Chapter 41

2.6K 59 5
                                    

Pagkatapos kong ipaliwanag sa mga kapatid ko ang nangyari sa nanay namin ay iyakan ang nangyari.

Sobra silang nagulat sa nalaman nilang sitwasyon ng nanay namin. Katulad nalang noong reaksyon ko.

Ilang araw ang lumipas ay nakadalaw rin kami doon. Kaming magkakapatid.

Ipinaliwanag rin namin sa anak namin na may sakit ang lola nito at hindi pa pwedeng kausapin sa ngayon.

Maayos naman ang daloy ng araw namin. Nandoon parin ang pagpunta namin sa ospital para sa gamot ni Gav at iyong pagdalaw namin kay nanay.

Pakiramdam ko nga ay wala na akong panahon kay Stan. Sinabi ko iyon sa kanya ngunit tinawanan lang lang ako nito. Okay lang naman daw. As long as masaya kaming magkakapatid at ang pamilya namin ay masaya na rin daw siya.

Ibang klase...

Ni isang beses...kahit gaano ka busy si Stan ay ni hindi ito nawawalan ng panahon para sa amin.

Sinisiguro nitong nabibigyan niya kami ng panahon.

Dumadalaw parin dito ang daddy nito at nakikipag bonding sa apo at pati na sa mga kapatid ko.

Ang gusto nga nito ay pagkatapos mag aral ng mga kapatid ko ay sa kanya raw magtrabaho.

Sinabi ko namang depende pa rin sa desisyon ng mga kapatid ko at ayaw ko silang pangunahan.

Birthday bukas ni Stan at ngayon palang ay kinakabahan na ako sa gagawin bukas.

Siguro...hindi nito alam na alam ko ang birthday niya.

Siguro naiisip nito na ang dami ko nang naiisip at hindi kasama doon ang birthday niya.

Pero kung ganoon ay mali ito.

Sa relasyon namin ni Stan ay ni minsan hindi pa kami nag away. Iyong away na naging dahilan ng paghihiwalay.

Napaka understanding nito kahit sa oras ko.

Hindi ko naman siya pinapabayaan. Sinisiguro kong naasikaso ko parin siya.

Kinakabahan ako dahil sa announcement na gagawin ko bukas.

Ilang linggo matapos may mangyari sa amin ni Stan ay nagsimula akong makaramdam ng mga sintomas.

Nandoon ang pagkahilo, pagsusuka at paghahanap ng gustong kainin.

Noong una ay hindi ko pa kaagad na naisip na baka...may laman na nga ang tiyan ko.

Nakalimutan kong noong may nangyari sa amin ulit ay hindi ito gumamit ng anong proteksyon.

Hindi rin ako nagpi-pills dahil wala naman akong planong gawin iyon ng basta basta.

Kinakabahan ngunit alam kong magiging masaya ito sa birthday gift ko sa kanya.

Wala kasi akong maisip na ibibigay rito bilang regalo dahil nasa kanya naman na ang lahat.

Palagi na itong nagpaparinig tungkol sa kasal ngunit nginitian ko lamang siya palagi..

Darating din kami diyan. Sadyang excited lang ako para sa bagong miyembro ng pamilya namin.

Kahapon ko lang nalaman ang tungkol dito. Nagdududa na kasi ako sa sarili ko kaya't nagpaalam akong may bibilhin pero ang totoo, dumeretso ako sa OB.

Doon ko nga nalaman na buntis ako. May bagong miyembro na naman ang pamilya namin.

Napukaw ang isip ko dahil sa tunog ng telepono ko. Isang tawag galing sa hindi kilalang numero ang dahilan.

Nagdadalawang isip pa akong sagutin iyon ngunit may kung ano ang bumulong sa akin at nag udyok na sagutin iyon. Hindi ko alam kung bakit rin ako kinakabahan.

"H-hello?"

Katahimikan ang narinig ko at ang paghinga ng taong nasa kabilang linya.

"Hello? Sino 'to?"

Ilang beses ko pang sinabi iyon at balak ko na sanang ibaba ang telepono nang magsalita ito.

"Rina..."

Nanigas ako dahil sa pamilyar na boses kaya hindi ako nakasagot.

"Pwede ba tayong magkita?"

Nagtiim bagang ako. Ang galit ay unti unting napukaw ngunit nandoon ang panginginig.

Bumuntong hininga ito dahil hindi man lang ito nakatanggap ng sagot mula sa akin. 

"Magkita tayo bukas. I'll text you the details."

Iyon lang ang sabi nito pagkatapos ay binaba na ang tawag.

Ni hindi man lang ako binigyan ng pagkakataong magsalita. Ni wala man lang, "kumusta ka na? Kayo ng mga kapatid mo?"

Napatawa ako ng mapait.

Maya maya ay tumunog ulit ang hawak kong telepono. Mensahe iyon galing sa numerong tumawag sa akin.

Nandoon ang lugar kung saan at oras kung kailan kami magkikita bukas.

Alam kong birthday ni Stan bukas pero gani pa ang inihanda kong surpresa para rito.

Hindi nito alam iyon. Nag aya nga itong mag dinner date bukas ngunit hinindian ko. Na kunwari ay busy ako pero ang totoo may surpresa ako pagkadating nito galing sa trabaho.

Bumalik ang isip ko sa taong tumawag kanina.

Kung gaano kalamig ang boses nito.

Ibang iba sa lalaking nag alaga sa akin dati. Iyong tatay naming napaka lambing ay wala na.

Bumuntong hininga ako. Siguro ito na rin ang oras upang magkaroon kami ng pag uusap.

Hindi ko alam kung bakit ay ngayon lang ito nagkaroon ng bayag na tumawag at makipagkita sa akin samantalang nagkita na kami noon pero wala man lang itong ginawa upang magkausap kami.

Ano kayang dahilan nito.

Mag isa ako sa bahay dahil hiniram si Gav ng daddy ni Stan at ipinasyal. Alam naman ni dad kung ano ang bawal at hindi sa anak namin. Nababagot na rin kasi ito sa bahay kaya nagsumbong sa lolo nito.

May pasok naman ang mga kapatid ko habang si Stan ay nasa trabaho.

Nagtipa ako ng mensahe sa telepono ko.

To Tatay Pogi :

I miss you, mahal.

Napangiti kaagad ako hindi pa man ito nag reply.

Maya maya ay nakatanggap kaagad ako ng mensahe galing dito.

Tatay Pogi :

Are you okay, mahal? Do you want me to go home?"

Napatawa ako sa reaksyon nito.

Ako :

Okay lang ako mahal, gusto ko lang sabihin sa iyo na mahal kita.

Daddy Pogi :

That's it! I'm going home. I want to kiss you.

Tumawa ako dahil sa reply nito.

Ako :

Tapusin mo muna ang trabaho mo.

Pero hindi na ako nakatanggap pa ng mensahe galing dito.

Ilang minuto ang nakalipas ay nakarinig ako ng tunog ng sasakyan sa garahe kaya alam kong siya iyon.

Sinalubong ko siya pagkapasok niya ng halik sa labi.

Ngunit hindi na ako binitawan nito at dinala sa kwarto namin.

Ilang beses may nangyari sa amin at buti nalang ay pagod ako. Kung hindi ay baka nasabi ko na ang tungkol sa surpresa ko bukas.

Heaven In your ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon