Chapter 12

3.1K 82 3
                                    

"Subukan mo na. Wala tayong magagawa kung tutunganga lang tayo parehas dito." Si Ria.

Noong tumawag ako sa kanya kanina ay kaagad niya akong pinuntahan dito sa bahay. Kanina pa ako nanlalamig at pinagpapawisan sa kaba. Sa loob loob ko, alam ko naman na ang resulta pero hindi ko parin maiwasang umasa na baka hindi naman totoo...na baka hindi naman talaga ako buntis.

Ilang beses akong lumunok dahil parang nauubusan ako ng laway.

Hinawakan ako ni Ria sa aking kamay.

"Kaya mo iyan. Nandito naman ako. Kaibigan mo na ako simula nang makilala mo ako. Kung ano man ang resulta, andito parin ako." Nakangiting sabi niya sa akin.

Kinuha ko ang supot na may lamang pregnancy test. Si Ria rin ang bumili niyon. Ilang beses akong huminga ng malalim bago pumasok sa banyo.

Tinitigan ko ang limang pirasong pregnancy test at kahit nanginginig ang mga kamay ay nagawa ko paring basahin kung paano iyon gamitin.

Umihi ako at nilagyan ko ang limang pregnancy test para makasigurado. Pagkatapos as hindi ko tiningnan. Nilagay ko ang mga iyon sa maliit na supot at lumabas ng kwarto.

Nakatingin na sa akin si Ria sa akin.

"P-pwede bang i-ikaw ang tumingin?" Sabi ko sabay bigay sa kanya sa supot.

Isa isa niya iyong kinuha sa loob. Ni hindi ako tumingin doon. Nanatili akong nakatitig sa mukha niya. Inaasahang malalaman ko ang resulta sa mukha niya.

Nagtaas siya ng tingin sa akin at nakita kong naluha siya. Bigla nalang tumulo ang luha ko.

"Congrats." Sabi niya at niyakap ako.

Hindi ako nakagalaw kaagad at tumingin sa limang pregnancy test na kinuha niya. Dalawang linya lahat.

Bigla nalang akong napahagulhol. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Inaasahan ko naman ang resultang ito pero...iba parin kapag may patunay na.

Niyakap ko pabalik si Ria at patuloy na umiiyak. Hinahaplos niya ang likuran ko at pinapatahan ako.

"P-paano ko bubuhayin t-to? W-walang wala ako, Ria."

"Shhh...we'll figure it out, okay?"

Sa totoo lang, hindi naman ako nangangamba dahil buntis ako, e. Natatakot ako na hindi ko mapalaki ng maayos ang anak ko dahil ako mismo hindi pinalaki ng mga magulang. Maaga kaming iniwan. Maaga kaming nawalan ng magulang. Hindi man literal pero ganoon na rin. Nakalimutan ko na kung anong pakiramdam kung paano mahalin ng mga magulang kaya paano ko mamahalin ang anak ko? Paano ko masisiguro na magiging mabuti akong ina?

Kung hindi kami iniwan ng mga magulang namin, baka hindi pa ako matakot kasi may gagabay sa akin. Sa amin. Mga panahong hindi ako makapag isip ng tama ay may magulang sana akong papakalmahin ako.

Pero naisip ko naman...lumaki akong mag isang nagtataguyod sa mga kapatid ko. Naging ina at ama ako sa murang edad at sa tingin ko naman ay napapalaki ko ng tama ang mga kapatid ko.

Kaya ko to. Kaya mo, Rina. Kailan ka pa ba sumuko? Hindi uso ang sumusuko sa iyo, diba?

Huminga ako ng malalim at kumalas sa yakap ni Ria.

"Pasensya ka na, Ria. Nadamay ka pa tuloy sa problema ko."

"Ano ka ba! Sabi ko nga, kaibigan mo na ako. Ikaw pa lang ang unang taong tinuring kong kaibigan, Rina. Alam kong parehas lang tayo. Hindi ko man alam ang pinagdadaanan mo, nandito lang ako, okay?"

