Chapter 18

3.2K 93 10
                                    

Pagkarating namin sa ospital ay nauna akong maglakad kay Stan habang nakasunod siya sa akin. Hindi parin siya kumibo simula kanina kaya hinayaan ko nalang. Siguro hindi parin siya makapaniwala.

Nang marating namin ang kwarto kung nasaan si Gav at si Ria na siyang nagbabantay sa anak ko ay hindi muna ako pumasok at huminto sa harap ng pinto. Bumaling ako kay Stan. Ganoon pa rin ang mukha niya ngunit hindi na ito mukhang galit ngayon.

"M-mauna muna akong pumasok..b-baka kasi mabigla si Gav."

Napalunok ako nang malakas itong bumuntong hininga ngunit tumango.

"U-uh...diyan ka muna s-saglit." Sabi ko at tuluyan nang pumasok sa loob.

"N-nanay..." tawag sa akin ni Gav.

Kaagad akong naglakad papunta sa gilid nito at hinalikan ang noo nito.

"Anak..nandito na si nanay." Sabi ko habang hinahaplos ang buhok nito.

"Kanina ka pa niya hinahanap. Ba't natagalan ka?" Napabaling ako kay Ria na nag aayos ng gamit ni Gav sa may sofa.

Hindi ko siya sinagot at sa halip ay bumaling ako ulit sa anak ko.

"U-umalis si nanay para humingi ng tulong, anak. Kasi d-diba may sakit ang Gav? Kailangan natin ng t-tulong."

Malungkot na tumingin sa akin ang anak ko.

"N-nanay...uwi nalang po tayo. Magpapagaling po si Gav para hindi ka na po mahirapan."

Ganoon nalang ang sakit na dumaan sa dibdib ko. Hindi ko nilihim ang sitwasyon niya sa kanya. Matalino ang anak ko. Magtatanong at magtatanong siya at hindi titigil hangga't hindi ka sumasagot o alam niyang hindi ka nagsasabi ng totoo.

Umiiling iling ako.

"H-hindi anak...hindi pa pwedeng umuwi si Gav, e. Pero lalaban naman ang pogi diba para makauwi na tayo? Miss mo na ba sina tito mo?"

Ngumuso ito at marahang tumango.

"Opo kaya umuwi na po tayo 'nay...wala po tayong pera pambayad dito...mahihirapan lang po si nanay. Sorry po nanay..." humihikbing sabi ng anak ko.

Hindi ko napigilang yakapin ito at halikan ang tuktok ng ulo bago tiningnan si Ria. Kaagad kong pinahid ang aking luba bago hinawakan ang dalawang pisngi ng anak ko.

"Hindi naman napapagod si nanay basta kay Gav. Mahal na mahal ni nanay si Gav."

"Tsaka huwag kang mag alala, nakahanap ng tulong si nanay...."

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil hindi rin ako sigurado sa magiging reaksyon ng anak ko kapag nakita na niya ang tatay niya.

"Gav...magsabi ka ng totoo kay nanay, ha?"

Tumango ang anak ko. Pansin kong natahimik si Ria at nakikinig lang sa amin.

"G-gusto mo bang makita si tatay?"

Hindi kaagad ito sumagot ngunit maya maya ay bigla itong naluha at tumango.

"O-opo, nanay... kaya lang baka sinaktan ni tatay si nanay kaya wala siya dito. Kung ganoon...huwag nalang nanay."

Sabi nito kahit kita ko naman ang kasabikan at kislap sa mga mata niya kanina nang banggitin ko ang tungkol sa ama nito.

Umiling ako sa kanya. Napaluha ako sa naiisip ng anak ko. Kaya pala hindi siya nagtatanong tungkol sa tatay niya ay dahil akala niya sinaktan ako nito kaya hindi namin kasama ang tatay niya.

Hinalikan ko siya ulit sa noo at pinahid ang mga luha nito.

"Hindi, anak. Hindi ako sinaktan ng tatay. Hindi mo pa maiintindihan ngayon kasi baby pa ang Gav namin pero...hindi ako sinaktan ng tatay." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Nasaan po siya ngayon, nanay?" Mahinang tanong nito.

"Nasa labas, anak. Siya ang pinuntahan ko para humingi ng tulong. Patawarin mo si nanay kung ngayon ko lang ipapakilala ang tatay, ha? Pero mahal na mahal ka ni nanay."

Mahina siyang napasinghap at animo'y kinakabahan pa.

"N-nanay...mabaho po si Gav ngayon. Hindi po ako pinaligo ng doktor...baka ayaw ni tatay sa mabaho, nanay." Nababahalang sabi ng anak ko.

Ngumisi ako.

"Oo nga, amoy suka ka na, Gav. Maasim na maasim na." Sabi ni Ria at tinawanan pa ang bata.

"Ninang!" Napasimangot na tawag ni Gav sa ninang niya.

"Huwag mong pansinin si ninang. Nagbibiro lang siya. Paamoy nga ako ng baby ko." Sininghot singhot ko siya. "Hindi naman mabaho ang baby, a. Bango bango nga, e."

Tumawa siya dahil nakikiliti. Ang sarap sa pandinig noong tawa niya.

"Puntahan ko lang ang tatay mo sa labas, ha. Huwag kang kabahan...mabait naman ang tatay mo." Nginitian ko siya ng isang beses.

Lumapit naman si Ria sa kama nito at inayos ang buhok.

"Ayusin natin ang buhok ng pogi na iyan para mas pogi kapa kay tatay mo."

Napailing ako at tuluyan nang lumabas.

Nakita kong nakaupo si Stan at nakatungo. Ngunit hindi ko makitaan ng pagka inip ang mukha nito. Naglakad ako papunta sa kanya at nang mapansin ako ay lumingon ito sa gawi ko at kaagad na tumayo.

"How's he?" Kaagad na tanong nito.

Nginitian ko siya ng konti. "Kakagising niya lang at...nasabi kong nandito ka. Ayun at kinakabahan kasi baka ayaw mo raw sa mabaho...hindi kasi siya pinaligo ng doktor kanina." Naaliw na sabi ko sa kanya.

Nakita kong ngumiti ito habang napapailing kaya ganoon nalang ang talon ng puso ko. Ngunit panandalian lang iyon dahil nang makitang pinagmamasdan ko siya ay kaagad niyang binawi ang ngiti na iyon.

"Can I go inside now?"

Tumango ako. Nagpatiuna ako sa paglakakad papasok. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at unang pumasok. Pinagmasdan ko ang reaksyon ng anak ko nang pumasok ang tatay niya.

Ganoon  nalang ang sakit sa dibdib ko nang humikbi ito.

Nakaupo na ito ngayon at ini-adjust na rin ni Ria ang kama nito.

"T-tatay..."

Rinig ko ang singhap ni Stan at walang lingon itong naglakad papunta kay Gav.

"Hi, big boy..." marahang sabi nito nang makarating sa gilid ng kama ng anak.

Hinaplos nito kaagad ang buhok ng anak namin at kaagad na niyakap ito. Hindi ko na mapigilang mapaluha at kita kong ganoo  rin si Ria.

"I'm sorry...I'm sorry.." bulong ni Stan sa anak. Tumingala ito at ilang beses na kinurap ang mga mata na akala mo'y nagpipigil ng luha.

Mas lumakas ang hikbi ng anak ko at yumakap sa leeg ng ama.

Masaya ako para sa anak ko. Hindi niya man hiniling sa akin ang pagtatagpong ito ngunit alam kong matagal na niya itong inaasam asam sa kanyang puso.

Heaven In your ArmsWhere stories live. Discover now