Chapter 33

2.8K 67 4
                                    

"Hey--"

"Nagte-text ka ba habang nagda-drive?"

Kunot noo kong bungad nang makapasok ito sa bahay.

Saglit itong natigilan ngunit maya maya ay ngumisi ito at kinagat ang ibabang labi. Mas lumapit ito sa akin at hinawakan ako sa bewang. Nakaka tanggal ng angas si Stan. Galit galitan pa ako, e!

"Naka stop kanina kaya naka text ako, mahal. Don't worry, I am doing my best to not get you worried."

"Tsk. Siguraduhin mo."

Tumango ito.

"Opo, mahal." Pagkatapos ay hinalikan ako sa noo bago ako tiningnan sa mata.

"Why are you still awake?"

"I can't sleep."

Biglang  sumeryoso ang mukha nito.

"What are you thinking?"

Binigyan ko ito ng maliit na ngiti bago hinila papuntang kusina.

"Bago natin pag usapan iya, kumain muna tayo. Kumain ka na ba?"

Umiling ito. "I was hoping that you'll wait for me and we'll eat together."

Ngising sagot nito.

"Tsss. Mambobola."

"No, I'm telling the truth, mahal. Pero kahit tulog ka na ay kakain parin ako ng niluto mo. Sarap mo kasi..."

Nanlaki ang mata at binalingan ito.

"I mean, sarap mong magluto, mahal." Ngingisi ngising sagot nito.

Inabot ko ang braso nito at kinurot ko kaya ito tuluyang natawa.

Pinaupo ko ito sa mesa at inasikaso ang pagkain. Uupo na sana ako sa tapat nito nang pigilan ako nito.

"Just sit her beside me. I want you near me."

Nag iinit ang pisngi at tumango nalang ako upang matapos na.

Nag uusap kami habang kumakain, nangungumusta ito sa kung anong nangyari sa bahay at ganoon rin ako sa trabaho niya.

Mukhang ito na rin ang tyempo upang kausapin ko siya sa mga bagay na gusto kong ma discuss sa kanya.

Lumunok ako bago uminom ng tubig. Pagkatapos niyon ay hinarap ko ito.

"May gusto sananakong sabihin sa iyo."

"Is this about the pictures online? And the pictures I posted? I won't apologize for that, mahal kasi deserve ninyong ipakilala sa mundo ng anak natin. I won't ever keep you as a secret kahit pa hindi pa tayong dalawa."

Tumaas ang kilay ko.

"Talaga ba? e, ano pala iyong nasa instagram mo? Sabi mo girlfriend mo ako?"

Nanlaki ang mga mata nito.

"You downloaded an instagram?"

"Hindi iyan ang pinag uusapan natin, Drystan Gavriel."

Hinawakan nito ang kamay ko at kinagat ang labi na animo'y nagsusipil ng ngiti.

"Doon din naman tayo papunta diba? Kaya in-advance ko na. Hehe."

Ang cute nito. Namumula pa ang mukha na tila ba ay nahihiya. Para talaga siyang matandang bersyon ni Gav. Ang daya, wala man lang talagang nakuha ang anak namin sa akin. Pati ugali, mana sa tatay. Tsk.

Bumalik ang atensyon ko sa pag uusap namin nang maramdaman kong pinagsiklop nito ang mga kamay namin.

"If you have read anything online, please know that all of it are not true. I maybe and asshole but I am not a cheater. I wont ever do that to any woman especially to you."

Parang may humaplos sa puso ko dahil sa sinabi nito. Wala na. Wala na lahat ng agam agam sa puso ko.

Kung kaya niyang ipagsigawan sa mundo ang tungkol sa nararamdaman niya sa akin, siguro naman kaya ko rin.

Bumuntong hininga ako at pinisil ang kamay niya kaya napatingin siya doon habang nakatitig parin ako sa mukha niya.

"Okay, mahal." Mahinang sabi ko kaya kaagad itong napabaling sa sa akin.

"What did you just say?"

"Sabi ko okay." Umiwas ako ng tingin dito.

"No, you called me "mahal." Ngayon ay tuluyan niya akong hinarap.

Pinipilit na ulitin ko ang sinabi ko. Ang sarap asarin nito.

"Oo na nga, ito na nga. Sabi ko, okay mahal. Okay na?" Natatawang sabi ko.

Pero kumunot ang noo nito.

"What do you mean by that?"

Ang talino ni Stan pero minsan talaga may pagka loading din ito.

Huminga ako ng malalim bago ito tinignan ulit.

"Ibig kong sabihin....tutuhanin na natin yong...c-caption mo sa instagram." Binaling ko ang tingin sa ibang bagay dahil nag iinit ang pisngi ko sa hiya.

Narinig ko itong mahinang nagmura na para bang hindi makapaniwala.

"Hey...look at me."

Hinawakan nito ang mukha ko gamit ang dalawang kamay nito kaya wala akong choice kundi bumaling dito.

"Are you sure?"

Kumunot ang noo ko.

"Ayaw mo ba?" Sabay nguso.

"What? No! I just want you to be sure. Because for you to know, if you will say yes now, there's no way I will let you go anymore."

Kinilig naman ako doon.

"Edi, huwag. Sino ba may sabing pakawalan mo ako?"

Mahina itong napamura ulit bago ako tuluyang niyakap ng mahigpit. Napahagikhik ako at sinuklian ang yakap nito.

Kumalas ito sa yakap at hinalikan ako ng mariin sa labi.

Hindi ako kaagad nakagalaw dah sa gulat ngunit hindi nito tinigilan ang labi ko. Nadala na rin ako sa sensasyong dala ng halik niya kaya napapikit ako't napasukli ng halik dito.

Rinig ko pa ang tunog ng paghahalikan namin dahil tahimik na sa kusina at tulog na ang mga tao pati ang mga katulong.

Tumigil lamang ito nang umiwas ako kaunti upang maghabol ng hininga. Grabe. Ganito ba siya kasaya at nanghahalik siya? Para g gusto ko nang araw araw itong pasayahin, a.

"G-grabe k-ka." Hinampas ko ito sa braso habang naghahabol pa rin ng hininga.

Ramdam ko ang ngisi nito sa aking leeg. Hinahalik halikan pa nito iyon kaya't ramdam ko ang pag taas ng balahibo ko. Shit!

Kumalma na ako at nakahinga ng maayos ngunit ang puso ko ay patuloy parin sa pag tambol. Ang mukha nito ay nasa leeg ko parin kung kaya't inilagay ko ang isang kamay ko sa likod ng ulo nito at hinahaplos ito doon.

Pinatakan niya pa ng isang halik ang balikat ko bago ako hinarap ulit.

"I love you, mahal. Thank you for promoting me from your housemate to your boyfriend."

Sabay kaming napatawa sa sinabi nito.

"Housemate pero nanghahalik? Tama ba 'yun?"

"Meron. Ako. Why are you complaining, though? E, gusto mo naman."

Sabi nito kaya napakurot na naman ako sa braso nito.

Heaven In your ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon