Chapter 19

3.2K 88 3
                                    

Lumalalim na ang gabi pero heto at puno parin ng enerhiya ang anak ko. Masaya man akong tingnan silang magkausap ng tatay niya ay kinailangan ko na iyong putulin dahil kailangan niyang magpahinga.

"Ano pong work mo, tatay?" Tanong ng anak ko. Nakasandal na siya ngayon ngunit nakaupo parin. Bigla kasi itong nanghina kanina pero ayaw naman magpaawat.

"I am a businessman, big boy. I own a company." Walang halong pagyayabang na sagot ni Stan.

Tumatango tango naman ang anak ko. Maya maya ay nagtanong ito ulit.

"Tatay, may asawa na po ikaw?"

Hindi ko mapigilang mapasinghap sa tanong ng anak ko. Tatlo nalang kami dito sa loob dahil pinauwi ko na si Ria upang makapag pahinga.

"Sabi po kasi ni noong anak ni aling bebeng na kaya po wala ikaw sa bahay namin ay dahil anak po ako sa labas at kabit si nanay."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng anak ko. Kapit bahay namin si Aling bebeng at ang pinaka marites sa lugar namin. Tingnan mo naman, napasa pa nga ang ugali sa anak. Nakakairita.

Hindi ko makita ang reaksyon ni Stan dahil nakatalikod ito sa akin. Nakakahiya.

"No. That's not true, anak. Don't listen to them, okay?" Sagot ni stan sabay haplos sa buhok ng anak namin.

Bumuntong hininga ako at tumayo sa pagkakaupo. Kaagad akong naglakad papunta sa kanila.

"Anak, kailangan mo na magpahinga. Papagalitan ka ni Doc kasi matagal ka nag sleep."

"Sorry, nanay. Pero baka kasi umalis na si tatay at...baka busy po siya bukas."

Nahihiyang sabi nito at tumungo. Nagkatinginan naman kami ni Stan bago siya tumingin ulit sa anak namin. May kakaibang kislap sa mga mata nito.

"H-hindi naman aalis ang tatay, anak. Di ba 'tay?" Tanong ko kay Stan. May kung ano sa aking loob ang napukaw nang tawagin ko siya niyon.

Tumango siya sa akin bilang pagsagot at bago bumaling sa anak.

"Tatay won't go anywhere, anak. You should sleep now because it's already late. Maglalaro tayo bukas, okay ba 'yun?" Nakangiting sabi nito sa anak namin na siyang nagpangiti rin sa akin.

"Talaga po, tatay? Salamat po, tatay. Mahal ka po ni Gav." Masayang sabi ng anak namin.

Wala talagang katumbas ang saya sa puso ko sa tuwing nakikita ko ang ngiti at sa tuwing naririnig ko ang tawa ng anak ko.

Nagyakap pa ng isang beses ang mag ama bago ko tuluyang pinahiga si Gav. Inayos naman ni Stan ang kumot ni Gav bago ito tumayo at umupo sa sofa na kinauupuan ko kanina.

"Nanay, kanta po ikaw." Inaantok na sabi ng anak ko.

Tumabi ako sa kanya at hinahaplos haplos ang buhok niya bago kumanta ng mahina. Nasanay na kasi ito dahil kahit noon pa ay kinakantahan ko na siya sa tuwing matutulog na.

Lift your head
Baby don't be scared
All the things that could go wrong along the way
You'll get by
With a smile
You can't win at anythinfg but you can try...

Patuloy akong kumakanta hanggang sa malalim na ang paghinga ni Gav. Hudyat na mahimbing na ang tulog nito.

Ngunit ganoon nalang din ang lakas ng kabog sa dibdib ko nang maisip na maghaharap na naman kami ni Stan. Sa totoo lang, nahihiya parin ako sa kanya pero anong magagawa ko? Masaya ang anak ko na makilala ang ama niya kaya't hinding hindi ko ito pagsisisihan.

Ilang beses akong lumunok at huminga ng malalim bago ako bumaling kay Stan.

Nakita kong may kausap ito sa kanyang telepono at parang naramdaman niya ang titig ko dahil bumaling rin ito sa akin. Hindi ko matanggal ang titig ko sa kanya at ganoon rin siya. Narinig kong nag uutos ito bago pinatay ang tawag.

Lumapit ako ng konti sa kanya at umupo sa medyo malayo sa kanya ngunit tama lang upang marinig ko siya. Baka kasi magising si Gav, kinailangan niya ng sapat na lakas at tulog.

"We'll transfer him tomorrow. Nahanda ko na ang kailangang ihanda. I have colleagues who are residents in St. Lois medical center."

Ganoon nalang ang galak sa puso ko nang marinig iyon.

"S-salamat kung ganoon. Malaking tulong iyon para magamot ng maayos si Gav."

"Wala kang dapat ipagpasalamat. It's my responsibility. At anak ko rin siya."

Tumango nalang ako kahit gusto ko ulit magpasalamat. Mahabang katahimikan ang namagitan sa amin ngunit hindi awkward iyon.

"Tell me more about him." Maya maya ay sabi nito.

Mahina akong nagpakawala ng hininga bago nagsalita.

"Uh, Drysteen Gavril Vasquez ang complete name niya."

Ramdam kong bumaling ito sa akin. Tiningnan ko siya at binigyan ng maliit na ngiti.

"Sikat ka at...mayaman kaya hindi mahirap sa akin ang hanapin ka sa...internet."

Hindi ito nagsalita at nakinig lang. Bumaling ulit ako sa harap at pinagmamasdan ang anak namin dahil hindi ko kayang tagalan ang intensidad sa mga titig niya.

"G-gusto kong..kahit hindi ka niya kasama ay parte ka pa rin niya...kahit sa...sa pangalan man lang." Dagdag ko pa.

"Pero madaya kasi..wala man lang siyang nakuha sa akin. Buong hitsura at mukha mo kuhang kuha niya." Napangisi ako.

"Yeah...he literally looks like me. I feel like I am looking at my young self." Ngumisi siya at may kung ano ang humaplos sa dibdib ko nang pagmasdan niya ang anak namin.

"Maayos naman noong pinagbuntis ko siya. Walang kumplikasyon o ano kaya ganoon nalang ang pangamba ko nang malaman namin itong tungkol sa sakit niya."

"My mom...died because of Leukemia."

Nanlaki ang mga mata ko. Ganoon nalang ang pangamba ko. Hindi ko kakayanin kapag nangyari iyon sa anak ko. Ikakabaliw ko iyon.

"Hindi naagapan kaagad dahil naghirap din kami noon....hindi na natulungan ng gamot kaya....nawala siya. Pero hinding hindi ko hahayaang mangyari sa anak natin iyon. Maubos man ang pera ko."

Ang kaninang bigat sa kalooban ko ay nawala lang bigla ngayong alam kong tutuparin niya ang sinabi niya. Kita ko ang pagmamahal sa pag tingin niya sa anak namin ngayon palang.

Kakaibang saya ang nararamdaman ko ngayon dahil alam kong masasandalan ko siya sa laban namin na ito.

Heaven In your ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon