Chapter 20

3.3K 83 1
                                    

"Nanay bakit po tayo lumipat ng ospital?"

Tanong ni Gav nang makalipat kami sa St. Lois medical center.

"Kasi mas magagamot ka ng maayos dito anak. Gusto mo na umuwi diba? Mas mapapadali ang pag uwi mo." Nakangiting sagot ko sa kanya.

Kinaumagahan ay kaagad naming inilipat ang anak namin gaya nga nang sinabi ni Stan. Mas malaki ang ospital na ito at mas kumpleto ang kagamitan. Nga lang, hindi namin kakayanin ang gastos dito. Mabuti nalang talaga at lumapit ako kay Stan.

Iniisip ko nga kung mag re-resign ako dahil ilang araw na akong absent at mas pipiliin kong alagaan nalang ang anak ko pero kung gagawin ko iyon ay paano nalang ang mga kapatid ko? Bumuntong hininga ako.

Kakausapin ko pa si Stan tungkol doon. Na kung okay lang sa kanya na magbantay sa anak namin at salitan kami. Alam kong busy rin siya dahil may trabaho at kumpanya siyang hinahawakan kaya pag uusapan nalang namin ang schedule sa pagbabantay.

"Yehey! Gusto ko na talaga umuwi nanay, miss ko na sina tito."

Hinaplos ko ang buhok nito.

"Huwag kang mag alala, dadalaw sina tito ngayon dahil wala silang pasok."

Natuwa naman ang anak ko at piniling manuod ng TV habang hinihintay ang mga tito.

Nag aayos ako ng mga gamit sa maliit na sala sa kwarto na iyon ni Gav nang bumukas ang pinto.

"Tatay!" Masayang tawag ni Gav sa ama.

Ngumiti naman si Stan habang ipinatong ang mga dalang pagkain sa lamesa.

"Hi, big boy. Have you eaten?" Tanong nito at umupo sa kama ni Gav.

Yumakap naman ang anak ko sa tatay niya at tumango.

"Opo, tatay. Pero si nanay hindi pa po kumain."

Nilingon ako saglit ni Stan bago bumaling ulit sa anak.

Hindi pa ako kumain dahil nag aayos pa ako ng gamit. Ang plano ko sana ay maghahanap ako ng karenderya sa labas pagkadating ni Stan. Lumabas kasi siya kanina at akala ko ay may kukunin sa kotse kaya nabigla ako nang may pagkain itong dala.

"Kaya bumili ng pagkain si tatay. It's for you and your mom."

May kung ano ang humaplos sa dibdib ko. Nag aayos parin ako ng gamit ngunit nakikinig ako sa usapan ng mag ama.

"Wow! Thank you tatay pero tapos na po kumain si Gavril. Sabayan mo nalang po kumain si nanay po." Tumatango tangong sabi ni Gav.

Hala anak, nakakahiya. Pero..baka nga hindi pa siya kumakain. Pero baka rin mas gusto niyang kumain sa labas at hindi rito sa loob ng ospital.

"Sure. Kakain kami ni nanay."

Nag iinit ang pisngi ko sa narinig. Pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa at hinayaan silang mag usap.

Maya maya ay nagtaka ako kung bakit humina ang volume ng TV kaya nilingon ko ulit ang mag ama. Tulog na pala ang makulit na bata kaya hininaan ni Stan ang TV.

Kinumutan nito ang anak namin bago naglakad papunta sa akin. Heto na naman ang pagkabog sa dibdib ko sa tuwing lumalapit o malapit siya sa akin. Mas maaliwalas na ang mukha nito at hindi na tulad noong nakita ko siya ulit nang muntik na niya akong masagasaan.

Tumikhim ako at umupo. Kinuha nito ang pagkain sa mesa at umupo sa katabing upuan ko.

"Let's eat. Hindi ka pa raw kumain." Sabi nito habang inilabas ang mga pagkain.

Nahihiyang tumango ako at umupo na rin. Kumuha ako ng pagkain at nagsimula na rin akong kumain. Nakakabingi ang katahimikan na namamagitan sa amin kundi dahil sa TV.

Naalala kong kakausapin ko pala siya tungkol sa pagbabantay sa anak namin. Sana lang ay pumayag siya.

"U-uh...may sasabihin pala ako sa iyo."

Bumaling ito sa akin at ganoon nalang ang paglunok ko nang magsalubong ang mga mata namin.

Inilagay ko muna ang pagkain sa mesa upang masabi ko sa kanya ng maayos ang plano ko.

"Pwede bang...magsalitan tayo sa pagbabantay kay Gav? M-may trabaho kasi ako at...balak ko na sanang pumasok kapag nakalabas na siya sa dito."

Hindi ito kaagad sumagot kaya kinakabahan ako. Tumikhim ito.

"Hindi ka ba pwedeng mag resign?" Tanong nito maya maya.

Kaagad akong umiling.

"H-hindi, e. Nag aaral p-pa kasi ang mga kapatid ko at...kinailangan kong mag trabaho para sa kanila at isa pa..para may pang ambag ako sa gastusin dito." Pagpapaliwanag ko.

"You don't have to. Ako na ang magbabayad sa ospital. And as for your work, you can just resign and let me pay for your siblings' tuition so you can take care of our son."

Our son. Bakit ang sarap pakinggan niyon?

Ngunit kaagad akong umiling sa sinabi niya.

"Hindi na. Papayag akong ikaw ang magbabayad dito pero hindi ako papayag na pati pag aaral ng mga kapatid ko ay aakuin mo...p-pero maghahanap nalang siguro ako ng trabaho na...maaalagaan ko rin ang anak natin."

Uminom ito ng tubig bago sumagot.

"It's okay. I was planning to transfer you and our son in my house. But since nabanggit mo na may mga kapatid ka ay isama mo nalang sila. Huwag mo sanang mamasain pero isa sa sinabi ng doktor ay kailangan ng maaliwalas na lugar at environment ang anak natin."

Hindi naman ako nainsulto sa sinabi niya dahil totoo naman. Iyon nga ang sabi ng doktor. Plano ko ngang humanap ng mas maayos at mas malinis na lugar para sa anak ko pero heto at may plano na pala siyang patirahin kamo sa bahay niya.

"And as for your siblings, they can study as my scholars kung mas ikakagaan iyon ng loob mo. Ang gusto ko lang ay maalagaan mo rin si Gav. Iba pa rin kapag ikaw ang mag aalaga kaysa maghanap pa tayo ng helper. Kaya ko siyang alagaan pero alam ko ring naninibago pa siya sa akin. I hope you'll think about it."

Dagdag niya nang hindi ako sumagot kaagad.

Kung iisipin mo ang ganda ng plano niya. Wala na akong gagawin kundi ang alagaan nag anak ko at wala na akong iisiping mga bayarin.

Gusto kong mag protesta dahil hindi ako sanay na may gumagawa noon para sa akin. Mas nasanay akong ako ang gumagawa ng lahat at kumayod. Siguro pride ko itong nagsasalita pero sa totoo lang din ay gustong gusto ko rin iyon upas mas matutukan ko ang anak ko. Kaya kong gawin ang lahat para kay Gav. Kahit pa ang lunukin ang pride na tanging natira sa akin.

Kung lilipat kami sa bahay niya....doon rin kaya siya titira?

At bakit naman hindi, Rina? Bahay niya nga iyon diba?

Heaven In your ArmsWhere stories live. Discover now