Chapter 28

2.9K 71 1
                                    

"Wow! Ang taas tatay. Thank you po!"

Nasa park kami dito sa loob lang din ng subdivision namin upang mas malapit lang kami sa bahay. Hindi kasi pwedeng magbyahe ng matagal si Gav at mas mabilis itong mapagod at mahilo.

Inilabas ko ang pagkain mula sa basket na dala namin at inihanda na ito sa nakalatag na tela.

"Hey."

Si Stan na hindi ko namalayang nakalapit na pala sa akin. Sinulyapan ko ang anak namin at nakita kong hawak nito ang saranggolang gawa ng tatay nito.

"Hi.."

"Want me to help you?"

Umiling ako.

"Hindi, okay lang. Ihahanda ko lang itong pagkain natin para mamaya."

Hindi iti sumagot ngunit ramdam ko ang presensya nito sa gilid ko.

Nang matapos sa ginawa ay uupo na sana ako ngunit hinawakan nito ang braso ko. Iginiya niya ako sa harap niya, sa mismong gitna ng mga hita niya at pinaupo doon.

"Is this okay with you?"

Hindi ko nagawang sumagot dahil sa kabog ng dibdib kaya tumango nalang ako.

Mas lumapit ito sa akin kaya mas ramdam ko na ang init ang ng katawan nito. Dahan dahan nitong iniyakap ang mga braso sa bewang ko na para bang hinihintay akong magprotesta. Ngunit hindi nangyari.

Gustong gusto rin, Rina?

Sabay pa yata kaming nagpakawala ng hininga nang tuluyan niyang mayakap ang bewan ko at nang maisandal ko ang likod sa dibdib nito.

Katahimikan ang bumalot sa amin pagkatapos. Ngunit ito iyong tipo ng tahimik na kumportable. Ang sarap sa pakiramdam. Heto kami at pinapanood ang anak namin na nasa harap namin at tuwang tuwa sa saranggola nito.

"Tell me something about you.. "

Bumuntong hininga ako bago sumagot.

"Uh- wala namang interesting sa buhay ko. Mabo-bored ka lang." Sabi ko at mahinang tumawa.

"But I still want to know more about you."

Paos na bulong nito. Ramdam ko ang hininga niya sa gilid ng mukha ko.

Suminghap ako bago nagsalita ulit.

"Iyon nga...nasabi ko na sa iyo ang tungkol sa tatay namin...pagkatapos naman noong na depressed ang nanay namin ay ako ang nag asikaso sa mga kapatid ko. Tapos...nang maging okay naman siya ay lumuwas siya dito para magtrabaho para sa amin. Ilang buwan siyang nagtrabahi dito ay naging mas maayos naman. Kahit murang edad palang kaming iniwan. Naging responsable ako sa mga kapatid ko. Kahit mahirap. Mahirap maging panganay, estudyante at maging magulang sa mga nakababatang kapatid."

Nagpakawala ako ng malalim na hininga dahil unti unting bumabalik sa isipan ko ang paghihirap na napagdaanan.

Hindi ito nagsalita ngunit ramdam ko ang paghigpit ng yakap nito sa akin.

"Pero...dumaan pa ang ilang buwan ay hindi na siya tumatawag sa amin. Akala ko ay baka pinagbawalan ng amo o ano kasi hindi naman nakakalimot si nanay. Kaya lang...kinabahan na ako nang hindi parin siya kumu kontak sa amin kaya nang grumaduate ako ng highschool ay lumuwas kami dito gamit ang ipon ko sa pinapadala ni nanay. Pero...parang bigla nalang siyang nawala...ni walang ha o ho o kahit ano man."

Mapait akong napangiti. Kung dati ay kinikimkim ko lang ito sa sarili ko, pati kay Ria at Berta ay hindi ko magawang sabihin lahat ngunit kay Stan...ang dali lang.

"Do you want to look for your mom?"

Maya maya ay tanong nito.

"Gustong gusto...kaso...ayokong masaktan sa magiging resulta. Na baka tulad ni tatay ay nakahanap rin siya ng bagong pamilya...pero gusto ko rin malaman kung nasaan man siya ngayon, kung maayos ba ang kalagayan niya..."

"Are you angry at your parents?"

Umiling ako. Pinaglaruan ko ang kamay naming magkasiklop.

"Hindi. Hindi ko magawang magalit. Pero...nagtatampo at nasaktan ng sobra, oo."

"I'll help you find your mom. For your peace of mind."

Nilingon ko ito kaya hindi naiwasang tumama ng mukha ko sa labi nito. Natigilan kami parehas ngunit parang kinikiliti ang tiyan ko nang halikan niya ang tungki ng ilong ko.

"But I just want you to know...that whatever the result is, Gav and I are here for you. We are your family. I'll do my best to give you the family that you deserve."

Napapikit ako nang sabihin niya iyon. Una, dahil sa init ng hininga nito na tumama sa mukha ko. At pangalawa, umaapaw ang intensidad ng nararamdaman ko para rito.

Ayoko namang mag deny. Kahit noon pa ay ang lakas na ng hatak ng lalaki sa akin. Iyong nararamdaman kong iyon ay mas naaalagaan lang lalo na noong ipinanganak ko si Gav. At mas lalo lang atang nadagdagan iyon simula nang tumira kami sa iisang bahay.

Hindi rin ako manhid sa mga galaw ni Stan. Itong pasimpleng hawak at pahalik niya sa akin na hindi ko tinututulan...pero nahihiya lang akong magtanong.

Maya maya ay tinawag ko na ang anak namin at sabay sabay kaming kumain.

"Nanay, lagyan mo po ng pagkain si Tatay. Big boy na po si Gav, kaya ko na po."

Natigilan ako sa paglagay ng pagkain sa plato niya. Rinig ko naman ang ngisi ng lalaki na ngayon ay katabi ko na. Nga lang, masyadong malapit sa akin pero hindi naman ako nagre-reklamo.

"Oo nga nanay, ako nalang ang e baby mo, big boy na si Gav, e." Natatawang sabi nito.

Tumatango tango naman ang paslit at humagikhik pa.

Umiling iling nalang ako at inasikaso nga ang plato ng magaling na lalaki.

"O ayan, ubusin n'yo iyan ha!"

"Yes po, nanay."

"Opo, mahal."

Kunot noo kong nilingon ang lalaki at sinamaan ng tingin kahit nag iinit ang mukha.  Pasimple din to, e.

Inirapan ko ito at nag asikaso na rin ng sariling pagkain.

Pagkatapos niyon ay hinila ako nito ulit at mas idinikit sa kanya na para bang ang layo layo namin kanina. Kulang na nga kang kandungin niya ako. Tsk.

Hindi ko nalang pinansin kahit ramdam ko ang titig nito sa akin at nagpatuloy nalang ako sa pagkain.

Isa na ito sa mga araw na palagi kong maalala. Na magkasama kaming nag anak. Sana sa susunod ay kasama na namin ang mga kapatid ko pati na si Ria at Berta.

Matawagan ko nga ang mga ito pagkauwi.

Heaven In your Armsजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें