Chapter 17

3.2K 86 2
                                    

Sobrang lakas ng kabog sa dibdib ko nang mapaupo ako dahil akala ko ay masasagasaan na ako. Napaiyak ako at nakahinga nang maluwang nang hindi nangyari iyon. Ang mga mukha nang mga kapatid ko, si Ria at Berta, lalong lalo na ang anak ko ang kaagad na naisip ko kaya ganoon nalang ang takot ko.

Nakaupo parin ako sa gitna ng kalsada nang marinig ko ang pagbagsak ng pinto ng kotse.

Nanatili akong nakatungo at pinahiran ang luha ko at ilang ulit bumuntong hininga bago akmang tatayo.

"What are you doing? Are you stupid enough to cross even if it says, go?" Kaagad akong napatingala sa boses na iyon.

At kung malakas ang kabog ng dibdib ko kanina ay mas malakas pa ngayon. Ngunit hindi na sa takot, kundi dahil sa lalaking nasa harap ko. Ang lalaking hinahanap ko at sinubukang kausapin ay nandito ngayon sa harapan ko.

Napatulala ako sa kanya. Para akong nakakita ng binatang si Gav. Paniguradong ito ang mukha ng anak ko kapag malaking binata na. Napangiti ako sa isiping iyon.

"What? Muntik ka nang masagasaan, muntik na akong makabangga tapos ngingiti ka lang?" Galit na tanong nito. Ang mga kamay ay nasa magkabilang gilid nito na animo'y nawawalan na ng pasensya sa akin.

Napahiya naman ako. Ano ba, Rina!

Dahil sa hiya ay kaagad akong tumayo, pinagpagan ko ang damit ko lalo na sa likod at panghuli ay ang mga kamay ko. Inayos ko rin ang maliit na bag kong dala bago bumaling sa taong nasa harap ko ngayon.

"P-pasensya na...h-hindi ko nakitang may sasakyang p-parating."

"You knew how to read the traffic lights, right? It says, go and obviously it's green."

Hiyang hiya ako kaya napatungo ako ngunit tumango ako sa sinabi niya. Paano ko pa masasabi ang pakay ko sa kanya kung ganitong natatameme ako at mas lalo lang napapahiya? Ngunit lakas loob kong sinalubong ang tingin nito. Kahit nanginginig ang mga kamay sa kaba ay ikinumo ko ang mga ito. Para kay Gav. Para kay Gav.

"S-sorry ulit...maayos naman ako a-at hindi ako n-nasaktan."

"Tsk." Umiiling na sabi nito at akmang aalis na.

Ngunit hindi ko na naisip ang sumunod na ginawa dahil hinawakan ko na ang braso niya bago pa man siya makaalis.

Lumingon siya sa akin at ganoon nalang ang pagkunot ng noo nito.

"What? Do you need anything?"

Hindi kaagad ako nakasagot. Ano ba Rina! Pagkakataon mo na ito.

"I get it." Ngumisi ito bago kinuha ang wallet sa bulsa. Kumuha ito ng ilang libo at inilahad sa akin.

"Take it. Don't do it again next time. Huwag mo nang idamay ang ibang tao sa kabaliwan mo at itigil mo na ang pangluluko sa tao."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Inisip niya bang magpapasagasa kuno ako dahil sa pera? Oo, kailangan ko ng pera. Oo, kailangan ko ang tulong niya pero hindi sa ganitong paraan! At hinding hindi ko gagawin iyong sinabi niya!

Umiling iling ako. It's now or never ika nga.

"Rina..."

Sabi ko. Inaasahang maalala niya ang pangalan ko.

"A-ako iyong dancer s-sa stag party m-mo. M-may nangyari sa atin a-at...nabuntis ako. Kailangan ko ng t-tulong mo d-dahil may sakit ang anak natin." Sinabi ko iyon habang nakapikit at nakakumo parin ang mga kamay.

Hindi ako nakatanggap ng sagot kaya dahan dahan kong ibinuka ang aking mga mata at unti unting tumingala upang makita ang reaksyon nito. Salubong ang kilay at animo'y naguguluhan sa sinabi ko.

Ganoon nalang ang gulat ko nang tumawa ito ng malakas.

Ako naman ngayon ang naguguluhan sa reaksyon niya. Anong nakakatawa sa sinabi ko?

Ngunit kung anong pagtawa niya ay siya ring pag igting ng panga niya bago bumaling sa akin.

"Rina..yeah, I remember you. But this joke is not even funny."

Napatiim bagang ako sa sinabi niya. Akala niya talaga nagbibiro ako. Nababaliw na ba ang tingin niya sa akin? Kaya imbis na sumagit ay ipinakita ko sa kanya ang seryosong mukha ko. Na hindi ako kailanman nagbibiro. Dahil walang nakakatawa sa kondisyon ng anak ko ngayon at hindi niya deserve mapagtawanan.

Tiningnan niya ako sa aking mga mata na para bang hinahalukay ang loob ko. Animo'y binabasa ang kalooban ko upang mapagtanto kung nagsasabi ba ako ng totoo.

Huminga siya ng malalim at pumikit bago nagtanong.

"Where is he?"seryosong sabi nito.

Naniniwala na ba siya? Kung hindi ay kaya ko naman siyang dalhin sa anak ko. Panigurado unang kita niya palang kay Gav ay malalaman niya kaagad na siya ang ama. At..may luksong dugo naman. Malalaman niyang nagsasabi ako ng totoo.

"N-nasa ospital...m-may sakit. L-leukemia...at kailangang k-kailangan ko ang tulong mo."

Utal na sagot ko. Naalala ko na naman ang anak ko at ang kagustuhang pumunta sa ospital upang makasama ito.

Umigting ang bagang nito at galit na tiningnan ako.

"I seriously have a lot of questions for you and you have to tell me everything. For now, bring me to him."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Hindi ko napigilang mapaluha at makahinga ng maluwag. Hindi ko namalayang hindi pala ako humihinga kanina habang inaantay ang sasabihin nito.

"S-salamat...salamat." wala akong ibang nasabi kundi iyon lang.

Hindi niya ako sinagot.

"Get in the car." Iyon nalang ang sinabi niya. Nagdadalawang isip pa ako ngunit nang galit na binalingan niya ako ulit ay napalakad ako mabilis. Nauna siyang pumasok at kahit nahihiya at nagdadalawang isip ay pumasok na rin sa katabing upuan niya. Sana hindi siya magalit na dito ako umupo.

Tahimik kami habang buma byahe papuntang ospital. Nakakabingi ang katahimikan kaya't napagdesisyon kong magsalita.

"T-tatlong taon na si Gav. A-at..uhh..nag aaral na rin. M-malakas naman siya noon a-at hindi namin inaasahan na may ganoong sakit siya."

Hindi ito nagbigay ng reaksyon at tuwid parin ang tingin nito sa harapan.

Nahihiyang pinaglalaruan ko ang mga daliri na nasa ibabaw ng kandungan ko.

"P-pasensya ka na talaga kung i-inabala kita. S-sana tulungan mo ang anak n-natin..."

Sabi ko nalang nang hindi tumitingin sa kanya. Tumahimik nalang ako nang hindi parin makakuha ng reaksyon sa kanya at pinapanood nalang ang nadadaraanan sa labas.

Kapit lang, anak. Parating na kami ng tatay mo.

Heaven In your ArmsWhere stories live. Discover now