Chapter 14

431 10 0
                                    

Makasalanan ang bahay kung saan kami ngayon ni Liam. Simula ng dumating kami dito palagi na lang naming ginagawa ni Liam ang bagay na yun.

Isa lang ang masasabi ko, nakakapagod na masarap ang dalhin ka sa langit- jusko! Heto na naman ako!

Hapon na ng magising ako at wala na sa tabi ko si Liam. Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito at iniluwa si Liam na may dalang pagkain.

Ngiti ang sinalubong niya sakin ng tingnan niya ako sa mukha na nginitian ko din.

Woi! Liam Andrei Buenaventura na 'to! Ngingitian ko ang lalaking pinakagwapo sa mundo.

"You're tired because of me. Nagutom ata kita." Tsaka ito tumawa ng mahina sa sinabi niya at linapag sa harap ko ang luto niyang masarap. Na sa sobrang sarap ay pati siya masarap.

Imbes na magalit o mainis dahil sa sinabi niya ay lumambot ang puso ko dahil sa ginawa niya na nagpapatunaw ng puso ko at mas lalo siyang mahalin. Kahit ang OA pakinggan.

"Ang sarap..." Sabi ko ng matikman ko ang niluto niya.

Napabaling ako sakanya ng hindi siya nagsalita at dun ko lang nakita nng mukhang bata na hindi binigyan ng pagkain. At alam ko na ang dahilan kung bakit hindi siya nagdala ng sariling plato at kung bakit bigla siyang tumahimik na may mukhang bata.

"Liam... Kumuha ka ng plato at kutsara mo dun." Sabi ko dito ng hindi makatingin dahil sa kaba na totoo nga ang iniisip ko. Nagulat ito sa sinabi ko na hindi niya inaasahan tsaka napairap sa kawalan at binalik ang tingin sa'kin.

"I'm tired." Tiningnan ko siyang ng sumagot sa sinabi na siyang pinagsisihan ko.

Jusko! Pa'no ko matitiis ang lalaking nasa harap ko na nakanguso na parang bata?! At ang cute pa tingnan na parang gusto kong halikan ang mga labi niyang nakanguso.

"L-liam?" Iniwas ko ang tingin sakanya at ipinagpatuloy ang paggalaw ng kutsara na hindi naman pumapasok sa bibig ko.

"Baby, I'm tired..." Parang batang sabi nito.

At dahil hindi ko matiis-

"Oo na! Oo na! Nganga!" At tsaka ko isinubo ang laman ng kutsara na dapat sa'kin na agad namang tinanggap ng bibig niya at ngumuya na may mga ngiti sa labi.

"Thank you."

"Oo." Sagot ko dito at sumubo ng panibagong kanin at naglagay na naman para kay Liam para siya naman ang pakainin ko.

Para akong nagsusubo ng batang na paralyzed.

"Thank you again..." Sabi nito ng maubos ang pagkain sa bibig niya.

"Oo." Subo ko ng sa'kin at naglagay na naman. Ulit-ulit.

"Thank you again and again."

"Oo."

"Thank you again and again and again, love."

"Oo."

"Will you be my girlfriend, love?"

"Oo."

Natigil ako sa pagnguya ng ma-realize kung ano ang sinabi ni Liam at kung ano ang sinagot ko. Yung kutsarang hawak ko na may laman ng pagkain na dapat ay isusubo ko na sna sa kanya ng maiwan ito sa ere ng malinawan ako sa sinabi niya.

Patay...

"L-liam." Inangat ko ang tingin sakanya na kulang na lang mapunit ang labi niya sa ngiti niya.

"Walang bawian." At inilapit niya ang mukha sakin at mabilis akong hinalikan pagkatapos ay lumabas siya ng kwartong may ngiti.

Habang ako iniwanang tulala sa mga nangyayari.

Fake Marriage, True Love (Lunaiah Boys Series 1) Where stories live. Discover now