Chapter 14

3.1K 80 1
                                    

Kasalukuyan akong nagluluto ng umagahan dahil pang morning shift ako ngayon.

May pasok ako ng alas nuwebe habang ang nga kapatid ko namang nasa college na ay may maagang pasok ng alas syete. Idadaan ko na rin ang anak ko sa skwela niya at susunduin rin siya ng kanyang mga tito pagka uwi dahil alas sais pa ang uwi ko sa gabi. Buti na nga lang at nagbago ang schedule at may oras at panahon na ako na alagaan ang anak ko at pati narin ang anak ko.

Tatlong taon na ang lumipas simula noong manganak ako at masasabi kong walang araw na malungkot sa bahat dahil sa anak ko. Lumaking napaka lambing at napaka bait pati napaka masunurin ng anak ko. Nga lang, ni isang bahagi ng kanyang hitsura o mukha ay walang galing sa akin. Kamukhang kamukha siya ng tatay niya at isang tingin lang ay hindi maipagkakaila na anak siya ni Stan.

"Good morning, nanay."

Napalingon ako sa munting tinig na iyon. Nagluluto kasi ako ng almusal kaya't andito ako sa kusina. Napangiti ako ng makitang pupungas pungas na naglalakad ang anak ko papuntang hapag kainan.

"Good morning, pogi." Sabi ko matapos ilagay ang niluto sa lamesa.

Nilapitan ko ito at kaagad na niyakap.

"Nanay, masakit po ang ulo ni Gav." Ngumungusong sabi nito.

Naalarma naman ako at tiningnang mabuti ang kanyang mukha. Maputla nga ito at mainit sa normal na temperatura ng kanyang katawan.

"Kailan lang nagsimulang sumakit ang ulo mo, anak ko?" Tanong ko sa kanya.

"Kahapon po naynay. Hindi ko po sinabi kasi nawala naman po pero bumalik ulit." Mahinang sabi nito. Nanlalambing na yumayakap ito habang ang mukha ay nasa leeg ko.

"Halika, anak. Kumain ka na para mapainom ka ng gamot ni nanay." Untag ko sa kanya.

Masama nga ang pakiramdam ng anak ko dahil hindi ako sanay na ganito siya. Napaka bibo nito kahit umagang umaga at kagigising lang kaya't naninibago ako ngayon at nag aalala rin.

Umiling ito sa sinabi ko.

"Wala pong gana si Gav, naynay. Gusto ko pong matulog pero masakit po ang ulo ko."

Kinabahan naman ako sa sinabi nito. Hindi kasi sakitin ang anak ko. Kung magkakasakit man ay dalawang araw lang tapos mawawala lang din. Ubo o sipon lang rin dala ng panahon at kahit pa may sakit ay hindi ito nawawalan ng gana kumain o kahit na maglaro.

"Ano pang nararamdaman mo, anak? Saan pa ang masakit?"

Tanong ko habang hawak ang munting mukha nito sa aking mga kamay. Mapupungay ang mga mata at naluluha pa. Maputla rin ito kaya't ganoon nalang ang kaba ko.

Masakit tingnan ang anak kapag nagkakasakit lalo pa at bata pa lamang ito. Bilang isang ina, kung pwede nga lang na ako nalang ang magkasakit para sa kanya ay okay lang, e.

Kaagad ko itong kinarga dahil nanghihina na ito. Kaagad kong tinawag ang dalawa kong kapatid upang gisingin.

"Simon, magtawag ka ng traysikel sa labas at dadalhin ko sa hospital si Gav at nilalagnat." Sabi ko at hindi na inantay ang sagot nito.

Mabilis ang kilos kong naghahanda ng gamit na dadalhin sa ospital at pagkatapos ay binihisan ko si Gav dahil nakikita kong nanlalamig ito.

Ganoon nalang ang kaba ko nang makitang dumudugo ang ilong ni Gav. Tulog na ito nang bihisan ko kaya't nagmamadali ako sa pagkilos. Napatakip ako sa bibig habang pinagmamasdan ang madaming pasa sa katawan ng anak ko. Saan mo ito nakuha anak?

Diyos ko, ano pong nangyayari sa anak ko?

Naluluhang kinarga ko si Gav dala ang bag ng mga gamit at kaagad bumaba. Nakita kong nandoon na ang traysikel at pati si Simon.

"May almusal na sa hapag kainan. Ikaw na bahala sa kapatid mo, Simon."

Tumango naman ito. "Ingat kayo, ate."

Kaagad pinaandar ng driver ang traysikel. Tulog parin ang anak ko sa aking bisig.

Maya maya ay narinig kong nagri-ring ang telepono ko kaya't kaagad ko itong kinuha upang hindi magising sa ingay ang anak ko.

"Rina! Anong nangyari kay bebe?" Si Ria na tunog nag aalala.

Tingin ko ay sinabihan na ito ni Simon kaya't napatawag. Ganoon naman iyong mga  kapatid ko, tinuturing na rin nilang kapatid si Ria.

"Mataas ang lagnat at namumutla si Gav, Ria. Dumugo rin ang ilong niya kanina kaya dadalhin ko na sa ospital." Naiiyak na sabi ko sa mahinang boses upang hindi madisturbo ang pahinga ni Gav.

"Susunod ako ngayon din. Mag iingat kayo." Sabi nito at kaagad pinatay ang tawag. Ilang taon na kaming magkakilala at heto, parang pamilya na rin. Nagsilbing pangalawang nanay ni Gav si Ria at pinagpapasalamat ko iyon dahil malaki ang naitulong niya sa akin.

Nakatanggap rin ako ng mensahe galing jay Berta na dadalaw raw siya kay Gav mamaya.

Pagkarating namin sa ospital ay kaagad akong nagpaasikaso sa mga nurse. Ipinasok sa isang kwarto ang anak ko at tiningnan ang kalagayan nito.

Naiwan ako sa labas at tahimik na nagdadasal.

Panginoon, hindi ako kailanman nagreklamo sa iyo kahit na anong hirap ng pagsubok na ibinibigay mo sa akin dahil nagtitiwala ako aa iyo. Bantayan niyo po ang anak ko at nakikiusap po akong iligtas niyo siya sa kung ano mang nararamdaman niya ngayon. Huwag po ang anak ko.

Pinahiran ko ang luha sa aking mga mata.

"Rina."

Napalingon ako sa tumawag sakin at doon na ako naiyak nang yakapin akong tuluyan ni Ria.

"Shhhh..." pagpapatahan niya sa akin.

"Magiging maayos ang bebe natin, Rina. Strong kaya 'yung bebe na iyon." Sabi niya habang hinahaplos ang likod ko.

Bumitiw ako sa yakap niya at sabay kaming umupo.

Ramdam ko rin ang pag aalala niya dahil ito ang unang beses na nangyari ito.

"Gumising siyang mainit at maputla kanina. Dumugo ang ilong at madaming pasa sa katawan na para bang binugbog ang munti niyang katawan, Ria. Naaawa ako sa anak ko."

"Magiging okay lang si Gav, Rina. Magtiwala ka. Kahit ako ay nag aalala pero alam kong hindi tayo pababayaan ng diyos."

Kaya't nandoon lang kami sa labas, tahimik na nagsusumamo sa panginoon habang kinakabahan sa magiging resulta ng pagtingin ng doktor sa anak ko.

Heaven In your ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon