Chapter 32

2.8K 58 2
                                    

Kaagad akong nag download ng instagram na sinasabi ni Berta kung saan nag post ng picture si Stan.

Gusto ko ring makita ang mga pictures na nakalat at nakita ng mga tao. Kinakabahan ako dahil baka nakita nila ang anak namin at kung ano ang sabihin ng mga tao.

Ang alam nila, na dating ibinalita na ikakasal na si Stan pero naibalita rin na hindi natuloy ang kasal.

Baka kung ano ang isipin ng mga tao. Na baka hindi natuloy ang kasal ay dahil sa akin. Na baka mali ang naibalita na pagtataksil ng mapapangasawa ni Stan dahil si Stan naman pala ang may kasalanan.

Ayokong may masabi silang kung ano tungkol kay Stan at lalo na sa anak ko.

Nang matapos nag pag download ay kaagad akong gumawa ng account at kaagad ring hinanap ang account ni Stan. Pero bago iyon, nakita ko ang isang account na may pictures naming mag anak noong nag picnic kami!

Nandoon iyong nakaupo sa likod ko si Stan habang pinapanood namin ang anak namin na naglalaro ng saranggola. Meron din iyong hinahalikan ako ng lalaki sa pisngi. Pati pagtatawanan naming mag anak ay kuhang kuha rin sa mga litrato.

Is this what Drystan Gavriel Montesor 's reason why he did not pursue with his marriage? Is the girl his mistress? Who is she?

Iyon ang caption sa mga pictures namin. Napakagat labi ako dahil doon. Umani iyon ng libo libong reaksyon sa mga tao.

Nagpatuloy ako sa paghanap sa aaccount ni Stan..

Stan Montesor
Businessman. Father & a lover.

Iyon ang nakita kong nakasulat sa account nito.

Ganoon nalang ang pintig ng puso ko nang bumungad sa akin ang mga pictures na alam kong pasimple niyang kinuha. Iyong pinakabago ay tanging likod ko lang iyon habang natutulog. Naka spaghetti blouse ako at ang kumot ay nasa hanggang bewang ko. Naka black and white ang picture kaya ang sexy tingnan.

Nandoon rin ang mga pictures ng mga pagkain na dala namin noong mag picnic kami at iyong saranggolang ginawa niya para sa anak namin. Hindi lang iyon, madami pa. Halos lahat ay likod namin, kung hindi naman ay lugar kung saan kami pumupuntang mag anak.

Ganoon nalang ang pang lalaki ng mata ko nang may bagong picture itong ipinost.

Iyon 'yung mga litrato na nakita ko kanina. Mga stolen shots namin iyon na tingin ko ay  isinave nito at ipinost sa sariling account na may caption na, "Thank you for capturing these precious moments. To answer all your questions, these people are my life. Stop your assumptions and let us live a peaceful life."

Napakagat labi ko dahil sa kilig. Lahat ng agam agam ko kanina ay bigla nalang naglaho. Kung si Stan ay matapang na ipinakilala kami sa buong mundo, ganoon rin ako. Wala akong pakialam sa kung ano mang opinyon ng mga tao. Kesyo hindi ako maganda o hindi kami bagay ni Stan dahil mahirap ako at mayaman siya.

Pero kung si Stan ay hindi iniisip ang mga bagay na iyon at minahal kami ng anak niya na walang pag alinlangan, karapat dapat rin siguro niyang mahalin ng ganoon.

"Nanay!"

Napukaw ang atensyon ko dahil sa pagtawag ng anak ko.

"Hello, anak."

"Nanay, anong oras po uuwi si tatay?"

Hinaplos ko nag ulo nito. Napapikit ito dahil sa haplos ko kaya napangiti rin ako.

"Maya maya pa, anak. Pero ite-text ko si tatay para tanungin siya. Gusto mo ba iyon?"

Tumango naman ito at yumakap sa bewang  ko. Kinarga ko ang anak ko at kinandong bago ko kinuha ang cellphone at itinext si Stan.

Ako :

Mahal, nagtatanong ang anak natin kung anong oras ka uuwi.

Kagat labi ko iyong isinend at parang kinikiliti ang tiyan dahil sa itinawag ko rito.

Ilang segundo lang ay tumunog ang cell phone. Akala ko ay text iyon galing rito ngunit ganoon nalang ang kalabog ng dibdib ko nang makitang tumawag ito.

"Si tatay po ba iyan, nanay?"

"Oo, 'nak."

Sagot ko bago sinagot ang tawag.

"What did you just call me?"

Bungad na sabi ni Stan matapos kong sagutin ang tawag.

"H-huh? Ang alin?"

Maang maangan kong tanong.

"Tsk...sabi ko na nga ba pinagti-tripan mo na naman ako."

Tumawa ako ngunit hindi ko ipinarinig iyon sa kanya.

"Ano pong sabi ni tatay, nanay."

"Is that Gavril?"

"Oo. Kausapin mo."

Inilagay ko ang telepono sa tenga ni Gav para makapag usap ang mag ama.

"Opo, tatay. Okay po. I miss you po, tatay. I love you."

"Tapos na po, nanay. Kiss daw po kita sabi ni tatay."

At hinalikan ako nito sa buong mukha na siyang ikinatawa ko.

Punong puno ng pagmamahal ang puso ko ngayon para sa mag ama ko. Ipinapangako kong gagawin ko rin ang lahat upang maprotektahan sila kasama ng mga kapatid ko. Isang desisyon ang napag isipan ko sa araw na ito.

Matapos ang tawag ay bumaba kami ng anak ko. Gusto nitong manood ng Ant Man kaya iniwan ko muna ito saglit sa sala at pumasok sa kusina upang maghanda ng hapunan.

Marami akong iniisip habang nagluluto. Isa na doon ay nag kagustuhan kong kausapin si Stan tungkol sa pag aaral ko.

Pangalawa ay...ang pagsagot ko sa kanya.

Ewan ko ba, wala pa nga pero heto at para akong binudburan ng asin dahil kinikilig sa mga naiisip.

Pasado alas syete ay pinauna ko nang kumain ang anak ko dahil mas maaga itong natutulog. Madali na rin kasi itong mapagod.

Nang matapos ko itong pakainin ay nilinisan ko ito at tinabihan sa pagtulog hanggang sa mahimbing ito.

Daddy Pogi:

On my way home, mahal.

Napangisi ako sa kilig dahil sa mensahe nito. Hindi ko ito nireplyan at patuloy pumunta ako ulit sa kusina upang ihanda ang hapunan. Ininit ko ang mga pagkaing inihanda ko kanina.

Sunod sunod ang pagtunong ng telepono ko ngunit hindi ko iyon pinansin. Alam kong si Stan iyon.

Pagkatapos kong mailagay sa mesa ang inihanda ay saka ko pa lang tinignan ang telepono.

Daddy Pogi:

Hey...are you asleep?

Daddy Pogi:

Mahal.

Daddy Pogi:

I think you're already sleeping. Good night, mahal.

Kumunot ang noo ko. Nag te-text ba ito habang nagda-drive?

Tsk. Mamaya ka sa'kin.

----------------------------------------------------

Hello! Medyo sabaw tayo today so pasensya na kaagad sa update HAHAHAHAHAHA. bawi po ako.

These are my social media accounts.

Facebook : aquarispen WP
Twitter : aquariuspenwp

Heaven In your ArmsWhere stories live. Discover now