Chapter 16

3.1K 96 15
                                    

"Ano pong pakay nila?"

Nagising ako sa pag iisip nang hindi ko namalayang nakalapit na pala ang security guard sa akin. Kinabahan ako kaya pinaglalaruan ko ang aking nga daliri.

"U-uh..." tiningnan ko ulit ang building sa harapan ko.

"N-nandito po ba si Stan Montesor, p-po?"kinakabahang tanong ko.

Nanunuring tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago ako tinanong ulit.

"Bakit? Anong kailangan mo kay sir Stan?"

"U-uh, kailangan ko po siyang makausap. I-importante po k-kasi."

Umiiling ito. Ayun na naman ang mapanuring tingin nito. Alam ko namang mukha akong basahan sa hitsura ko at kung ikukumpara mo ako sa mga taong lumalabas at pumapasok sa building na iyon ay makikita mo talagang hindi ako nababagay doon.

"Para saan, miss? Baka manggulo ka lang dito."

"Naku, hindi po! K-kilala niya po ako." Maagap kong sagot kahit hindi ako sigurado kung naalala niya pa ba ako.

Ngumisi si kuya sa akin na para bang nababaliwan sa sinabi ko.

"Miss, kung isa ka sa mga naghahabol kay sir ay huwag mo nang ipagpatuloy iyan. Hinding hindi papatol si sir sa iyo. Malayong malayo sa mga babaeng nagbabakasakali sa kanya."

Ganun nalang ang pagbagsak ng kalooban ko sa sinabi ni kuya ngunit hindi ako nagpatinag. Lahat ng hirap ay naranasan ko na, itong pag iinsulto niya pa kaya?

"H-hindi kuya...please po..i-importante lang talaga...tulungan niyo po akong makausap si Stan."

Wala na akong nagawa kundi ang magmakaawa sa kanya. Para sa anak ko ito. Gagawin ko ang lahat para sa kanya.

Umiiling na naman ito sa akin.

"Miss..kung ako sa'yo, uuwi nalang ako at ititigil ko na itong kabaliwan na ito. Umalis ka na kung ayaw mong damputin ka pa rito."

Naluluha ako at napatungo. Sorry anak at hindi nagtagumpay si nanay pero hinding hindi susuko si nanay para sa iyo, Gav.

Isang beses ko pang pinagmasdan ang lugar at akmang aalis na sana ngunit ganoon nalang ang kabog sa dibdib ko nang may makitang pamilyar na lalaking kakalabas pa lamang ng sasakyan.

Sa paglipas ng taon ay kita ko ang pagbabago ng hitsura niya.

Ganoon nalang ang pagpatid ng sakit sa dibdib ko nang may lumabas na babaeng kasunod niya at inalalayan niya pa ito. Kita ko pang hinalikan niya sa pisngi ang babae at nginitian ito.

Lahat ng sakit na napagdaanan ko. Lahat ng sakripisyong nagawa ko sa pamilya namin ay unti unting bumalik sa akin. Iyong mga pangarap kong hindi ko natupad dahil kailangan kong unahin ang mga kapatid ko.. iyong mga bagay na natutunan ko sa murang edad dahil ako ang panganay at walang ibang makakapitan ang mga kapatid ko. Sa pagta-trabaho ng maaga upang makapagtapos ng pag aaral ang mga kapatid ko habang nag aaral rin ako...at upang makakain kami kahit isa o dalawang beses sa isang araw.

Pero heto siya...masayang masaya sa buhay niya. Na para bang wala siyang pamilya at mga anak na iniwan.

Habang kami ay nag uulam ng asin o tuyo, heto siya at siguradong kumakain sa mamahaling kainan. Habang kami ay inaayos ang bubong ng bahay dahil tumutulo kapag umuulan, heto siya at paniguradong mahimbing ang tulog.

Lahat ng klaseng emosyon ay nararamdaman ko ngayon. Akala ko namamanhid na ako. Akala ko wala na akong pakialam sa mga magulang ko dahil galit ako sa kanila. Sa pag iwan nila sa amin ng mga kapatid ko na para lang mga basura.

Pero heto...kung durog ako kanina mas lalo lang akong nadudurog ngayon.

Tatay....

Kumusta ka na? Mukhang masaya ka na sa bago mong pamilya...kami ng mga kapatid ko? Heto at lumalaban parin. Pilit na nilalabanan ang hirap at sakit na dulot ninyo ni nanay.

Patuloy sa pagbuhos ang luha ko at ni hindi ko na narinig ang mga sinasabi ni kuyang security guard dahil para akong nabibingi sa sakit na nararamdaman ko.

Ganoon nalang ang pagbuhos ng emosyon ko nang magsalubong ang tingin namin ng tatay ko. Iyong ngiti niya kanina ay unti unting napawi nang makita ako. Alam kong nakilala niya ako. Sinuklian ko siya ng isang mapait na ngiti kahit nanginginig ang mga labi. Kaagad niyang tiningnan ang kasamang ginang at sumulyap ulit sa akin na para bang kinakabahan siya na makita ako ng kasama niya.

Huwag kang mag alala tatay, hindi ako manggugulo. Kahit pa ang grabeng sakit at pagtatampo ang nararamdaman ko sa iyo at kay nanay. Maging masaya ka lang.

Iyon naman ang hiniling ko sa panginoon sa nagdaang taon na hindi namin kayo kasama.

Na kahit sinaktan ninyo kami, hindi man pisikal ngunit mas malala pang sakit ang pang iiwan ninyo. Mahal parin namin kayo. Na sana ay naging maayos ang kalagayan ninyo.

Nakatiim ang mga labi niya nang sulyapan ako ulit. Pinahiran ko ang aking mga luha at inayos ang sarili. Binigyan ko ulit ng isang ngiti pa ang tatay ko at tinanguan ito bago tumalikod.

Ngunit hindi ko napigilan nang umalpas ang hikbi ko.

Lord, isa isa lang po. Pagod na pagod na po ako, e.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi na sumulyap pa sa likod.

Hinayaan ko nalang ring bumuhos ang mga luha ko kahit pinagtitinginan ako ng mga tao. Akala siguro nila ay nababaliw na ako o nagda-drama pero wala na akong pakialam.

Hindi muna ako umuwi dahil ayokong mahalata ng mga kapatid ko na umiiyak ako at baka mag aalala sila kaya nagpalakad lakad lang ako at pinakalma ang sarili. Hindi ko na namalayan na gabi na pala dahil sa rami ng iniisip ko kaya napag pasyahan ko nang umuwi na at baka mas lalong mag alala ang mga kapatid ko at pati si Ria. Miss na miss ko na rin ang anak ko at ganoon nalang ang lungkot ko nang hindi ako nagtagumpay ngayong araw. Di bale anak...hindi susuko si nanay.

Patawid na ako sa kabilang bahagi ng kalsada nang may marinig akong malakas na busina. Huli na nang makita ko ang kotseng paparating sa gawi ko.

Napapikit ako sa ilaw na siyang tumatama sa mukha ko at nanigas sa kinatatayuan ko....

●●●●●●●●●●●●●●●●●●

To be honest, I cried while writing the scene where Rina saw her dad because that happened to me in real life. Our father left us and I saw him with his new family.

Gusto ko lang i-share and hugs to those who were left by their parents. Kaya natin 'to.

Love,

T.

If you want to interact with me, please do follow my accounts :

Facebook : Aquariuspen WP
Twitter : Aquariuspenwp

Heaven In your ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon