Chapter 39

2.6K 57 9
                                    

"B-bakit tayo n-nandito?"

Nilingon ko si Stan. Mas humigpit ang hawak nito at kinausap ako gamit ang mga mata.

Biglang parang binuhusan ng asido ang puso ko.

"N-nandito s-siya?"

Huminga lang ito ng malalim bago lumabas ng kotse. Ayaw akong pangunahan sa nangyayari.

Binuksan nito ang pintuan sa gilid ko at inalalayan akong makababa. Buti nalang dahil nanghihina ang kalooban ko at kinailangan ko ng makakapitan.

Naka agapay si Stan sa akin habang naglalakad. Tuluyan nang tumulo ang luha ko hindi pa man kami nakapasok.

Si Stan ang kumausap sa front desk pagkatapos ay dinala niya ako sa may garden.

Doon ko nakita ang iba't ibang taong nagkaroon ng sakit sa pag iisip. Sumakit ang dibdib ko nang maisip ang sitwasyon ni nanay.

"Excuse me, po."

Napalingon kami ni Stan sa likod nang may tumawag sa atensyon namin. Isnag nurse na nakasuot ng puti at may itinulak na babae na nakasakay sa wheelchair.

Maputla at payat ang babae. Nakatulala ito ngunit nagsasalitang mag isa. Tulala ko itong pinagmasdan.

Dumistansya si Stan at kinausap ang nurse. Binigyan kami ng pagkakataong makapag usap sa babaeng kaharap ko ngayon.

"N-nanay." Ganoon nalang nag pagbuhos ng luha ko nang ni hindi man lang ito nagkaroon ng reaksyon.

Nilapitan ko ito at lumuhod sa harap nito.

"Rina, Simon, Aaron."

Doon na ako napahagulhol nang marinig ko ang mga pangalan namin ng mga kapatid ko. Tumungo ako sa mga hita nito at doon nilabas ang sakit na naramdaman.

Nanay....

Bakit ka nagkaganito?

Iniyak ko lang ang sakit sa kalooban ko. Lahat ng hirap at sakit ay iniyak ko dito. Nagsusumbong sa pamamagitan ng pagbuhos ng mga luha sa mga hita nito.

"Huwag kang umiyak...ang anak ko...si Rina..hindi iyon umiiyak. Kaya dapat ikaw rin.."

Biglang sabi nito ngunit bumalik ulit sa pagbigkas ng mga pangalan namin ng mga kapatid ko habang nakatulala.

Nahihirapan na akong huminga dahil sa pag iyak at dahil sa sakit na nararamdaman.

"N-nanay....nagawa ko po. N-napag a-aral ko po ang m-mga k-apatid ko. M-miss ka n-na n-namin. S-sorry p-po n-nanay."

Humagulhol ako habang paulit ulit na humingi ng paumanhin. Wala kami sa tabi niya nang mangyari ito sa kanya. Naghirap kaming magkapatid ngunit magkasama kami. Si nanay...mag isa lang siya. Walang pamilya ang tumulong sa kanya.

"P-paano n-nangyari i-ito n-nanay?"

Isang yakap sa likod ang naramdaman ko habang umiiyak ako.

"Shhhh....that's enough."

Niyakap ako nito at nanghihinang kumapit ako sa mga braso nito.

"A-ang n-nanay S-stan.."

Nagsusumbong na hagulhol ko.

Pinakalma lang ako nito. Ni hindi ito nagsalita nang kung ano at patuloy lang akong niyayakap. Naging epektibo naman iyon upang kumalma ako.

"Do you want to talk to the nurse?"

Humihikbing tumango ako. Gusto kong malaman ang nangyari kay nanay. Matagal na ba siya dito? Paano siya napunta dito?

"Hello, ma'am. Ako po si Nurse Nika. Ako po ang nag aalaga sa mama niyo po."

Pinahiran ko ang mga luha ko.

"P-pwede mo bang s-sabihin kung p-paano siya n-nakarating dito?"

"Ilang taon na rin po si ma'am dito. Dinala po siya nang mga amo niya dahil ilang beses po nila itong narinig na kinakausap ang sarili. Ang akala nila noong una ay normal lang po pero nagbago po ang ugali ni ma'am. Nagsimula po itong tumawa mag isa, nagtuturo ng mga taong hindi kilala. Pati mga amo niya ay sinisigawan niya pagkatapos ay tatawa rin po. Noong una ay inalagaan po nila ang nanay niyo po dahil naging parte din ito ng pamilya nila at mabait po ang mama niyo. Pero ilang beses po itong tumakas sa bahay at nawawala ng ilang araw...maglalakwatsa po sa daan at tulalang nakaupo kahit saan. Naliligo po sa kanal at nasisiraan na po ng bait. Umalis ang mag asawa na naging amo ng mama ninyo papuntang america at hindi po nila kayang iwan ang mama ninyo kaya't dinala po nila dito sa Sacred Heart Mental Hospital ."

Napahikbi na naman ako dahil sa sinabi ni Nurse Nika. Naisip ko pa lang ang mga nangyari sa nanay ay parang hinihiwa ang puso ko.

"Ma'am... Nasagasana rin po pala ang mama ninyo. Pero na hit and run po. May bali po siya sa buto pero ipinagamot na po ng mga amo niya. Patuloy parin po itong ginagamot ngayon lalo na po at utos rin ni sir Stan."

Biglang napukaw ang galit ko.

"Nalaman ba kung sino ang nakasagasa sa kanya?"

"I know him."

Biglang sumabat si Stan kaya tiningnan ko ito.

"I've said that I was looking for your mom, right? So when they told me everything...I immediately investigated it."

May kung ano sa mga mata nito na nagdadalawang isip na sabihin ito sa akin.

"Tell me."

Umiling ito.

"Not today, mahal. You're drain already. I want you to rest first but--"

"Wala akong panahon upang magpahinga Stan. Ito nalang ang magagawa ko para sa nanay ko kaya't hayaan mo na akong maghigante para sa kanya....k-kasi hindi na niya magagawa i-iyon."

Napahikbing sabi ko dito. Niyakap niya ako ulit. Hinahagkan ang ulo at ang noo ko habang humahaplos ang kamay sa likod ko upang pakalmahin ito.

"I know and I'll be by your side to support you. I'm very sorry that this happened to you, mahal. You're so brave and amazing. Makes me love you even more."

Bulong niya sa akin.

Sa kabila ng bigat na nararamdaman ay may ginhawang bigay ang mga sinabi nito.

"But..you have to get ready. Because your next fight will be worse than this. Your enemy is your own blood."

May kabang dumaan sa akin nang sabihin niya iyon. Hindi ako bobo kaya kuha ko kaagad ang ibig nitong sabihin.

Wala pa man ay naluha na ako sa galit.

"It's your dad...."

Iyon pa lang sinabi niya sa akin pero sapat na iyon upang gumuho ang mundo ko.

Galit. Poot at sakit ang nararamdaman ko ngayon.

Heaven In your ArmsWhere stories live. Discover now