabi na hindi kita iniisip...

Ni hindi ko man nasabi sa iyo kung ganoo kita kamahal at kung gaano akong nasaktan sa pagkawala mo.

Napahikbi ako.

Hanggang ngayon hindi ko parin lubos maisip na wala na ito. Sa maikling panahon na nagkasama kami ay kaagad siyang binawi sa akin ng panginoon.

Babalik ako...babalikan kita araw araw. Mahal na mahal kita.

Pinunasan ko ang mga luha ko at hinaplos ang lapida nito ng isang beses bago ako tuluyang lumisan sa sementeryong iyon.

Sa buhay.. na realize ko na hindi talaga natin alam kung kailan tayo mawawala sa mundong ito. Pwedeng ngayon, mamaya o bukas.

Hindi natin mapre-predict ang mangyayari.

Kaya ang tamang gawin ay mahalin mo ang mga taong pinapahalagahan mo. Bumuo ka ng mga alaala kasama ang mga mahal mo sa buhay.

Dahil hindi natin alam, huli na pala iyon.

Normal lang magalit at manibugho. Ngunit mas importanteng hindi magtanim ng ganoong emosyon sa iyong puso hindi dah sa ibang tao, kundi sa sarili mo.

Forgive people who hurt you, but don't forget what they did to you.

You can accept their sorry and apologize but that doesn't mean you have to accept them again in your life.

Lumayo sa mga taong nagbibigay negatibong emosyon sa iyo. Hindi kailanman iyon nakakabuti.

At higit sa lahat...

Magtiwala sa diyos.

Walang sinuman ang nakakaalam ng ating kapalaran kundi siya lang.

Kung ikaw ay masaya, magdasal ka.

Kung ikaw ay malungkot, magdasal ka.

Kung ikaw ay may galit at poot, magdasal ka.

Walang ibang makakapagbigay ginhawa sa iyo, kundi siya lang.

At huwag kalimutang magpasalamat sa lahat ng mga bagay na nagawa ng diyos para sa atin.

Ang gumising sa susunod na araw, na may nakakain sa hapag at nakakasama mo parin ang iyong pamilya ay ilan lang sa mga nagawa niya para sa atin.

Iyon ang paulit ulit kong ipinagpapasalamat sa buhay ko.

Lalong lalo na ang mga taong nagmahal sa akin, sa amin ng totoo.

Napangiti ako habang nagda drive nang maisip ang asawa ko.

Kahit gaano man kasakit ang nangyari sa mga nakaraang taon ay hindi niya ako iniwanan. Patuloy siya sa pagsama sa akin sa mga pangyayari sa buhay ko, masaya man o malungkot.

May mga taong magsasabing hindi ko siya deserve. Pero para sa akin, deserve ko siya. At akin siya. Sa akin siya binigay ng diyos.

May nawala mang miyembro ng aming pamilya, ay may bagong silang naman ang pumalit.

Dumaan ako mg drive thru sa jollibee dahil gusto kong bilhan ng pasalubong ang anak kong adik na adik sa jollibee.

Ang saya talagang gumastos gamit ang sarili mong pera.

Heaven In your ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon