Chapter 9

3.3K 79 11
                                    

"So kumusta ka naman?" Tanong sa akin ni Ria.

Kasalukuyan kaming kumakain sa isang fastfood sa malapit sa eskwelahan niya. Tinawagan niya kasi ako kagabi at gustong makipag kita. Ayoko pa nga sama dahil maghahanap pa ako ng trabaho pero sabado naman ngayon, sa lunes nalang. Plano ko kasing mag apply sa call center. Actually marunong naman akong mag english. Naging valedictorian ako simula elementary hanggang highschool. Sadyang hindi lang ako nagpatuloy dahil kahit man makakuha ng scholarship, hindi ko parin pwedeng mapabayaan ang mga kapatid ko. Mabuti sana kung ako lang mag isa ay okay lang. Igagapang ko pa.

Sumimsim ako sa coke.

"Okay naman ako. Ikaw ba?"

Ngumisi siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.

"Hmmm? So....?" Sabi niya na para bang ini engganyo lang akong magsalita.

Bumuntong hininga ako. Sinasabi ko na nga ba. Ang sabi nito ay gusto niya lang daw mag catch up kami since hindi na kami nagkita ilang linggo pagkatapos noong stag party. Alam ko namang gusto niya lang talagang maki chismis pero mayroon ding parte sa akin ang gusto siyang makita. Magaan kasi talaga ang pakiramdam ko sa kanya. Nagkakasundo pa kami sa ibang bagay.

Marami rin akong natutunan sa babaeng ito. Sabihin man nating maaga akong namulat sa responsibilidad ay hindi maipagkakailang ignorante parin ako sa ibang bagay. Lalo na't buong buhay ko ay nagta trabaho lang ako.

"Alam ko naman nang may nangyari sa inyo. Ang tanong diyan...masarap ba?" Tanont niya sabay halakhak.

Namula tuloy ang pisngi ko.

"Hinaan mo nga ang boses mo at baka may makarinig." Mahinang sabi ko sa kanya dahil iyong halakhak niya ay nakakuha ng atensyon sa loob ng fastfood.

Tinakpan niya ang bibig niya ngunit nandoon parin ang mapang asar na ngisi. Naka taas baba pa ang kilay.

"Malaki ba?" Bulong niya ulit.

Sobrang init na ng mukha ko dahil sa hiya. Walang filter talaga ang bibig ng babaeng ito!

"O-oo."

Maikling sagot ko. Narinig ko naman siyang umirit.

"Huwag mo na nga akong tanungin ng ganyan. Nakakahiya."

"Hay naku. Kahit magka edad lang tayo ay parang nakababatang kapatid parin kita. Ang cute cute mo, Rina." Ngising sabi niya.

"Nagkausap pa ba kayo pagkatapos noon?" Tanong niya sabay kain sa sundae na inorder.

Kumunot ang noo ko. Umiling rin ako sa kanya.

"Hindi. Bakit naman kami magkakausap? Kaya nga tayo nandoon di ba dahil ikakasal na siya? Pagkakamali nga iyong nagawa ko, e. Kahit pa sabihing hindi pa sila kasal ay may karelasyon siya pero nagpadala ako sa init ng katawan." Mahabang sabi ko.

Alam ko naman talaga na mali ako. Bilang babae, kung gagawin din iyon sa akin. Kung iyong ka relasyon ko ay may ka sex na iba, syempre masasaktan ako. Iyon ang ipinaghingi ko ng tawad sa diyos.

Kinumpas niya ang kamay sa harapan ko.

"Naku! Huwag kang mag aalala. Arranged marriage naman pala iyon sa kanila. Magmu-murge ang kompanya noong babae at noong grom kaya magpapakasal. Technically, hindi naman sila magla relasyon."

"Saan mo naman nalaman iyan?" Kunot noong tanong ko.

Nagsimulang lumikot ang mga mata niya. Hmmmm...parang hindi lang ako ang naging puyat sa gabing iyon, a. Pero dahil hindi ako mausisang tao, hahayaan ko nalang siya.

"U-uh...kwento noong kaibigan ng groom. N-nag usap kami."

"Close kayo?" Mapanuyang tanong ko.

Ano ka ngayon?

"Huwag ka ngang change topic! Basta iyon! Hindi naman sila magka relasyon. Arranged lang kaya magpapakasal. May laban ka pa doon. Swerte niya naman siya nakauna sa virginity mo, huh".

"Virgin or not, lahat ng babae may laban, Ria. Hindi naman ako conservative na babae na mag aantay pa ng kasal bago makikipag sex. Kita mo naman diba? Sadyang sobrang busy ko lang sa pagta trabaho at wala akong oras sa mga ganyan. Isa pa, noon ko pa sinabi sa sarili ko na kung makuha man ako ng lalaki na hindi pa kasal, atleast man lang may consent ko at iyong nag e-enjoy ako."

Paliwanag ko sa kanya.

"Oo na, ito naman seryoso kaagad. Sinasabi ko lang naman, e."

Tinitigan ko siya ng maigi. Tingin ko'y sa likod ng pagiging kwela nito ay may mabigat na kwento. Hahayaan ko nalang siya na mag share sa akin at hindi ko pipilitin. Baka hindi siya maging komportable kapag ganoon.

Nginitian ko nalang siya ngunit ganoon nalang ang pagbaliktad ng sikmura ko nang nay maamoy. Kaagad kong tinakpan ang ilong ko.

"Bakit?" Naguguluhang tanong ni Ria sa akin.

"Ang baho!" Akmang nasusuka ako. Dali dali akong tumayo at lumabas dahil hindi ko makayanan ang amoy sa loob. Kanina ay hindi naman ganito, a. O dahil ba ito sa nakain ko? Spicy chicken, burger stake at fries lang naman nakain ko, a. Tsaka mainit init pa iyon nang ma order namin.

Pumunta ako sa gilid ng fastfood kung saan may malaking puno at doon tuluyang nagsuka.

Ang sakit ng lalamunan ko. Wala namang ibang lumabas kundi puro laway lang pero bumabaliktad talaga ang sikmura ko.

Ramdam ko ang haplos sa likuran ko.

"Anong nangyari sa iyo?" Rinig ko ang pag alala sa boses niya.

Nang mahimasmasan ay tinanggap ko ang tubig na ibinigay ni Ria sa akin pati ang tissue at ipinahid iyon sa bibig ko.

May ideyang gustong pumasok sa utak ko ngunit pilit ko itong isinawalang bahala.

"S-siguro sa kabusugan ko lang ito."

Mas lalong nangunot ang noo ni Ria.

"Ano? Ni hindi mo nga naubos iyong inorder ko para sa iyo!"

"B-basta...okay naman na ngayon ang pakiramdam ko. Sa kinain ko lang talaga ito."

"Rina, parehas tayo ng kinain baka nakakalimutan mo."

Patuloy ma pagtutol niya sa akin. Sinalubong ko ang titig niya sa mga mata ko. Iyong titig na para bang binabasa niya kung ano ang iniisip ko.

Nanlaki ang mata niya na para bang may ideya siya. Umiling ako sa kanya sa kabila ng kabang nadarama.

Hindi pwede. Hindi maaari iyon.

Ngunit nang maisip na hindi ni isang besew gumamit ng condom si Stan...mas lalong lumakas ang kabog dibdib ko.

B-buntis ba ako?

Heaven In your ArmsOnde histórias criam vida. Descubra agora