Chapter 10

3.3K 81 10
                                    

Ilang araw na akong walang maayos na pahinga. Hindi ako makatulog nang maayos dahil sa kadahilanang ayaw mawala sa isip ko ang posibleng pagbubuntis ko ngunit natatakot akong malaman ang totoo.

Ang hirap hirap na nga ng buhay namin, gumawa pa ako ng problema! Halos igapang ko na nga ang buhay naming magkakapatid tapos heto, ni hindi man lang ako nag isip! Aamin ko rin na hindi ko naisip ang condom ss kalagitnaan ng pag gawa namin ng milagro . Wala naman akong alam sa ganoon at inexpect ko rin naman na alam ni Stan iyon kasi ikakasal siya diba?

Inihilamos ko ang palad sa mukha ko. Tingna mo ang ginawa mo, Rina. Alangan namang sisisihin mo ang bata sa sinapupunan mo kung meron mang laman iyan? Hindi naman sinabi ng bata sa iyo na buhayin mo siya, lalo pa kung malalaman niyang ganto kahirap ang buhay mo!

Huminga ako ng malalim dahil ilang araw na akong wala sa sarili.

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa building kung saan ako mag a-apply bilang isang call center agent.

Pinahiran ko ang buong mukha dahil sa init. Kinailangan pa kasing lakarin bago makapunta sa building na ito. Hindi naman pwede ang jeep dahil sa bukana lang ito nag s-stop over. Wala din akong pera pang taxi. Hindi ko ginamit ang perang itinabi ko dahil naka kailangan ng mga kapatid ko.

Kumain naman ako kanina sa bahay kasabay ng mga kapatid ko at nagbaon rin ako ng skyflakes kung sakaling gutumin ako.

Siniguro ko ring kumpleto ang dokumento ko para tuloy tuloy ang pag apply.

Pagkarating ko sa building ay sinabi ko kaagad sa receptionist ang tungkol sa pag apply ko. Kita ko pa ang pagsulyap niya sa suot ko. Lumang skinny jeans at kulay pink na blouse lang ang suot ko. Ni tuck in ko nalang ang blouse sa ilalim ng jeans para maging pormal tingnan. Hindi naman ako mahilig sa kolorete ngunit bumili akong cheek and liptint sa palengle. Ang mahal pa, isang daan. Ulam at bigas na ang mabibili ko noon pero hinayaan ko nalang dahil kailangan ko namang magmukhang tao sa interview.

Humingi ng ID ang babae na ibinigay ko naman at pinalitan niya ito ng visitor's ID. Sinabi niya sa akin ang floor kung nasaan ang  recruitment ng company at tumuloy na ako sa elevator.

Kinakabahan ako dahil ito ang unang beses na mag a-apply ako sa call center. Konting mga company lang kasi ang tumatanggap ng hindi college graduate or kahit ilang taon lang sa college. Ayaw nila ng highschool graduate. Paano pala kung mas magaling iyong mga highschool graduate ngunit hindi lang nakapag aral? Lugi pa sila.

Pagkarating ko sa floor ng company ay ngiti ng babaeng nasa front desk ang sumalubong sa akin.

Sinabi ko ang pangalan ko at pinag fill out ako ng information ko sa online. Pagkatapos niyon ay nag antay ako ng ilang minuto bago tinawag para sa test. Hindi ako pamilyar sa Versant pero naitaguyod ko naman, sa tingin ko.

Maya maya ay tinawag na ako para sa initial interview ko. Simpleng tanong lang naman tungkol sa background ko. Kung saan ako nag aral at bakit hindi ako nakapag college. S'yempre sinabi ko ang totoo. Mas madali at mas confident ka sa sagot mo kapag gaking sa puso. Tumatango tango naman ang interviewer at napaka approachable pa. Ganoon nalang ang saya ko nang sabihin niyang pasado ako sa initial interview. Tatawagin na lamang daw ako para sa final interview.

Bumalik ako sa lobby kung saan nandoon lahat nang nag a-apply. Pagkaupo ko ay rinig ko ang pagchi-chikahan ng mga babaeng nasa tabi ko.

"Ang gwapo talaga ni sir. Nakakagigil!" Irit ng babaeng katabi ko.

"Oo nga, e. Buti nalang hindi natuloy ang kasal nila ni Sharmaine Villarica at single pa si sir!" Impit na sabi ng isa pang babae.

Hindi ko naman sinasadyang makinig. Magkatabi kami, at iyong iritan nila ay malakas kaya naririnig ko. Hindi ko rin kilala kung sino ang pinag uusapan nila pero ang sama naman pakinggan na masaya pa sila mng hindi natuloy ang kasal ng isang tao.

"Buti nalang! Ang kapal din naman kasi ng mukha ni Sharmaine. Si sir Drystan na nga iyan, o tapos nag cheat pa siya!"

Binabawi ko na. Deserve! Cheater naman pala.

Baka nakalimutan mong nagkasala ka rin sa kapwa mo babae, Rina?

Napakagat labi ako sa naisip. Hindi naman ako nagmamalinis.

Huminga ako ng malalim at kinuha ko ang cell phone sa bag. Binasa ko ang ilang mensahe ni Ria.

Ria :

Kumusta?

Ria :

Ayos ka lang ba? Tawagan mo ako kapag kailangan mo ng makakausap.

Ria :

Anytime.

Napangiti ako sa nabasa. Sobrang na touch ako at na guilty rin dahil simula noong magkita kami noon at nang magsimula akong mangamba tungkol sa paghihinala sa pagsusuka ay ni hindi ko siya kinausap ulit.

Gusto ko lang mag isip at gusto kong mapag isa. Buong buhat ko sanay naman akong magkaproblema at maghanap ng solusyon na mag isa lang.

"Adeena Riona Vasquez." Rinig kong tawag sa akin..

"Follow me please". Sabi noong tumawag sa akin.

Hindi ako nagdalawang isip at tumayo kaagad. Kinakabahan man ay naniniwala ako sa sarili ko.

"Hi, I am OM Nica and I'll be the one to conduct your final interview."

Halos magkaparehas lang ang tanong kaninang initial interview. Pagkatapos nang lahat ng iyon ay saka siya nagtanong kung malayo ba ang tinitirhan ko sa company at ilang oras byahe na sinagot ko naman.

"So...why should we not hire you?"

Hindi kaagad ako nakasagot sa tanong niya ngunit kaagad akong nakabawi at sumagot.

"I may not have an experience when it comes to working in this industry, but one thing I can assure you is that I am willing to learn. I can easily adapt the environment and I am a fast learner. I know I am ready to take whatever task you are going to give me in the future. That's how determine I am. So I don't see any reason why you should not hire me."

Heaven In your Armsحيث تعيش القصص. اكتشف الآن