Chapter 22

390 15 0
                                    

"Baby! Itigil mo na yan-"

"No, mama. I want to be sexy like you." Hindi niya mabanggit ng maayos ang mga sinasabi niya dahil sa paghingal dahil sa ginagawa niyang pagtatakbo takbo.

"Itigil mo na yan, okay? Pinapagod mo lang ang sarili mo." Linapitan ko siya at pinahinto sa pag exercise na ginawa niya para lamang pumayat siya, tulad nga ng sinabi niya sakin kanina. Binuhat ko siya na may kabigatan. Napaupo ako sa sofa at ipinatong ko siya sa tuhod ko at pinunasan ang pawisan niyang mukha.

"Mama... Burger." Ng huminahon siya ay yun kaagad ang sinabi niya na nakanguso.  Napatawa naman ako sa sinabi niya

Iniwas ko ang tingin ko sa mukha niyang may pinagmanahan sa tuwing ngumunguso. At alam niyang ang pagnguso niya ang kahinaan ko sa tuwing may gusto siyang hindi ko gustong kainin niya. Itinuon ko sa noo niya ang tingin ko habang pinupunasan ang pawis niya dun na pinipigilan ko ding tumingin sa mukha niyang nakanguso.

"Mama?"

"Baby... Diba gusto mong maging sexy, tulad ni mama? Kung gusto mo pala, wag kang kain ng kain anak. Natatakot akong baka hindi ka mabawasan niyan dahil sa nasobrahan ka."

"Mama..."

Hinawakan ko ang pisnge niya ng mas ngumuso siya na sinabayan pa ng lungkot.

Napatitig ako sa ganda niya na halos makuha niya lahat sa kanyang ama. Ang kanyang magagandang mata, ang makapal niyang kilay at matataas na mga pilikmata. At ang tangos ng kanyang ilong na katulad na katulad ng kanyang ama. Ang labi niyang malambot at ang porma na katulad ng kanyang ama. Ang nakuha niya lang siguro sakin ay ang pag-uugali nung bata pa ako. Dahil tulad niya ay malakas din akong kumain ng kahit anong pagkain. Minsan nang naikuwento sakin ni nanay kung gaano ako kabigat noon. Pero ng magsimula ng magdalaga ay bumagsak ang mataba kong katawan.

Hindi naman siya matabang-mataba. Sakto lang ang katawan niya. May katabaan konti, pero konti lang. Manggigigil ka sa chubby cheeks niyang kapag pinisil ay sobrang lambot ng balat niya. Ang maitim niyang buhok na bumabagay sa mapuputi niyang kutis na nakuha niya sa kanyang ama. Gaya nga ng sabi ko ay halos sa ama niya nakuha ang panlabas niya. Pero kung babasehan sa pag-uugali ay walang pinagkaiba sakin. Malakas pakainin.

"Okay... Tatawagan ko na muna ang ninang mo." Pagsuko ko sa di ko pagkatiis sa hinihiling niya.

"Yehey! I love you, mama!" Napangiti ako ng masaya siyang yinakap ako.

"I love you too, baby." Napangiti na din ako sa inaasta niya.

Kinuha ko ang nasa bulsa kong cellphone ng umalis sa pagkaka-upo sa tuhod ko ang matakaw kong anak at nanonood ng paborito niyang pinapanood. Si Barbie.

"May kailangan ka? Alam ko na! Nagpapabili na naman ba yang matakaw mong anak ng burger?" Paghula niya na siyang tama. Memoryado na niya sa tuwing tumatawag ako sakanya.

"Oo sana, e." Natatawa kong sabi ng bumuntong hininga siya ng malalim.

"Hayy nakuuu! Estee! Wag mong pakainin ng madami yan! Baka ma high blood yan! Naubos na ba ang dala kong fries sakanya at ice cream?!"

"Oo. Tsaka wag ka ngang OA. Gusto din naman niya."

"Ako ang malalagot sa ama niyang babae ka! Hayy! Oo na! Oo na! Papuntahin mo na dito ang sekretarya mo. Ipapadala ko sakanya diyan." Pagsuko na din niya at pinatayan na ang tawag.

Sunod ko naman tinawagan ay ang sekretarya ko na nasa coffee shop ngayon.

"Ma'am?" Sagot niya kaagad sa tawag ko.

"Anong ginagawa mo?"

"Magsasara na po kami, ma'am."

"Sofia?"

Fake Marriage, True Love (Lunaiah Boys Series 1) Where stories live. Discover now