Chapter 2

4.1K 80 3
                                    

Kasalukuyan kaming nag uusap ni Berta dahil umaga pa lang ay pinuntahan ko na siya dito sa bahay niya upang magtanong kung may maibibigay ba siyang raket sa akin.

"Pasensya ka na Berta, ang aga kitang dinisturbo dito. Kailangan ko lang kasi."

"Naku, ano ka ba! Walang problema, Rina. Alam mo namang kung meron akong maitutulong ay tutulong ako."

Magkaharap kaming nakaupo dito sa sala niya. Hindi ganoon kalaki ang bahay niya ngunit sakto lang din dahil mag isa lang naman siya. Hindi tulad sa amin na kung saan kami kumakain ay doon na rin kami natutulog. Buti nalang at may banyo sa loob. Iyon lang din kasi ang kinaya ng pera ko simula noong lumuwas kami ng mga kapatid ko upang hanapin si nanay. Hindi ko naman akalain na ganito pala kalaki ang maynila at hindi ko pa alam saan siya banda sa maynila.

Noong hindi talaga namin nakita si nanay ay napagpasyahan ko nalang na dito nalang kami titira dahil wala na kaming pera pamasahe pauwi sa probinsya.

Buong araw kaming naglalakad ng mga kapatid ko upang maghanap ng murang matutuluyan. Sakto lang ang perang dala ko para sa matutuluyan at ilang araw na pagkain.

Noong nagpapadala pa si nanay ay hindi ko ginagastos lahat. Nag iipon ako kasi baka sakaling kakailanganin namin ng mga kapatid ko. At heto na nga.

Nakahanap naman kami. Buti nalang dinala na namin ang mga importanteng dokumento namin at napagpasyahan kong ipa enroll nalang din ang mga kapatid ko upang mapagpatuloy nalang nila ang pag aaral dito.

Ang swerte ko lang sa iba kong kapit bahay gaya nina Berta at Aling Nena. Kapag walang wala na talaga kamo kagaya dati, sila iyong nagbibigay ng pagkain sa amin at sa mga kapatid ko.

Ngayon, naghahanap na kaagad ako ng trabaho upang hindi na umabot sa punto na hihingi pa ako ulit sa kanila dahil nakakahiya rin. Pare-parehas lang kami dito.

"Iyong mga kaibigan kong mga may restaurant ay hindi pa sila naghahanap ng bagong trabahante." Sabi niya.

Bumuntong hininga siya. Tumingin siya sa akin na parang may gustong sabihin ngunit nagdadalawang isip.

Di nagtagal ay nagsalita ulit siya.

"May alam akong raket ngayon. Malaki ang bigayan. Pero...hindi ko alam kung papayag kang gagawin ito."

"Kahit ano, Berta. Handa naman akong gawin. Hindi naman ako mapili."

"Alam ko naman iyon. Ang kaso lang, hindi mo pa ito nagawa kahit noon pa. Iba ito sa mga raket na ibinigay ko sa iyo dati."

"Anong raket ba iyan? Tsaka kung hindi naman ako mapapahamak ay okay lang sa akin basta ba malaki ang bigayan."

"Malaki ang bigayan kahit isang gabi lang." Sabi niya. Bumuntong hininga siya bago nagpatuloy. "Hay naku! Hindi na nga ako magpapaligoy pa. Iyong kaibigan kong may ari ng club iyong kung saan ka naging dishwasher noon ay may event daw doon sa club niya. May ikakasal at nirerentahan ang club niya para sa stag party".

"Kailangan niya ba ng waitress? Kaya ko naman iyon, Berta."

"Hindi iyon. Naghahanap siya ng dancer para sa stag party. Dalawa dapat ang dancers sa gabing iyon ngunit nag back out ang isa dahil nabuntis at maselan ang pagbubuntis noong babae."

Natigilan ako. Dancer? Stag party? Alam ko naman kung ano iyon. Tama si Berta. Hindi ko pa nagawa iyon sa buong buhay ko. Naging dishwasher, taga linis kahit sa banyo ng restaurant at kung anu-ano pang trabaho ang nagawa ko na pwera nalang dito.

Kaya ko ba iyon? Parte sa akin ang gustong tanggihan iyon.

"Magkano ang bayad, Berta?" Tanong ko. Hindi pa naman ako desidido.

"Bente mil para sa gabing iyon, Rina."

Lumaki ang mata ko sa sinabi niya. Sobrang laki na noong bente mil para sa akin. Madami na akong mabibili at mapag gagastusan sa perang iyon.

Kaya ko ba talaga ito? Marunong naman akong sumayaw dahil parte naman ako ng dsnce troupe noong highschool. Hindi na nga lang ako naka pag sayaw sa tagal ng panahon dahil nagta trabaho ako pero sa tingin ko ay kaya ko naman.

Bumuntong hininga ako. Hindi kaagad ako sumagot.

"Rina, kung hindi mo kaya ay okay lang. Maghahanap nalang ako ng ibang raket na maibibigay ko sa iyo." Sabi ni Berta.

Iyon na nga. Baka magutom kami kakahintay kung kelan mo ako mabibigyan ng raket ulit Berta.

Isang malalim na buntong hininga pa ang pinakawalan ko bago ako tumingin sa kanya.

"Tatanggapin ko, Berta. Gagawin ko."

May pag aalala naman sa mukha niya na parang hindi makapaniwala na tinanggap ko talaga ang raket.

"Sigurado ka na ba diyan, Rina? Pwede naman kitang hanapan ng iba pa."

Umiling ako. "Hindi na. Baka matagal pa bago ako makahanap ng trabaho ulit. Magugutom ang mga kapatid ko."

Nakita ko ang awa sa mukha niya. Umiling na ako kaagad bago paman siya makapagsalita.

"Alam ko naman na palagi kang tumutulong para sa amin, Berta. Pero sa ngayon, nahihiya na ako sa inyo. At isa pa, kailangan kong makapag ipon ulit dahil nagamit ko sa eskwela ng mga kapatid ko ang itinabi ko. Malaking tulong din iton sa amin."

Wala siyang nagawa kundi ang tumango.

At dahil tinanggap ko ang raket na iyon. Kaagad niyang tinawagan ang kaibigan niyang naghahanap noong dancer para sa stag party.

Kinakabahan ako kahit wala pa man pero natural lang siguro ito.

Sa makalawa pa naman ang stag party. Ipinaliwanag din sa akin ni Berta ang mangyayari.

Ang sabi niya ay mag mamaskara naman daw ako upang hindi makilala. Ang sabi niya dalawang oras lang akong sasayaw doon. Pero ang sabi rin niya na dapat ang groom ang sasayawan ko dahil syempre para sa kanya ang stag party. Si Berta na rin daw ang magbibigay sa akin ng bayad dahil sa kanya ibibigay noong kaibigan niya ang pera.

Dalawang oras lang naman iyon, Rina. Kayang kaya mo iyon. Makakapag ipon ka na ulit. Hindi ka na mamomromblema sa kakain n'yo ng nga kapatid mo. Makakatulog ka na ng maayos ulit. Para saan ba't malalagpasan mo rin ito.

Paalala ko sa sarili ko.

Bahala na.

Heaven In your ArmsWhere stories live. Discover now