Chapter 4

3.3K 83 7
                                    

"Ang ganda mo talaga Rina. Tapos may pagka natural na seductive pa ang mukha mo kahit sobrang amo. Iyong katawan mo naman pak na pak!" Si Ria habang sinusuyod ako ng tingin simula sa mukha ko pababa sa katawan ko.

"Ang laki ng dibdib mo tapos ang liit ng bewang. Ang sarap pisilin ng puwet mo!" Dagdag niya sabay halakhak.

Maganda rin naman si Ria. Matangkad lang ako ng konti sa kanya. Nasa limang talampakan at walong pulgada ang height ko. Mahaba ang buhok niyang hanggang bewang na kinulot niyansa dulo. Kabaliktaran sa aking buhok na natural na kulot na sa dulo nito. Morena si Ria habang ako ay may pagka maputi. Hindi naman masyadong maputi. Sakto lang.

"Maganda ka rin naman, a. Ang sexy mo rin." Sabi ko sa kanya.

Inipit niya ang buhok sa kanyang tenga.

"Ene be beh, elem ko ne yern." Pag inarteng sabi niya na nagpa halakhak sa aming dalawa.

Medyo naging palagay na ang loob ko sa babae. Nag e-enjoy rin akong kausap siya dahil kwela mag kwento. 

Trenta minutos nalang at sasalang na kami maya maya. Nagsimula nang dumagundong ang dibdib ko sa kaba. Nanlalamig na rin ang kamay ko at pinagpapawisan na rin.

Tumayo si Ria at nagpunta doon sa maliit na ref sa dressing room kung nasaan kami. Nakita kong may kinuha siya doong isang bote. Hindi ko kita ang pangalan pero parang tubig ang laman. Sa isang kamay niya ay may dala siyang lemon na nasa lalagyan at asin.

Kakain ba siya ng mangga?

Inilagay niya ito sa lamesa sa tapat namin at naupo siya sa tabi ko.

Mojitos.

Iyon ang nakalagay sa bote.

"Ito ang gamot sa hiya at kabang nararamdaman mo. Kanina ka pa hindi mapakali beh alam ko."

Nagsimula siyang magsalin sa maliit na shot glass at ibinigay iyon sa akin. Hindi ko alam kung anong lasa niyon dahil buong buhay ko ay hindi pa ako nakainom ng kahit na anong alak.

"Kailangan ba talaga to? Hindi ba ako malalasing nito?" Tanong ko sa kanya.

Ikinumpas niya ang kamay sa akin.

"Hindi, beh. Hindi naman tayo maglalasing. Gamot nga iyan para mawala ang hiya at kaba mo. Makakatulong iyan, trust me." Sabi niya.

At dahil naniniwala ako sa kanya, tinanggap ko ang shot glass at inamoy ito. Biglang gustong bumaliktad ng sikmura ko kahit hindi ko pa nainom.

"Ilang lagok lang iyan beh tapos sipsip ka nitong lemon pagkatapos mong mag shot." Turo niya sa akin.

Nakita ko siyang kumuha ng lemon at nilagyan ng asin. Ginaya ko ang ginawa niya.

Huminga pa ako ng malalim bago ko nilagok ang alak. Ang pait! Kaagad kong sinubo ang lemon na may asin upang mawala ang pait ngunit iyong init ay ramdam ko parin sa lalamunan ko.

Di nagtagal, nakalimang shot na yata ako at biglang uminit ang katawan ko. Tawa na kami ng tawa ni Ria kahit wala namang nakakatawa. Kung kanina ay gusto kong magjacket parang ngayon ay gusto ko nalang tanggalin ang kakarampot na telang suot dahil sa sobrang init.

Mahina rin pala si Ria sa alak. Umiinom lang siya ng ilang shot bago sumalang pero ngayon lang napasobra. Hindi naman kami lasing. Sadyang nawala lang ang hiya at ang kabang naramdaman ko kanina. Tama nga siya. Effective ang alak. Kung kanina ay pinagpapawisan ako sa kaba, ngayon pinagpapawisan na ako sa init na nararamdaman.

Nasa kalagitnaan kami ng pag inom nang may kumatok sa pinto ng dressing room bago ito bumukas. Lumabas doon si Sashnia. Ang baklang may ari ng club na ito at ang kaibigan ni Berta.

Ngumiti sa amin.

"Girls, be ready. Andiyan na sila sa VIP room. Be ready in ten minutes." Sabi nito. Halatang mabait din.

Tumango kami at nagpasalamat. Nakangiti parin ito bago lumabas at kami naman ay nag retouch ng make up. I mean si Ria lang ang gumawa dahil nga hindi ako marunong.

Pinagmasdan ko ang kabuoan ko sa salamin. Nakalugay lang ang natural brown kong buhok na kaparehas ng kulay ng aking mata. Maliit ang matangos na ilong at mapupulang labi. Para sa babae ay halatang klaro ang aking panga at cheek bone. Bagay na nakikita ko sa mga model sa TV.

"Tara?" Pukaw sa akin ni Ria. Nakalahad ang kamay sa akin.

Tumango ako sa kanya. Tinanggap ko ang kamay niya at hawak kamay kaming lumabas ng dressing room.

Papasok kasi kami sa loob ng isang malaking box na para bang regalo kami sa kalalakihan. Gusto ko na kaagad matapos ito kaya pasalamat sa alak para sa extra confidence.

Sinabi na sa amin ni Sashnia ang gagawin. Pagka patay ng ilaw ay saka kami ipapasok sa loob ng VIP room na nakapaloob na sa box. At
Kapag tumugtog na ay hudyat na iyon na lalabas na kami sa box at magsisimulang sumayaw.

Nasa loob na kami ng box at naghihintay nalang na maipasok. Magkahawak kamay parin kami ni Ria. Madilim sa loob kaya wala akong nakikita.

Naramdaman ko nalang na gumagalaw na iyong box. Pagkarating sa loob ay may narinig akong nag uusap at nagtatawanan. Nakaramdam ako ng kaunting kaba ngunit dahil iyon sa excitement. Ewan ko ba.

Nagsimulang tumugtog ang sexy na kanta. Pamilyar sa akin ang tugtog dahil kilala ko ang kumanta. Kiss it better by Rihanna. Iyon ang tugtog.

Sabay kaming tumayo ni Ria at kanya kanyang ginagawa. Nagulat rin ako sa sarili ko dahil parang natural sa akin ang galaw ko. Nagsimula kaming sumayaw habang lumalabas sa box. Senswal na galaw ang ginagawa ko. Nakakadala rin talaga ang tugtog. Nakapikit ako habang dahan dahang hinahaplos ang aking leeg pababa sa dibdib hanggang sa bewang. Iginalaw ko ang aking balakang. Rinig ko ang sigaw at whistle ng mga kalalakihan.

Dahan dahan kong ibinuka ang aking mga mata. Isang pares ng mata ang sumalubong sa akin.

Nakaupo siya sa gitna. Siya ang groom?

Nakita kong nilagpasan ni Ria ang groom at
Nagpunta sa mga lalaki sa likod. Ako naman ay patuloy parin sa pagsasayaw habang hindi pinuputol ang pakikipag titigan sa lalaki.

May kung ano sa loob ko ang napukaw dahil sa titig niya. Dahan dahan akong lumakad pa punta sa kanya.

Nakita kong umalon ang kanyang lalamunan na nagdala ng init pababa sa puson ko.

Ano itong nararamdaman ko?

Heaven In your ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon