Chapter 11

3.2K 67 3
                                    

Tulala akong naglalakad palabas ng building pagkatapos ng interview ko. Kinurap kurap ko pa ang aking mga mata dahil maluha luha ako sa saya.

Sa mga ganitong panahon na may nagawa akong achievement, ang sarap sana mag share sa mga magulang. Ang sarap magshare ng kasiyahan sa kanila tapos magiging masaya din sila para sa akin at yayakapin ako.

Nakalabas na ako ng building ngunit nanatili akong nakatayo sa gilid. May luhang gustong tumulo sa mga mata ko.

"You're hired."

Ang sarap pakinggan lalo na sa katulad kong matagal nang naghahangad na makahanap ng trabaho na talagang makakatulong sa kinabamin ng mga kapatid ko.

Ni hindi ko na ramdam ang pagod ngunit parang nahihilo ako kaya naghanap ako ng masisilungan. Puro mamahaling restaurant ang nakapalibot sa building na ito, buti nalang may jollibee akong nakita. Ngunit nagdalawang isip ako kung tutuloy dahil bigla kong naisip ang pagsusuka sa parehas na fastfood noong nakaraan.

Hindi naman na siguro mangyayari iyon. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko at kaagad naglakad papunta doon. Hindi naman ako kakain. Sisilong lang ako. Nakakahiya kasi umupo sa ibang restaurant dito na wala kang binibili.

Ngunit malayo pa lang ay kaagad na bumaliktad ang sikmura ko. Kaagad ako nanghina nang naramdaman kong susuka ako. Kaagad ako naghanap ng lugar kung saan pwede. May basurahan sa labas ng jollibee at doon ako dumeretso.

Mabilis rin akong nanghina dahil sa gutom kaya kaagad kong kinain ang skyflakes na baon. Naglakad nalang ako palabas ng business park upang magbantay ng jeep habang kumakain parin ng skyflakes.

Tahimik akong kumakain habang naglakakad nang marinig ko ang tunog ng aking telepono.

Nang matingnan kung sino ang tumawag, si Ria pala. Sinagot ko kaagad ito.

"Hello?"

"Hoy! Bakit hindi ka na nag re-reply sa akin? Nag aalala ako!"

Kinagat ko ang labi ko. Bahagya kong inilayo ang telepono sa tenga ko dahil sumisigaw na siya sa kabilang linya. Napangisi naman ako.

"Pasensya na, Ria. Katatapos lang nh interview ko."

"Oh? Kumusta naman?"

"May trabaho na ako!" Sabi ko. Hindi ko mapigilang maiyak.

Ang sarap lang sa pakiramdam na may masasabihan ka ng nangyayari sa araw mo. Pinahid ko ang luha ko. Ano ba yan! Hindi naman ako iyakin, a! Ngayon, ayaw pang tumigil ng luha ko.

"Okay ka lang ba? May gusto ka bang pag usapan? Pwede tayong magkita ngayon."

Umiling ako na para bang nakikita niya ako.

"Hindi na muna. Pauwi na ang mga kapatid ko at hindi pa ako nakapag luto para mamayang hapunan. Sa susunod nalang, ha."

Pagkatapos nang pag uusap namin ni Ria ay kaagad akong bumyahe pauwi. Gusto ko sanang mag celebrate man lang pero huwag nalang, gagastos pa. Babawi nalang ako kapag naka unang sahod ko na.

Pagkarating sa bahay ay kaagad akong nagbihis. Nagsaing at ngayon ay mag luluto na ng ulam. May sardinas pa naman dito, lagyan ko nalang ng itlog. Atleat special di ba. 

Habang nagpapainit ng kawali ay nag hihiwa muna ako ng sibuyas. Unang amoy pa lang ay gusto nang lumabas ng lahat ng lamang loob ko.  Madali kong pinatay ang kalan at pagkatapos ay pumunta sa banyo. Lumuhod ako sa harapan ng inidoro at doon tuluyang sumuka. Ngunit puro laway parin naman ang lumabas. Hindi, Rina. Hindi ka buntis. Wala kang kinain kanina kundi puro skyflakes lang kaya anong ilalabas mo?

Pinahid ko ang luha sa aking mukha. Bumalik ako sa kusina. Kahit masuka suka sa amoy ay pinilit kong matapos ang pagluluto. Pagkatapos ay inilagay ko sa mesa ang niluto at pumasok na sa kwarto. Hinang hina ako. Nahihilo pero nagugutom.

Imbis na magpahinga ay dinaig ako ng gutom kaya ay bumalik ako ng kusina. Gutom na gutom ako at parang hindi nakakain sa loob ng isang taon. Kundi ko pa pinigilan ang sarili ko ay baka naubos ko pa ang niluto ko.

Pagkatapos kumain ay pumasok ako ulit sa kwarto. Nakaupo ako habang nag iisip. Gutom parin ako. Napakagat labi ako nang ma isip ang manggang nadaanan ko kanina. Naglalaway ako at naiiyak dahil gusto ko rin niyon.

Naghalungkat ako ng pera sa bag ko at baka meron pa. Ngunit sampung piso na lang iyong natira.

Pumikit ako nang mariin. Gusto ko talaga nang mangga.

Humiga nalang ako sa kama at sinubukang matulog. Siguro dala ng pagod ay nakatulog naman ako kaagad.

Kinabukasan ay napabalikwas ako ng bangon nang maramdamang nasusuka ako. Nakita ko pa ang kapatid ko sa kusina, tinawag ako ngunit dere deretso lang ako sa banyo.

Doon ako sumuka nang sumuka. Tuluyan na akong napaupo sa sahig ng banyo dahil sobra akong nanghina. Napaiyak na naman ako.

"Ate, okay ka lang ba?" Si Simon.

"O-oo. Okay lang. M-masama lang ang pakiramdam ko."

"Nakainom ka na ba ng gamot, ate? Bibilhan kita."

"Huwag na!"

Napakunot naman ng noo ang kapatid ko.

"Ibig kong sabihin ay huwag na kasi magiging maayos din tong pakiramdam ko. May nakain lang siguro ako kagabi."

Kahit halata namang nagsisinungaling ako ay hindi na ito umimik. Ang bobo ng rason mo, Rina. Parehas kayo ng kinain ng mga kapatid mo.

Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga at bumalik sa kwarto.

Kinuha ako ang telepono ko at tinitigan ang numero ni Ria. Mahigpit ang kapit ko sa telepono dahil na rin sa lakas ng kabog sa dibdib ko.

Ilang beses akong bumuntong hininga upang kumalma.

Pinindot ko ang pangalan ni Ria upang tawagan siya.

Mag iisang buwan na simula noong may mangyari sa amin ni  Stan. Hindi naman ako bobo sa pagbabagong nangyayari sa katawan ko.

Iyong paglaki ng dibdib ko. Iyong paghahanap ng pagkain, paglakas kong kumain at pagsusuka.

Sadyang hindi ko lang matanggap dahil sa kahirapan. Alam ko namang kasalanan ko ito at kailangan kong panindigan. Mas naisip ko pa ang sarap ngunit hindi ko man lang naisip ang mangyayari pagkatapos.

Kaya ko ba ito? Paano kung may laman nga?

Mabubuhay ko kaya siya ng maayos? Paano kung hindi ko siya ma alagaan? Paano kung matulad ako sa mga magulang ko?

Lahat ng emosyon ay naghalo halo na sa akin kung kaya't hindi ko na napigilang maiyak.

Pinindot ko ang pangalan ng kaibigan at pinahid ang luha sa mga mata.

"Ria..."

Heaven In your ArmsWhere stories live. Discover now