Chapter 42

2.7K 72 2
                                    

Kakaibang kaba ang naramdaman ko ngayon papunta sa lugar kung saan kami magkikita ni tatay.

Walang excitement pero nangingibabaw ang kaisipan ko sa ginawa niya sa nanay namin.

Hindi dapat ako magtagal sa labas dahil ihahanda ko pa ang surpresa kay Stan.

Kaarawan na nito ngayon at magluluto pa ako ng paborito nitong mga pagkain at pati na ang regalong plano kong sabihin sa kanya mamaya.

Ibinilin ko saglit ang anak ko sa mga katulong namin sa bahay at sinabinh may bibilhin lang ako. Hindi ko sinabi kahit kanino na makikipagkita ako sa tatay ko. Kahit kay Stan.

Sasabihin ko sa kanya pagkatapos ng pag uusap namin ngayon.

Huminto ang taxi na sinasakyan ko. Hindi kaagad ako bumaba at kinalma ulit ang sarili.

Nang makababa ay kaagad akong pumasok sa restaurant kung saan niya piling magkita kami.

"Table reservation, ma'am?"

"Uh, Under Mr. Vasquez."

Iyon daw ang sabihin ko sa waitress at dadalhin ako nito sa pina reserve nito.

Tiningnan ko ang kabuuan ng kainan at masasabi kong hindi ito basta basta. Pang mayaman talaga.

"Follow me, ma'am."

Sinundan ko ito at dinala sa isang kwartong may nakatayong bodyguard sa labas.

Pinapasok ako nito sa loob.

Ang kabang kanina pa naramdaman ay mas lalo lamang kumala. Malakas ang kabog sa dibdib na pumasok ako sa loob.

At doon bumungad sa akin ang taong ilang taon kaming iniwan.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

Malamig ang tingin nito sa akin.

"Have a seat."

Ibang iba na ang hitsura nito. Tumanda at may puti na ang buhok ngunit makisig pa rin. Naka pormal itong suot kumpara sa suot kong blouse at jeans lang.

Dahan dahan akong umupo sa harap nito.

May maraming pagkain sa mesa sa harap namin ngunit kahit ganoon ay wala ang atensyon ko doon.

"Let's eat, first."

Tunog ng kutsara nito ang narinig ko sa kwartong kinaroroonan namin.

Sinunod ko nalang ito at kinailangan kong kalmahin ang sarili ko.

Konti lang ang kinain ko dahil parang nasusuka ako sa amoy ng ulam.

Nagpahid na ito ng tissue sa bibig pagkatapos uminom ng tubig.

"Gusto kitang makausap ngayon dahil may iilang bagay akong sasabihin sa iyo."

Nakinig lang ako sa kanya.

"Unang una...paano mo nakilala si Drystan Montesor?"

Malamig na tanong nito sa akin.

Kilala niya si Stan?

Lumunok ako. Ano ang isasagot ko? Na nakipag siping ako sa kanya noong stag party nito?

Bago pa man ako nakasagot ay nagsalita na ulit ito.

"Why can't you answer me? Dahil ba nahihiya ka sa ginawa mo? Na nakipag siping ka sa lalaking ikakasal na?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. Sa paraan ng pagkakasabi nito ay para bang hindi ako nito anak at parang ibang tao lang ang kinakausap nito..

"Hindi ko alam na willing kang ibaba ang sarili mong pagka babae, Rina. Hindi ganyan ang pagkakakilala ko sa iyo."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nito. Nainsulto at nasaktan.

"Dahil ilang taon mo kaming iniwan. Kaya tama ka. Hindi mo ako kilala. Patas lang dahil sa paraan ng pananalita mo ngayon? Hindi kita nakilalang tatay ko."

Sagot ko dahil sa galit ngunit pinilit kong kumalma.

"Hindi na ako magpaliguy liguy pa. Gusto kong layuan mo si Drystan Montesor. Hindi ka nababagay sa kanya. Hindi ang isang katulad mo ang bagay sa kanya. Kundi ang anak ko. Tutal, inagaw mo lang sa kanya si Stan. Kung walang nangyari sa inyo ay hindi mapo postpone ang kasal nilang dalawa at hindi matatanggal ang investment namin sa kumpanya ng mga Montesor."

Tumawa ako ng malakas. Tumulo ang luha ko dahil sa sakit, galit at sa pagtawa. Hindi ko alam kung emosyonal lang ako o dahil ito sa pagbubuntis ko.

Nang kumalma ay tiningnan ko ang mukha nitong nakatiim bagang. Binigyan ko ito ng malamig na tingin. Malamig pa sa centralized aircon ng restaurant.

"Unang una sa lahat, Mr. Vasquez. Wala kang karapatang utusan ako dahil ilang taon mo kaming inabandona ng mga kapatid ko. Nawalan na ng bisa ang pagiging tatay mo sa amin."

Nagngingitngit na sagot ko.

"Pangalawa, hindi bagay sa akin si Stan pero ako ang pinili niya. Ang anak mo sa bago mong asawa ang may kasalanan kung bakit sila naghiwalay. Nakikipag sex sa ibang lalaki habang may fiancee ito. Kung mababa ang tingin mo sa akin, ano nalang diyan sa tinuturing mong anak?"

"Pangatlo, wala akong inagaw. Nabuntis ako pero ni minsan hindi ako naghabol ng pera kay Stan. Hindi ko siya ginulo dahil alam kong ikakasal na ito pero buti nalang at nalaman niyang nagloko ang anak mo at nakilala ni Stan ang anak niya sa akin."

May kung anong emosyon ng dumaan sa mata nito ngunit dahil sa galit ay binalewala ko iyon.

"At masaya ako para sayo dahil nakahanap ka ng pamilya na inaalagaan mo ngayon sa kabila nang pag iwan mo sa amin ng mga kapatid ko. Hindi mo alam ang hirap na dinaranas naming magkakapatid dahil nagpaka sasa ka sa buhay mo. Nakakatawa lang isipin na inabandona mo ang mga anak mo upang mag alaga ng anak ng iba."

Pinahiran ko ang luhang kusang lumabas sa mga mata ko.

"A-at si N-nanay...paano mo nagawa iyon?"

Gulat na tumingin ito sa akin.

"Dati mong asawa, na dati mong minahal at inanakan...sinasagasaan mo at ni hindi mo man lang binalikan? Ni hindi mo man lang dinala sa ospital? Hindi mo ba alam na ikaw ang pangunahing dahilan kung bakit siya nagkaganoon? Nasaan ang puso mo?"

Sigaw ko dito. Kita ko ang paninibugho sa mga mata nito ngunit sa nararamdaman ko ngayon ay hindi ko ito binigyan ng pansin.

Kumalma ako...ayoko nang magtagal dito dahil may plano pa ako ngayong araw.

"At alam mo, 'tay? Araw araw kitang pinagdarasal sa diyos noon. Na sana naging masaya ka sa desisyon mo. Na sana maayos ka at nakakatulog ka ng mahimbing."

Tumayo na ako at naghandang umalis..tiningnan ko ito sa mga mata bagi nagsalita.

"Nalimutan ko na ang mga alaala at panahon na naging ama ka sa akin, sa amin ng mga kapatid ko. Pakiusap, huwag mo na kaming guluhin. Maging masaya ka lang. Dahil masaya na kami sa pamilyang mayroon kami. Sana hindi ka bisitahin ng konsensya mo."

Heaven In your ArmsWhere stories live. Discover now