Chapter 22

3K 80 0
                                    

"Okay ka lang?" Napalingon ko nang tanungin ako ni Ria.

Dumalaw siya sa bahay dahil rest day niya sa trabaho.

Magda-dalawang linggo na mula nang makalipat kami sa bahay ni Stan. So far, okay naman kami dito. Maayos ang aming pagtira. Pero hindi ko parin maiwasan ang hindi mapakali paminsan minsan. Ewan ko ba, minsan nga hindi ako makatingin ng maayos kay Stan kapag kinakausap niya ako.

Ramdam ko rin na nahihiya parin hanggang ngayon ang mga kapatid ko. Palagi silang kinakausap ni Stan kaya alam kong kahit papaano ay napapalagay na ang loob nila sa tao.

Nasa kusina kami ngayon at nagluluto. Hindi pa dumating si Stan galing sa trabaho.

Bumuntong hininga ako bago sumagot. Kasalukuyan akong naghahalo ng mga sahog.

"Nakita ko si papa...noong pinuntahan ko si Stan."

Kahit nakatalikod ay rinig ko ang singhap ni Ria. Tumayo ito ay tumabi sa akin.

"Nagkausap kayo?"

Umiling ako. Dumaan ang sakit sa puso ko nang maalala ko ang pagkikita namin ni tatay. Hindi ko man inaasahan iyon pero nangyari parin.

"M-may iba na siyang pamilya."

Hindi ako nakarinig ng sagot sa kanya. Nagpatuloy ako sa pagsasalita. Pinatay ko na ang stove at inihain ang iniluto.

"Alam ko naman na iyon. Na iniwan niya kami dahil sa bagong pamilya niya. Ramdam ko na iyon dati pa. Pero..masakit parin talaga."

Nag iinit ang mga mata ko kaya umupo ako sa upuan na nasa counter.

Lumapit si Ria sa akin at umupo sa katabing upuan.

"Masaya siya noong makita ko siya. Iyong ngiti niyang nakita ko...ganoon ang mga ngiti niya sa amin ng mga kapatid ko noong kumpleto pa kami. Ni hindi man lang siya lumapit sa akin at kamustahin ako o kami ng mga kapatid ko."

Tumawa ako kahit sobrang sakit na ng puso ko. Pinahid ko nag luhang kusang tumulo sa mga mata ko.

"Rina..."

"Pero okay lang. Nakita ko nang masaya siya sa buhay niya. At kung wala na siyang balak bumalik sa buhay namin ng mga kapatid ko ay okay lang. Nakaya ko naman. Kahit wala sila. Sana nga lang ay masaya rin si nanay kung nasaan man siya. Para worth it naman ang pang iwan nila sa aming magkakapatid."

Hinaplos ni Ria ang likod ko.

"Nasabi mo ba sa mga kapatid mo?"

Umiling ulit ako.

"Anong sasabihin ko? Na nakita ko ang tatay namin at masaya na siya sa buhay niya? Hindi ko kayang saktan pa ang mga kapatid ko."

Hindi namin deserve ng mga kapatid ko ito. Hindi naman namin piniling mabuhay sa mundong ito para maghirap. Gusto ko sanang hilingin na sana hindi nalang kami ipinanganak kung ganito kahirap naman pala ang pagdaraanan namin. Pero kung mangyayari iyon, hindi ako magkakaroon ng Gavril. Ang munting regalo sa akin ng panginoon.

"What's wrong?"

Boses iyon ni Stan. Dali dali kong pinunasan ang luha at humarao dito. Nakita kong kumunot ang noo nito habang tinitingnan ang kabuuan ng mukha ko.

"U-uh...maaga ka ata? U-uh...maghahain na ako para makakain ka."

"What's wrong , Rina?"

Tumingin ako kay Ria at kita kong nakatungo ito. Nang maramdaman nito ang titig ko ay umiling ito.

"Uh..puntahan ko lang si Gav sa taas, ha?" Biglang paalam nito at nagmadaling lumisan sa kusina.

Katahimikan ang bumalot sa amin ngunit sa gitna ng katahimikang iyon ay ganoon nalang ang kabog sa dibdib ko.

Ang linis at ang gwapo nito sa suot na longsleeve na itinupi hanggang siko. Ang lakas ng dating ng tindig ng lalaki.

Tumikhim ito kaya napabaling ako sa mukha niya. Ganoon nalang ang pag iinit ng mukha ko nang ma realize na sinisipat ko ang kabuuan nito habang nakatingin ito sa akin.

"Uh..wala iyon. M-may pinag usapan lang kami ni Ria. Uh...kakain ka na ba?"

Tumitig ito sa akin na akala mo ay hinahalukay ang loob ko kung nagsasabi ba ako ng totoo kaya't nilabanan ko rin ang titig nito.

Bumuntong hininga ito.

"Let's eat together with our son, your siblings and your friend. I'm just gonna put my things in our room."

Our son. Our room.

Hindi ko alam kung bakit ganoon nalang kalakas ang kabog sa dibdib ko pati kung gaano ka gaslaw ang mga paru paro sa tiyan ko na para bang kinikiliti nila ako.

Huminga ako ng malalim para kumalma. Kita ko parin ang likod nito habang naglakad palabas ng kusina. Nang hindi ko na matanaw ang bulto nito ay kaagad akong naghain.

"Ma'am, tulungan ko na po kayo."

Si Ate Nancy na isa sa mga helper na kinuhan ni Stan upang matulungan daw ako dito sa bahay. Kaya ko naman ang mga gawain sa bahay ngunit sadyang malaki lang talaga ang bahay na ito at hindi kayang linisin kaagad kung mag isa ka lang.

"Maraming salamat, ate Nancy. Sumabay na po kayo sa amin, ate."

Umiling ito habang naglalagay ng plato sa hapag kainan.

"Hindi na po ma'am. Sabay sabay nalang pi kaming lahat mamaya. Tsaka isa pa, nabusog po kami sa ginawa mong suman pang meryenda, ma'am."

Napangiti ako dahil sa sinabi ni ate nancy. Na para bang hindi ako umiyak kani-kanina lang.

Matapos akong tulungan ay bumalik na sa ginagawa si ate Nancy kaya't naiwan ulit ako mag isa sa kusina at napatulala habang nag iisip.

Magda-dalawang linggo na kami dito pero ni isang beses ay hindi ko pa nakita ang tatay ni Stan.

At bakit mo naman siya gustong makita, aber? Naghahangad ka pa ng meet the father, teh!

Napairap ako dahil sa naisip.

Hindi ba ito hinahanap ng tatay niya? Kasi dito siya tumitira at umuuwi pagkatapos ng trabaho kaya napapatanong ako kung hindi ba siya hinahanap sa kanila.

Kung itatanong ko iyan sa kanya...sasagot kaya siya?

Concern lang naman ako sa kanya. Baka kasi kailangan siya sa kanila pero ayaw niya dahil kay Gav. Ayoko namang maging hadlang ang anak ko sa iba pa niyang responsibilidad.

Napatigil ako sa pag iisip nang marinig ko ang mga bultong paparating.

Parang may humaplos sa dibdib ko nang makitang karga ni Stan si Gav habang hinahalikan nito ang pisngi ng anak.

Ang gandang panoorin araw-araw.

Heaven In your ArmsWhere stories live. Discover now