Chapter 36

2.8K 55 8
                                    

Nagduda man ay pilit ko paring isinawalang bahala ang mensaheng nabasa ko sa telepono no Stan.

Bago pa lang kami ngunit matagal na kaming nakatira sa isang bahay kaya't kahit paano ay may tiwala ako sa kanya. Ni rerespeto ko siya bilang tao, bilang tatay ng anak ko at bilang kasintahan ko.

Kaya noong magising ito ay hindi ako nagsalita tungkol sa nabasa ko. Nirerespeto ko naman ang privacy niya at tsaka baka kung ano ang sabihin niya na nagbabasa ako ng text galing sa telepono niya.

Hindi rin niya nabanggit sa akin ang tungkol doon kaya't may parte sa akin ang nagdududa. Hindi naman siguro mawawala iyon pero ang importante ay nananaig ang tiwala ko sa kanya.

Maaga itong umalis kanina dahil may importante raw siyang kikitain na isang investor sa kumpanya nila.

Ilang araw na rin naka lipas simula nang may mangyari sa amin at noong mabasa ko ang mensaheng iyon.

Galing rin dito ang ama ni Stan kanina at dumalaw sa apo nito. Ang mga kapatid ko ay maaga ring pumasok sa skwelahan. Malapit na rin ang graduation kaya ngayon ay nagpa-plano ako sa kung anong regalo ang maibibigay ko gamit ang naipon kong pera.

Nasa sala ang anak ko at nanonood ng spiderman habang nasa kusina ako at tinitingnan ang ref sa kung ano ang pwedeng lutuin ngunit ilang minuto na akong nakatayo pero ang isip ko ay nagliliwaliw.

Bumuntong hininga ako at napagdesisyonang umupo muna aa counter at tiningnan ang telepono kung may mensahe ba galing kay Stan.

Nasanay kasi akong palagi itong nagte-text sa akin kahit na may lakad ito. Naghahanap ng paraan para ma update lang ako. Hindi man maka reply kaagad ay nagagawa niya paring mag update lalo na kapag free na ito.

Ngunit iba ngayong araw.

Dahil kahit isa ay wala akong natanggap na kahit na ano galing sa kanya. Kahit man lang ni ha or ho. Naninibago ako at medyo kinakabahan. Hindi ko alam kung bakit.

Ayokong maging clingy kasi nahihiya ako at kay bago bago pa lang namin at baka ayaw niya nang ganoon.

Kinagat ko ang labi dahil hindi ako mapakali.

Hindi ko alam kung bakit pero pinindot ko ang instagram na app at doon nanonood ng kung ano, pilit na isinawalang bahala ang iniisip upang kumalma.

Ngunit hindi ganoon ang nangyari.

Parang biglang nahulog ang puso ko nang may makitang mga larawan.

Isang lalaki at babae iyon, pamilyar ang lalaki dahil kahit nakatalikod ay kilalang kilala ko siya.

JUST IN: Drystan Gavriel together with his fiancee. Are they back to each other's arms?

Lumakas ang pintig ng puso ko nang mabasa iyon. Nakangiti ang babae habang nakatingin kay Stan. Kuha iyon sa isang kilalang restaurant.

Hindi ko makita ang reaksyon sa mukha ni Stan dahil lagi itong nakatalikod sa camera. Ang babae lang ang nakikita sa mga larawan.

Tiningnan ko pa ang mga larawan at ganoon rin. Palaging likod ni Stan ang palaging nakukuhanan. May maliit na parte sa akin ang nagsasabi na baka hindi talaga siya iyong lalaking kasama ng babae pero alam ko sa sarili ko na magsisinungaling ako kung sasabihin ko iyon.

Kilalang kilala ko siya hanggang dulo ng buhok niya.

Pinagsabay niya ba kami ng fiancee niya? Ginagamit lang ba niya ako upang maka sec ulit pero hindi naman talaga ako mahal?

Hindi. Hindi gagawin ni Stan iyon. Alam ko kahit maloko ito ay seryoso ito sa mga desisyon. At hindi niya gagawin iyon bilang tatay ng anak namin.

Ayokong mag conclude kaagad dahil naniniwala ako na "communication is the key to have a better relationship."

Bago man ako sa relasyon pero iyon ang bagay na hindi ko nakikita sa mga magulang ko na tingin ko ay naging dahilan ng paghihiwalay nila aside sa pambababae ng tatay namin.

Palagi silang nagsisigawan. Kung mag usap man ay walang araw na hindi sila nakasigaw sa isa't isa. Nagtatapunan ng mga bagay sa isa't isa.

At hindi ko gagawin iyon kay Stan.

Hihintayin ko ang paliwanang nito dahil hindi ko naman alam ang nangyayari.

Hihintayin ko siyang makauwi mamaya upang makapag usap kami. Kasi ganoon dapat. Kung totoo man, masasaktan ako pero hindi ko ipipilit ang sarili ko sa kanya. Mababa na ang tingin ng mga tao sa akin at ayaw kong pati ako ay bababa rin ang tingin sa sarili.

At hindi ko pinagdaanan ang hirap sa buhay upang maging baliw lang sa isang lalaki. Kung tingin mo ay hindi ka na nirerespeto, tumakbo ka na. Ganoon ang iniisip ko.

Kaya bago pa ako magkasakit sa puso dahil sa kaba ay kaagad akong huminga ng malalim at kinalma ang sarili.

Bago paman ako makatayo ay nakatanggap ako ng isang mensahe. Ganoon nalang ang saya ko sa pag aakalang si Stan iyon ngunit hindi, si Berta pala.

Berta :

Rina...

Berta :

Nakita ko ang mga pictures online. Kumusta ka?

Napangiti ako dahil sa mensahe nito sa akin. Kahit sobrang busy nito sa pagraraket ay hindi ito nakakalimot sa pagkumusta sa aming mag ina at magkakapatid.

Nireplyan ko ito at bumalik na sa paghahanap ng ingredients sa lulutuin mamayang gabi.

Alas syete ng gabi nang matapos ako sa pagluluto. Kaagad kong pinakain si Gavril upang makapagpahinga ng maaga.

Nagtanong pa ito tungkol sa ama ngunit sinabi ko nalang na matagal uuwi ang tatay niya dahil sa trabaho. Naiintindihan naman iyon ng anak namin.

Alas nuwebe ng gabi ay wala parin itong text sa akin.

Medyo kinakabahan na ako hindi dahil sa nagdududa parin ako sa kanila ng ex- fiancee nito pero nag aalala ako na baka may nangyaring masama dito.

Tinabunan ko ang pagkaing niluto kanina at hinintay na dumating ito. Hindi ako makakain hangga't hindi pa umuuwi si Stan.

Napag desisyonan kong maghintay sa sala. Nanunuod ako ng palabas upang hindi ako makapag isip ng masama.

Ngunit maya maya ay ramdam ko na ang antok. Gusto kong pumahik sa itaas at tabihan ang anak namin sa pagtulog. Ngunit hindi ko na nagawa dahil tuluyan na akong kinain ng antok.

Maya maya ay naalimpungatan ako dahil sa marahang haplos sa mukha ko.

Pagdilat ko nang mga mata ay nabungaran ko ang lalaking laman ng isip ko buong araw.

Binigyan ako nito ng maliit na ngiti habang hinahaplos parin nag mukha ko.

"I'm sorry, mahal."

Heaven In your ArmsWhere stories live. Discover now