Chapter 38

2.7K 55 3
                                    

Hinanap niya si mama? Kailan pa?

Hindi ako makapagsalita dahil sa emosyong dumaan sa dibdib ko. Kahit kailan, hindi ko na inaasahang magkakasama pa kami ng mga magulang ko. Kaya ang marinig ito galing kay Stan ay naghahatid sa aking puso.

"N-nasaan siya?"

Malungkot itong tumingin sa akin habang hinahaplos ang braso ko kaya mas lalong lumakas ang kabog sa dibdib ko.

Kung anu-ano nang mga pangyayari ang naiisip ko bago ko pa napigilan iyon.

"Do you want to see her?"

Gusto ko ba? Gusto ko ba siyang makita sa kabila ng pag abandona nila sa amin ng mga kapatid ko?

Ang sabi ko dati, tanggap ko na ang pag abandona nila sa amin. Iyong mga hirap na nadaraanan namin ng mga kapatid ko ay tinanggap ko at niyakap ko sa kabila ng hirap.

Pero kahit ganoon, wala akong nararamdamang galit sa mga ito. Na realize ko na mas lamang ang paninibugho at pati na ang tampo ko kaysa sa galit.

Kaya...gusto ko ba siyang makita? Oo.

Gusto kong makita at malaman kung kamusta na siya sa kabila nang pag iwan niya sa amin.

Tumungo ako dahil nag iinit ang mga mata ko.

"If you are not ready yet, it's okay, mahal." Marahang sabi ni Stan sa akin.

"G-gusto ko. G-gusto ko siyang m-makita."

Tumango ito sa akin at ngumiti ng maliit sa akin.

"I'll bring you there, tomorrow love. Just...please be strong."

Bulong nito ngunit rinig ko iyon.

Kumunot ang noo ko dito dahil mas doble ang kaba ang naramdaman ko.

"Anong ibig mong sabihin? M-may nangyari ba sa k-kanya?"

Ngumiti lang ito ng malungkot sa akin.

"You'll see tomorrow. You have to rest now so you'll have the strength to face her tomorrow. You need it, mahal."

Pagkatapos ng pag uusap naming iyon ay umakyat na kami. Nagising ang isa sa mga helper sa bahay kaya siya na ang nagligpit ng mga kinainan namin ni Stan. Wala kasi ako sa pag iisip dahil sa mga iniisip ko na mangyayari bukas.

Makikita ko na ang mama ko.

Napagdesisyonan kong hindi muna sabihin sa mga kapatid ko iyon. Gusto kong ako muna ang kumausap sa kanya. Bagay na hindi ko nagawa sa tatay namin dahil talagang mukhang itinakwil na kami nito. Dahil sa kabila nang hindi inaasahang pagkikita namin noon ay ni hindi man lang ito gumawa ng paraan upang magkausap kami.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Hindi ko alam kung natulog ba talaga ako dahil pakiramdam ko ay pumikit lang ako ng ilang minuto at nagising ulit.

Alas singko palang ay gising na ako kaya't naghanda kaagad ako. Pagkatapos kong maligo ay nagluto ako ng umaagahan para sa anak at mga kapatid.

Kasalukuyan akong nagluluto nang marinig kong may pumasok sa hapagkainan kaya't napalingon ako doon.

Si Simon pala iyon na kakagising lang din ang naroon.

"Ang aga mo namang nagising."

Sabi ko dito.

"May pag aaralan pa ako ngayon, ate. Malapit na kasi ang exams. Gusto kong...makakuha ng malaking marka kasi nakakahiya kay kuya Stan."

Nginitian ko ito at nilapitan.

"Huwag mong isipin si kuya Stan mo. Ayos kang sa kanya. Di ba sinabi niyang hindi kayo pini pressure? Basta ba nag aaral kayo ng mabuti ni Aaron."

"Kayo na ba ni Kuya Stan, ate?"

Gulat ko siyang tiningnan. Hindi ko nga pala nasabi sa kanila ni Aaron.

Tinanguan ko ito at ngumiti naman ito sa akin.

"Kung saan ka masaya ate, masaya rin kami ni Aaron. Deserve mong sumaya dahil sa paghihirap mo para maitaguyod kami ni Aaron."

Dumaan ang pait sa puso ko at nilapitan ko ito bago ginulo ang buhok.

"Asus, ano ka ba. Mahal na mahal ko kayo ni Aaron kaya natural na gagawin ko ang lahat para sa inyo."

Lumunok ako ng ilang beses dahil sa bukol sa lalamunan.

"Siya nga pala, aalis kami ni kuya Stan mo ngayon. Pwede mo bang bantayan muna si Gav?"

Tumingin ito sa akin.

"Oo, ba ate. Wala akong pasok ngayon. Saan pala kayo pupunta?"

Bumalik ako sa pag aasikaso sa hinahanda kuno dahil hindi ako makatingin dito dahil sa tanong nito. Ayaw ko talagang nagsisinungaling sa mga kapatid ko pero gusto ko munang hindi nila malaman ang tungkol sa lakad namin mamaya ni Stan.

Kung ano man ang resulta mamaya, sasabihin ko sa kanila. Pero sa ngayon, ako muna.

"U-uh may bibilhin lang kami ni Kuya mo. Babalik rin kami kaagad."

"Sige po."

Iyon lang ang narinig ko at maya maya ay nagsimula na itong mag aral. Pinakain ko muna ito bago mag aral upang mas gagana ang utak nito.

Maya maya ay bumaba na rin si Aaron pati ang mag ama ko.

Ang tawa ni Gav ang bumungad sa akin habang karga ito ng ama. Nakaligo na rin ito pati ang tatay nito.

Lumapit silang dalawa sa akin at hinalikan ako sa magkabilang pisngi. Sabay sabay kaming kumain lahat.

"Nanay, aalis daw po kayo ni tatay?"

"Oo, anak." Tumingin ako kay Stan at para bang nag uusap ang mga mata namin.

"Nanay, dalhan mo po ako ng pasalubong ha. Gusto ko ng biko."

"Walang biko dito, Gav." Sabi naman ng tito nitong si Aaron.

Ngumuso ang anak namin.

"Buti pa doon sa tinirhan natin dati, may biko."

"I'll look for biko and buy it for you, anak. Tatay will do his best." Nakangising sabi naman ng ama nito.

Naging paborito kasi noon ni Gav ang biko ng kapit bahay namin.

"Tsk. Huwag na. Lulutuan nalang kita pagkauwi namin ni tatay. Okay ba iyon?"

Tumango tango ito habang nakangisi.

Pagkatapos kumain ay lumakad na kami ni Stan.

Tahimik kami sa kotse nito ngunit heto at bumabalik na naman ang kaba sa dibdib ko. Nanginginig ang mga kamay ko.

Lumingon ako kay Stan nang kunin nito ang kamay ko at ipinagsiklop sa sariling kamay nito bago dalhin sa hita niya.

Naka focus lang rin ito sa pagda drive at parang ayaw ako madisturbo sa pag iisip.

Maya maya ay huminto kami sa parking sa isang gusaling hindi ko inaasahang pupuntahan namin.

Anong ginagawa namin dito?

Ibig sabihin.,.....

Heaven In your ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon