Chapter 31

3K 73 0
                                    

"Nanay, gising na po ikaw. Nanay!"

Nagising ako dahil sa munting tinig na gumigising sa akin sa mahimbing na tulog.

Dahan dahan kong binuka ang aking mga mata ngunit kaagad ring napapikit dahil sa liwanag na tumatama galing sa labas.

"Good morning, nanay ko!"

Niyakap ako ni Gav kaya kahit nakapikit pa ay niyakap ko rin ito pabalik. Nang maka adjust ang mga mata sa liwanag ay tuluyan na rin akong napadilat. Ngunit isang pares ng mata ang sumalubong sa akin.

"Good morning, nanay."

Bati ni Stan. Nakaupo ito sa giling ng kama. Sa likod ng anak na yumayakap sa akin.

"Magandang umaga." Mahinang sabi ko at nahihiyang itinago nag mukha sa balikat ng anak namin.

Kakagising ko lang at mukha pa akong bruha! Ni wala pa akong toothbrush o hilamos man lang!

Ngayon ka pa ba nahihiya, e araw araw kayong magkatabi sa pagtulog!

Iba naman iyon dati. Kasi wala kami g relasyon. Wala pa din naman kaming relasyon ngayon kasi hindi ko pa naman ito sinasagot kahit ilang buwan na itong nanliligaw sa akin pero kasi alam namin na may pagbabago sa relasyon namin. Hindi nalang bilang magulang ng anak namin.

At tsaka, dati...palagi akong nauunang gumising pwera nalang iyong may mga panahong maaga itong gumigising dahil may tatapusin pang trabaho.

Kumalas sa yakap ang anak namin at dinungaw ako. Hinawakan ako nito sa magkabilang pisngi kaya't napatingin ako dito.

"Nanay, nagluto po kami ni tatay. Breakfast in bed, po!"

"Talaga ba? Ang galing naman ng baby ni nanay. Ano naman ang ginawa mo doon?" Nakangiting tanong ko.

"Nanonood lang po ako kay tatay, nanay. Moral support daw po sabi ni tatay kasi bawal mapagod si Gavril." Humagikhik ito.

Hinaplos ko ang buhok nito at ngumisi din. Lumingon ito sa tatay nito sa likod kaya napabaling rin ako sa lalaki. Nakangisi na ito ngayon. Naka puting T-shirt at sweat pants lang ito.

"Tatay, ibigay mo na po ang food kay nanay."

Tumango ang ama nito at tsaka lumakad papunta sa maliit na lamesa kung saan ko nakita ang mga pagkain na inihanda nila.

"Here, breakfast in bed for nanay."

Umupo ako ng maayos, ang kumot ay nasa kalahati ng katawan ko at sinigurong hindi matatapon sa kama ang pagkain.

"Ang dami naman nito."

"We will eat with you. Di pa kami nag breakfast." Nakangising sabi nito at nakipag high five sa anak namin.

"Tatay, 'yung flowers po huwag mong kalimutan."

Kumunot ang noo ko habang pinapanood silang dalawa nang biglang may bulaklak na ngayon sa harapan ko.

"Nagpitas kami ni tatay sa garden ni ate Myrna nanay. Nagpaalam po kami."

May humaplos sa puso ko dahil sa effort ng mag ama ko.

"Thank you, anak. Nagustuhan ko sobra." Sabay halik dito.

Naramdaman ko ang presensya sa tabi ko kaya napabaling ako doon. Umupo si Stan sa tabi ko at ipinalibot ang braso sa bewang ko bago bumulong.

"How about a kiss for tatay, nanay?"

Mainit ang hininga nitong tumatama sa tenga at mukha ko kaya't nanindig ang balahibo ko sa kiliti.

Pasimple kong ginagap ang hita nito at kinurot. Ngumisi naman ito at pilit na hinahawakan ang kamay ko at pinagsiklop ang mga kamay namin.

"Kain na po tayo, nanay at tatay."

Hinila ko ang kamay na hawak ng katabi ko ngunit mas hinigpitan lang nito ang paghawak kaya nilingon ko ito ulit.

"K-kakain na tayo."

Malakas ang kalabog sa dibdib na sabi ko. Ang lapit lapit nito at ramdam ko pa ang init ng katawan nito na nagdala rin ng init sa katawan ko mismo.

Susme, umagang umaga. Pasimple komg sinulyapan ang anak namin at nakita kong may sarili itong mundo kasama ang pagkain.

Nang bumaling ako sa katabi ko ay ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang tumama ang labi ko sa labi ng magaling na lalaki!

Ilang segundo ng paglapat ng mga labi namin na gumalaw ang labi nito at sinipsip ang ibabang labi ko kaya napabuka ang mga labi ko. Mariin akong nakapikit dahil nadadala na sa halik at parang walang ibang nararamdaman kundi tanging halik lang nito.

Humiwalay ito saglit ngunit pinatakan ng maliit na halik ang gilid ng aking labi bago ako tiningnan sa mga mata.

"Good morning ulit, nanay." Malambing n sabi nito.

Nahihiya kong iniwas ang tingin ko at kumwaring binaling ang atensyon sa anak ngunit ang utak ay nasa paghahalikan pa rin namin.

Napasinghap ako ng maramdaman ko ang labi nito sa balikat ko bago ito nag asikaso sa anak.

Tiningnan ko ito parang wala lamg nangyari. Parang hindi ito sume simple kahit nasa harapan namin ang anak namin.

Pasimple ko ring hinaplos ang dibdib ko upang pakalmahin ngunit impossible ata iyon dahil maski ito, alam kung ano ang epekto ng lalaki sa akin.

Sinamahan ko na ang mga ito at kumain na rin. Paminsan minsan ay sinusubuan ko si Gav ngunit ang ama naman nito ay sinusubuan ako.

Isa ito sa pinakamagandang umaga na palagi kong maalala. Napaka wholesome na moment naming mag anak.

Pagkatapos ng umagang iyon ay pumasok na sa trabaho si Stan. Habang ako ay nasa office niya dito sa bahay at naghahanap ng university na mura lang.

Balak ko kasing mag aral kahit sa bahay lang. Hindi ko pa ito nasabi kay Stan pero sa tingin ko ay kailangan niya rin itong malaman.

Gusto kong ipagpatuloy ang pag aaral ko kahit ako ang gagastos okay lang. Gagawan ko ng paraan. Sana lang pumayag ito.

Nagbabasa ako ng mga impormasyon sa online nang biglang tumunog ang telepono ko. Si Berta ang tumatawag.

"Hello?" Pagsagot ko sa tawag.

"Hoy, bakla! Nakita ko ang mga pictures! Ng sweet naman ng family ninyo. Ang pogi pa ni Stan diyos ko!"

Naguluhan ako sa sinabi nito.

"Huh? Ano ibig mo sabihin? Anong pictures?"

"Ano ka ba, wala kang kailangang itago sa akin. Pamilya tayo, Rina."

Kunot noo kong pinapakinggan ang sinasabi nito.

"Berta, hindi ko talaga gets ang sinasabi mo."

Rinig ko ang singhap nito.

"Hindi mo alam? May nag viral na pictures ninyong tatlo ni Stan at bebe Gav noong mag picnic kayo. Hay, nalimutan kong wala ka palang social media pero ayun nga. Mabuti nalang para hindi mo mabasa ang comments ng mga inggetera."

"Nag post na rin si Stan sa account niya. Feeling ko mamamatay rin ang issue." Dagdag pa nito.

Heaven In your ArmsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt