Chapter 24

3.1K 95 4
                                    

Simula noong gabing iyon ay pakiramdam kong may nagbago sa amin ni Stan. O baka sa akin lang.

Mas panatag na ako sa kanya hindi gaya dati na palagi akong kinakapos ng hininga sa tuwing malapit siya sa akin. Hindi na ganoon kalakas ang kabog sa dibdib ko hindi gaya noon na para itong tambol kapag malapit si Stan.

I fell comfortable now. Not nervous or afraid. At nakahinga ako ng maluwag dah doon.

Sa parte niya, mas nag loosen up siya. Iyong mga mata niya ay ganoon parin, mabigat ang intensidad ngunit napaka expressive naman ng mga ito. Lahat ng emosyon ay makikita mo sa mga mata nito.

Simula din nang gabing iyon ay naging gawain na naman ang tumambay sa balcony ng kwarto bago matulog. Gusto niyang magkape kami habang nag uusap ngunit naisip kong baka hindi siya makatulog at may trabaho pa siya kinabukasan kaya pumayag nalang siya sa tsa-a. Katulad nalang ng gabing iyon.

"My dad wants to meet, Gav. "

"Wala namang problema sa akin 'yon, Stan. Pamilya mo naman iyan."

Pero ang totoo kinakabahan ako dahil baka hindi kami magustuhan ng daddy niya. Di ba ganoon naman ang mayayaman? Ayaw sa mahihirap?

"Can he come over on saturday?"

"Bakit ka nagpapaalam sa akin? Bahay mo naman ito kaya may karapatan kang magdesisyon."

"This is already your house too."

Suminghap ako at tiningnan siya bago tumango.

"Anong paboritong pagkain ng daddy mo para mailuto ko?"

Umiling lamang ito at ngumisi.

"No need. It's fine."

"Hindi. Gusto kong ipagluto ang daddy mo. Bisita mo iyon, Stan."

"He likes beef stake and adobo." Sabi nito ng may ngiti sa labi.

Tumango tango ako. Mabuti nalang at alam kong lutuin ang mga iyon. Kaya heto nag iisip na kung kumpleto pa ang ingredients sa ref.

"Don't think too much. My dad is kind. He just wants to meet my family."

Gulat akong napabaling dito. My family.

Napakagat labi ako at mahinang suminghap upang kalmahin ang naghuhurumentadong puso.

"A-alam ba niya ang tungkol s-sa anak natin?"

Tumango ito ulit.

"Sinabi ko sa kanya. Wala na akong ibang pamilya kundi ang daddy ko so..."

Naiintindihan ko naman siya. Siguro ganoon lang sila ka close ng daddy nito. Tsaka...nabanggit pala nito noon na..namatay ang mommy nito dahil sa Leukemia.

"Aray..."

Napahawak ako sa noo ko nang makaramdam ng pitik doon. Tiningnan ko ng masama ang katabi ko na walang ibang salarin.

"I said don't think too much. My dad is cool. He already knows about you and our son. It's just that, I told him not too meddle yet because I want you to be comfortable first."

Nginitian ko ito.

"Salamat. Pero wala ka namang dapat ipag alala. Baka nga mas sumaya pa ang anak natin dahil may lolo siya. Kahit sa side mo nalang."

Ngumiti ito nag may simpatiya sa akin.

Simula noong gabing na i-share ko sa kanya ang tungkol sa pamilya ko ay milagrong tanging ginhawa lang ang nararamdaman ko. Na para bang siya ang dahilan at nagtanggal ng bigat at hinaing ko sa aming pamilya.

"Schedule ni Gav sa chemo bukas. Sasama ka ba sa amin ulit?"

Tumango ito.

"Yeah. I want to be part of his everything. I want to be there when you both need me. Kasi hindi ko nagawa iyon sa nakaraang taong nabuntis hanggang nanganak ka."

Hanggang ngayon ay iniisip parin nito iyon. Para sa akin ay wala naman siyang kasalanan. Ako ang nag desisyon na huwag sabihin sa kanya ang tungkol sa anak namin dahil akala ko nga ay ikakasal na siya. Kahit pa sabihing karapatan nitong malaman iyon ngunit gusto ko lang ding protektahan ang anak ko. Ayokong maungkat ang tungkol sa buhay namin dahil gulo lang ang dala niyon sa amin. Mahirap lang kami. Mahirap kalabanin ang mga mayayaman.

Isa pa, hindi ko naman ipinagtatanggol ang sarili ko dah pumatol ako sa ikakasal na. Kasalanan ko iyon na nagpadala ako sa init ng katawan. Pero sana may makaintindi rin sa desisyon kong hindi pagpapa alam kay Stan ang tungkol kay Gav noon. Kung sakali mang natuloy ang kasal nila noong fiancee niya tapos bigla akong susulpot ay siguradong malaking issue iyon.

Ipinatong ko ang kamay ko sa ibabaw ng kaliwang kamay niyang nasa maliit na mesa sa harap namin. Huli na nang mapagtanto ko ang ginawa ko ngunit hindi ko rin binawi ang kamay ko. Bagkos ay naramdaman ko ang pagpisil din nito sa kamay ko.

"Please, huwag mong isipin na kasalanan mo iyon. Kasalanan nating dalawa na nabuo sa maling paraan ang anak natin pero si Gav ang pinaka magandang pambawi ng panginoon sa akin sa kabila ng paghihirap ko noon."

Lumunok ako bago nagpatuloy.

"Pwede bang kalimutan nalang natin ng parteng iyon? Andito na si Gav...at ...pwede mo nang gawin ang gusto mong pagbawi sa kanya."

Binigyan ko siya ng ngiti.

"For sure...babawi ako hindi lang sa mga taon na iyon kundi hanggang lumaki siya at hanggang buhay pa ako. Babawi ako sa inyo."

Maya maya ay napagdesisyonan na naming matulog dahil maaga ang schedule ng chemo ni Gav at pagkatapos ay dederetso na sa opisina si Stan.

Hinalikan ko ang aking anak nang tumabi ako sa kanya sa pagtulog. Palagi siyang nasa gitna namin ni Stan. Pinikit ko na ang aking mga mata at nagpadala sa antok.

Maya maya ay may naramdaman akong parang may humalik sa noo ko ngunit ipinagsawalang bahala ko nalang iyon dahil sa antok.

Nang magising ako kinaumagahan ay mag isa nalang ako sa kama at wala na ang mag ama ko doon.

"Talaga po, tatay?"

Rinig ko ang munting boses na iyon ng anak ko sa banyo.

Bumangon na ako at inayos ang higaan. Pagkatapos ay pinuntahan ko sila sa banyo.

At doon, nakita kong nakaupo ang anak ko sa counter top habang nakaharap sa salamin. Ang ama nito ay nasa likod nito at may hawak na razor. Pinapanood ko lang silang dalawa at sumandal sa pintuan.

Hindi ko na marinig ang pag uusap nilang dalawa dahil sa ingay ng razor. Una nitong ipinadaan sa ulo ng anak at naglaglagan ang mga buhok nito.

Pakiramdam ko ay may pumatid sa puso ko nang pinagmasdan ang mga buhok ng anak ko. Ngayon ay naka kalbo na ito.

"Bagay ba sa akin tatay?" May ngiting tanong ng anak ko sa tatay nito habang hinahawakan ang ulo.

Hinalikan ni Stan sa ulo ang anak bago ito nginitian.

"Yes. Poging pogi ka anak." Naghagikhikan silang dalawa.

Maya maya ay ganoon nalang ang gulat ko nang magsimulang maglaglagan ang buhok ni Stan. Ginawa niya rin sa sarili niya. Nagpakalbo rin ito.

Uminit ang mga mata ko pati na ang puso ko. Nang matapos ay pinatay nito ang razor at inilagay sa counter.

"Wow! Magkamukha tayo, tatay! Ang galing."

Tumawa ang ama nito.

"Pogi rin ba si tatay?"

"Poging pogi po! Mana kay Gavril"

Heaven In your ArmsWhere stories live. Discover now