Chapter 1

1.1K 30 6
                                    

Minsan sa buhay kailangang kumita para mabuhay ang pamilya... At sigurado akong maliban sa'kin na ginagawa ang lahat upang mabuhay ay ganun din ang mga taong tanging hinahangad ay ang kaginhawaan ay kapayapaan.

Kaya ngayon, ang ginagawa ko ay ang magtinda ng mga basahang aking tinatahi na minsang tinutulungan ni nanay kapag wala akong magawa sa bahay. Ito na ang huli kong pagbebenta ng basahan dahil nais kong alagaan si nanay at humanap ng ibang trabaho para sa kanya. Hindi ako nahihiyang gawin ito kung ito lang din naman ang magbubuhay sa amin ng aking pinakamagandang ina sa balat ng lupa.

Ngunit sa kamalas-malasan nga naman, habang sumisigaw para may bumibili ng aking tinitinda ay may biglang humintong sasakyan sa harap ko.

Napairap ako dahil nakasanayan ko na ang mga ganito, may hihintong sasakyan sa harap ko para tapunan na basura o di kaya'y sasabihing, "miss sumama ka sa'kin at dadalhin kita sa langit." Sabay kindat na parang timang.

Ng maalalang may benebenta ako ay sumigaw akong muli at nagbabakasakaling may bumili at lalampasan na ang kotseng nakaparada sa harap ko.

"Basahan! Basahan kayo diyan! Mura lang! Basahan kayo diyan!" Habang winawagayway ko ang mga hawak kong basahan.

Dalawang maliliit na hakbang lamang ang aking ginawa ng biglang bumukas ang pinto na nagapatigil sa'kin at walang pagdadalawang-isip na napabaling sa taong nasa loob nun.

Mapupulang labi at may mga kolorete sa mukha na mas lalong nagpatingkayad sa kagandahan niya kahit na parang may edad na. Pag nakasuot ka talaga ng make up nababago yung mukha mo o kaya di napapansin yung katandaan. May mga nag m-make up naman na akala mo kulang na lang ay gawing clown ang mga inaartehan nila. At sa mga oras na ito, ang ganitong klaseng babaeng nasa harapa ko ay alam kong madami ang pera na gugustuhin mo na lamang na magmakaawa kapag ika'y nangangailangan na, na siyang hindi ko gagawin. Dahil kapag gustong tumulong ng tao ay kusa mo itong tutulungan.

"Ilan ang lahat ng 'yan? Bibilhin ko lahat." Nakangiting saad niya dahilan para maglabasan ang dalawang magkabilang dimple niya.

Dahil kapag gustong tumulong ng tao ay kusa mo itong tutulungan at yun ang siyang ginagawa niya ngayon.

"P-po? Talaga?" Sa kabila ng mga naiisip ko ay hindi pa din ako makapaniwala sa biglaang pangyayaring ito. Dahil sa isang araw, sa sengkwentang basahan na dala ko ay anim o sampu lamang ang nabebenta ko. At hindi ako makapaniwalang kalahating oras ko pa lamang na nagbebenta ay may papakyaw na lahat ng ito.

Napangiti ako ng wala sa sarili dahil sa wakas ay may sapat na akong pera para mabili ang gamot ni nanay. Pero agad napawi iyong ng sumunod na kanyang sinabi.

"Sa isang kondisyon." Seryoso man ang pagkakasabi niya ay nananatili naman ang kanyang mga magagandang ngiti.

"Ano po yun?" Alanganin kong tugon.

"Come with me. I have an offer to you. A job." Nagulat ako ng biglang bumukas ang nasa unahang pintuan at iniluwa dito ang isang malaking lalaki na malamang ay ang driver nitong babaeng kausap ko.

Hinawakan ako sa siko nitong lalaki at iginaya paikot para pasakayin sa katabi nitong babae. Kinabahan naman agad ako bigla dahil sa nangyayari ngayon.

Ng tuluyan na akong makapasok ay nahiya ako sa bango ng loob ng sasakyan.

Jusko. Naligo naman ako pero bakit parang di naman ako naligo ng makapasok ako sa magarang sasakyan na ito.

"A-ahh... M-ma'am? Ano po ba yung sinasabi niyong trabaho?" Kinakabahang tanong ko.

Nagsimula ng umandar ang sinasakyan namin na mas lalong nagpakaba sakin. Bakit ba kasi ako sumama sa kanya? Oh di ngayon ay nagsisisi na'ko.

Malay ko bang baka kidnapper ang taong ito. Hala! Baka kikidnapin niya ako at ibebenta ang mga laman ko. Lord! Wag naman po! Kailangan pa ako ni nanay!

Fake Marriage, True Love (Lunaiah Boys Series 1) Where stories live. Discover now