Ngumiti ako sa kanya at pinisil ang kamay niya.

"O siya, may mangga ako dito, o. Buti nalang di ko nakalimutan at nakabili ako."

Hindi ko mapigilang ikwento sa kanya ang karanasan naming magkakapatid. Kung saan kami galing at kung bakit kami napadpad dito. Lahat ng napagdaanan ko ay ikinuwento ko sa kanya kaya naman pagkatapos kong magkwento ay maluha luha siya.

"Sigurado akong napalaki mo ng tama ang mga kapatid mo kaya huwag lang mag alala, mapapalaki mo rin ng tama ang anak mo. At alam ko ring mabuti kang tao, Rina. Nararamdaman ko iyon. Kaya nga ako nandito sa harapan mo diba?"

Parang may humaplos sa puso ko dahil sa sinabi niya. Siya ang kauna unahang kaibigan ko. Hindi ko magawang makipag kaibigan sa ibang tao dahil wala naman akong oras sa ganoon, sobrang focus ako sa pagta trabaho. Ang nasa isip ko ay pera lang. Pantustos sa pag aaral ng mga kapatid ko at pagkain namin.

Isa pang rason ay ayoko na talagang maging malapit sa mga tao. Ayoko nang maiwan ulit gaya nang kung paano kami iwan ng mga importanteng tao sa buhay namin.

Ngunit sa sobrang gaan ng pakiramdam ko kay Ria, hindi ko siya natiis. Dumating at binigay siya ng panginoon sa akin sa tamang panahon. Alam ng diyos na wala akong sandalan sa tuwing may mabigat akong pinagdadaanan.

"Magpa check up ka na kaagad, huh? Sasamahan kita, okay?"

Umiling ako. "Hindi naman kailangan lalo na kung busy ka sa eskwela, Ria."

Kumumpas siya sa akin bago nakikain sa manggang ibinigay niya sa akin.

"Sus, ano ka ba. Pa graduate na nga ako diba? Tsaka gusto kong nandoon ako sa milestone ni baby. Oh my god, baby! Excited na si tita ninang!" Irit niya sabay haplos sa tiyan ko na nagpangisi sa akin.

Maya maya ay bigla siyang sumeryoso.

"Ipapaalam mo ba?"

Hindi kaagad ako nakasagot. Hindi man siya nagbanggit ng pangalan ngunit alam ko kung sino ang tinutukoy niya.

"Hindi."

Kahit man noong denial ako na buntis ako ay iniisip ko na rin na paano kung meron? Sasabihin ko ba sa tatay ng anak ko? Kasal na iyon. Ayoko nang makagulo ng pamilya. Tama na iyong nagkasala ako ng isang beses. Ayoko ng dagdagan pa.

"Huwag na natin siyang pag usapan. Kaya ko naman, Ria. Ayoko na makagulo ng pamilya. Malaking eskandalo kung sakaling malaman niya. Ayoko ng magulong buhay lalong lalo na para sa anak ko."

Selfish man pakinggan pero anong laban ko sa mayayaman?

At kung sasabihin ko man sa tatay, gaano ako ka sigurado na tatanggapin niya ang ipanagbubuntis ko?

Alam kong nag o-overthink ako pero hindi ko maiwasang maisip na, nabuo ang baby dahil sa maling paraan. Ikakasal na ang tatay niya tapos nakipagsiping pa ako.

Siguro kapag malaki na siya, at maiintindihan na niya ang lahat ay ipapaliwanag ko sa kanya.

●●●●●●●●●●●●●●●

Hi, UNEDITED po lahat ng updates ko kaya sorry na kaagad sa typos and grammatical errors in advance.

If you have questions, message me here or on my social media accounts.

Fb : Aquariuspen WP
Twitter : aquariuspenwp

Thank you! ❤

Heaven In your ArmsWhere stories live. Discover now