Chapter 4

497 20 0
                                    

Ng matapos akong maligo at nagbihis ng pormal ko munang damit ay lumabas na ako ng bahay upang puntahan na muna si nanay. At mamayang pag-uwi ko na lamang susuotin ang damit na pinapasuot ni Ms Lianna bago kami magkita ng taong mukhang taon na ang lumipas bago ko huling nakita.

Habang wala pa ang sundo na ipapadala ni Ms. Lianna ay nagpahatid na muna ako kay Manong Lando patungong ospital. Ngunit bago pa ako makaalis ay may biglang dumating na babaeng halos lahatin na ang tenga at kamay ng alahas. Hindi ko nga lang alam kung for show nga lang ba yun o totoo talagang may halaga.

"Dito ba nakatira si Estella Fernandez?" Mataray na pagkakatanong nito ng makita akong kakalabas lamang ng bahay namin.

"Dito nga po, bakit?" Tanong ko.

"Oh! Sigurado akong ikaw ang kanyang anak. Matagal na ito, kaya mas lalong lumalaki ang utang sakin ng nanay mo-"

"A-ano po?" Gulat na pinutol ko ito.

"May utang sakin ang nanay mo na bente mil. At kailangan ko ng makuha yun dahil ipapadala ko sa anak ko."

"A-ate... Wala pa po kaming pera ngayon eh. Pero di bale po. Babayaran ko din ho kayo. Bigyan niyo po ako ng konting panahon."

"Oh sige sige. Isang buwan. Huli na 'to hija. Kapag hindi niyo pa ito nabayaran ay ipapakulong ko na kayo." Mataray nitong sabi bago ako talikuran na siya na talaga ang reyna ng mga alahas.

Napasapo ako sa noo ko. Kailan nangutang si nanay? At anong ginawa niya dun sa pera na yun? Nagsimula na naman akong magtanong ng mga bagay na walang kuwenta.

Gusto kong magalit kay nanay pero di ko magawa. Tapos na yun at babayaran na lang. Pero paano? Naguguluhan ako, sinabi ko na kay Ms. Lianna ang desisyon ko. Pero kailangan ko pa din para ipambayad sa utang ni nanay.

"Nay naman..." Wala sa sariling saad ko sa kawalan ng maisip kung paano kalaki ang utang niya at kung saan at anong ginawa niya dun sa pera eh wala namang nabago dito sa bahay.

Kaagad akong umalis at nagtungo sa ospital.

Nadatnan ko si Pat na nakaupo sa labas na pinagtaka ko.

"Pat? Ba't nandito ka sa labas?"

Napatingin siya sa'kin na pulang-pula ang mukha.

"Ahmm... Chine-check pa siya ng doctor." Sabi nito ng di tumitingin sakin.

"Parang tanga. Oh siya. Patuloy mo yang pagkakagusto mo dun sa doctor na yun-"

"Gaga! Di noh! Ikaw na nga yung pumasok dun! Naiirita ako dun sa bwesit na doctor na yun!" Sigaw niya na ikinailing ko na lang at pumasok na sa kung saan si nanay.

Ng buksan ko ang pinto ay ang siyang paglabas naman ng doctor.

"Kumusta na po si nanay, doc?" Tanong ko dito.

"As of now, she's okay pero kailangan niya na munang manatili dito para maobserbahan pa namin ng mabuti ang kalagayan niya. But your friend is not okay. I think she needs to confine herself too. Like what the fuck, she punched me for fucking sake. Dimwit." Kunot noong saad nito at umalis na mas ikinakunot naman ng noo ko.

Eh bakit niya sakin sinabi yun? Juskooo! Anong nangyayari sa mga tao dito?! Ako yung pinoproblema nila sa di ko naman pinoproblema pero bakit pinoproblema ko?

Akoy mabubuang na, bow.

Napailing ako ulit at pinuntahan na si nanay na nakamasid sa kisame. Naghahanap ata ng butiki.

"Nay?" Pukaw ko sa atensiyon nito.

Napatingin siya agad sakin at ngumiti.

"Anak... Akala ko ba pumasok ka na sa trabaho mo?" Tanong nito sakin.

Fake Marriage, True Love (Lunaiah Boys Series 1) Where stories live. Discover now