Chapter 29

2.8K 68 4
                                    

"Is there a problem?"

Napabaling ako sa nagsalita. Si Stan iyon.

Kasalukuyan kasi akong nasa kwarto at sinusubukang tawagan si Ria kaso hindi ito sumasagot. Pati text ay hindi rin nag re-reply. Huli naming pag uusap ay noong dumalaw siya dito sa bahay kaya nag alala ako.

"Wala naman. Sinubukan ko lang tawagan ang kaibigan ko. Si Ria. Hindi kasi siya sumasagot."

Mas lumapit ito sa akin.

"I'm sure she'll reply to your texts when she has time. Baka na busy lang."

Sabi nito. Tumango ako ngunit nandoon parin ang pag alala.

Nang pagmasdan ko ang kabuuan ng lalaki ay nakita kong naka porma ito ngayon.

"Uh..may lakad ka?"

"Yeah. It's my friend's birthday and we will celebrate it on his club tonight. Can i go?"

Kinagat ko ang labi bago sumagot.

"Oo naman. Hindi naman kita pipigilan kapag may lakad ka basta magpaalam ka lang sa anak natin."

Biglang kumunot ang noo nito at mas lumapit pa. Parang nasu-suffocate ako sa lakas ng kabog sa dibdib ko at parang naghahabol ako ng hininga. Hinawakan nito ang braso ko.

"Gusto kong..pigilan mo ako kapag ayaw mo.."

Natawa ako sa sinabi nito.

"Ano ka ba, okay nga lang. Tsaka kaibigan mo naman iyon kaya walang problema. Desisyon mo naman iyan."

Umiling iling ito at nandoon parin ang kunot noo nito.

"Tsk. Pigilan mo ako kung ayaw mo...gusto ko iyon." Paos nitong sabi.

Natawa ako ng malakas sa ini asta nito. Ang cute. Parang bata.

"Are you making fun of me?"

Nakangusong tanong na nito. Mas lalo pang bumusangot ang mukha. Para siyang si Gavril. Walang dudang mag ama nga sila.

Hinawakan ko ang tiyan ko dahil sa kakatawa. Naghahabol ako ng hininga at pilit na pinakalma ang sarili.

"S-sige na nga. O-oo na. Oo na po. Pipigilan kita kapag ayaw kong gumagala ka. Okay na po?"

"Tsk." Hinila ako nito palapit sa katawan nito at niyakap. Nang madama ang init ng katawan nito ay hindi ko maiwasang ipikit ang mga mata ko.

"I'll be back before midnight."

Tumango ako sa dibdib nito.

"Hihintayin kita kapag hindi pa ako inaantok."

"Don't stay up too late, okay?"

"Okay." Sagot ko sa mahinang boses.

Kumawala ito sa yakapan namin ngunit nanatiling magkalapit ang katawan. Hinawakan nito ang mukha ko at inilagay ang mga takas kong buhok sa tenga ko.

Napapikit ako nang halikan ako nito sa noo, pababa sa ilong.

Lumalakas ang kabog sa dibdib ko nang mapagtanto ang susunod nitong gagawin. Dahan dahan nitong ibinaba ang mukha sa akin habang nakatitig sa mukha ko. Naghihintay siguro ito ng pagtutol galing sa akin.

Ngunit hindi ko makapa ang pagtutol sa looban ko bagkos ay pumikit pa ako habang naghihintay sa halik niya.

Mahina akong napasinghap ng maglapat ang aming mga labi.

Ilang segundo itong magkalapat lang ngunit hindi ko na alam kung sino ang unang gumalaw dahil sa mga sumunod na segundi ay sabay nang gumalaw ang mga labi namin.

Napakapit ako sa damit nito at pakiramdam ko ay lukot na iyon dahil doon ako kumukuha ng lakas na hinihigop ng halik nito.

Kinagat nito ang ibabang labi ko dahilan kung bakit naipasok nito ang dila sa loob.

Unti unti nang nag iinit ang aking katawan at pakiramdam ko na kapag hindi kami titigil ay baka kung saan kami hahantong kaya't bitin man ay kumalas ako sa halikan namin habang naghahabol ng hininga. Rinig ko pa ang ungol ng pagtutol nito kaya napangiti ako habang humihinga ng malalim.

Magkalapat ang noo namin at sabay na naghahabol ng hininga.

"Ayoko ng umalis. Dito nalang ako sa'yo."

Kinurot ko ang braso nito kaya napatawa ito.

"Birthday ng kaibigan mo. Pumunta ka."

"Boring naman doon, mas gusto ko rito. Ayoko na umalis pagkatapos kong matikman ulit ang mga labi mo."

Nilayo ko ang ulo sa kanya upang matingnan ng maayos kahit nag iinit ang mukha ko pababa sa leeg.

"Tsk. Umalis ka na. Anong oras na. Umuwi ka lang ng maaga."

Ngumiti ito sa akin.

"I like that. Can't wait to go home later."

Isang halik sa noo ang ibinigay nito sa akin bago lumabas ng kwarto.

Nang makalabas ito ay napahawak ako sa labi ko at malakas parin ang kabog sa dibdib ko.

Umupo ako sa kama at tulalang nakahawak parin sa labi.

Mas lalong nag iinit ang mukha nang maisip na kung wala lang itong lakad ay baka kung ano na ang nagawa namin. Tigang na tigang ka ba, Rina?

Hindi ko naman maisasawalang bahala ang tensyon na nararamdaman ko para sa lalaki at sa tingin ko ay ganoon din ito.

Siguro ay...kailangan naming mag usap tungkol sa nangyayari sa amin upang magkaliwanagan.

Kung ako lang? Walang problema sa akin kung anong mang gagawin namin ni Stan. Siya lang ang lalaking dumaan sa buhay ko. At isa pa, single siya. Wala siyang pamilya. Ibang usapan kapag may ka relasyon siya. Kaya kailangan kong klaruhin kung ano ba kami o kung may plano ba siya.

Hindi ibig sabihin na may anak na kami ay wala na akong karapatang mag demand ng kung ano sa kanya dahil para naman ito sa sarili ko. Hindi rin naman ako mag de-demand. Tatanungin ko lang siya para alam ko kung paano protektahan ang sarili ko.

Isa sa rason kung bakit sa tingin ko ay maraming magka live-in na hindi pa kasal. Kasi ginagawa na noong babae ang gawain ng isang asawa. Naka wife duty ka na pero hindi kapa pinakasalan. Kaya ang ibang lalaki ay iisipin, "bakit ko pa papakasalan kung nakatira naman na sa isang bubong?"

Kung jowa, pang jowa lang dapat ang binibigay mong pagmamahal. Huwag mo na higitan pa para may matira pa sa sarili.

Iyan lang naman ang opinyon ko. Maari ring mali ako.

Mamaya pagkauwi nito ay kakausapin ko siya. Wala namang masama doon. Para hindi ako mag assume sa isang bagay na hindi naman pala mangyayari.

Higit sa lahat...para sa peace of mind ko na rin. Para sa sarili ko.

Bahala na nga.

Heaven In your Armsحيث تعيش القصص. اكتشف الآن