Chapter 3

547 23 0
                                    

Alas kwatro pa lang ay gumigising na ako para maghanda ng agahan para sa amin ni nanay at makainom na siya ng gamot na kahit papano'y maibsan man lang kahit ng konti ang karamdaman niya.

Yung nabili kong gamot niya ay kulang pa at hangga't may pera ako ay gamot at makakain namin sa pang araw-araw ang ipambibili ko. Mga damit? Marami pa naman akong damit, di ko kailangan yang mga yan. Kung bibili man ako ng mga damit, yun ay hindi para sakin kundi kay nanay. Oras na naman siguro para maibalik ko sa kanya yung mga hirap na dinanas niya noong ako'y bata pa. Ngayon ang oras para maibalik ko sa kanya lahat ng yun bilang anak na minsan na niyang pinasaya.

Kailangan kong pag ipunan ang kaarawan ni nanay. Matagal na matagal pa man yun ay kailangan ko yung paghandaan. Kahit ganito lang kami ay gusto kong iparamdam sa nanay ko kung ano ang pakiramdam na magkaroon ng bonggang handaan. At yun ang gusto kong maranasan ni nanay na ayos lang sa'kin kahit na hindi ko maranasan.

"Anak, Esther..." Tawag niya sakin kaya nilingon ko siya pero natigil ako ng makitang maputlang maputla siya. Hindi naman siya ganun katanda, pero dahil sa kalubhaan niya ay nagmukha na nga siyang matanda.

"N-nay!" Di na ako nag atubili pa at agad siyang nilapitan at inalalayan na maupo.

"A-anak ayos lang ako. Mag handa ka na at para makaalis ka na at marami ka pang aayusin."

"Sigurado ho ba kayong ayos lang kayo dito?"

"Oo at ayos-"

"Estherella!" Naputol ang sasabihin ni nanay ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Patricia o mas kilala sa tawag kong Pingkay.

"Ano ba yan! Nakakagulat ka! Di ba uso ang katok sa pinto, Pingkay?" Pinandilatan ko siya ng mata baka kasi nagulat si nanay.

"Isa pang pingkay mo diyan, Esther. At sira 'tong bahay niyo." Nakapamewang na saad nito matapos ilagay sa mesa ang dalang tupper na halatang ulam at kanin ang laman.

"Ikaw talagang bata ka, oo." Iiling iling na saad ni nanay dito.

"By the way! Nanay Estella! Wala akong trabaho ngayon at dahil wala akong trabaho, babantayan kita. At ikaw! Maghanap ka na ng trabaho para may pandagdag ka sa ibibigay ko na pera para sa gamot ni nanay Estella." Baling nito sakin at may hinugot sa bulsa na pera.

"Naku! Wag na. Salamat na lang, pingkay. May pambili na ako ng gamot ni nanay. Ano ka ba naman sobra-sobra na 'tong binigay mo kaya wag na. Ipunin mo na lang yan para sa sarili mo." Pagpipigil ko dito.

Si Pingkay ay ang kaibigan kong nakilala ko dito sa barangay namin. Siya lang ang bumubuhay sa sarili niya. Pinalayas ng sariling magulang hanggang sa napadpad dito. At ang kompletong dahilan bakit siya nandito ay hindi ko alam. Nagta-trabaho siya sa isang bar bilang waitress. Hindi siya nag t-table ng mga sinuman at mas lalong hindi siya bayaran - According to her. Minsan kapag wala siyang pasok ay pumupunta siya dito sa bahay para ipresentang magbabantay kay nanay, habang wala ako. At kapag pumupunta siya dito sa bahay ay laging may dalang kanin at ulam dahil baka biglang mahimatay si nanay at walang nakakaalam. Kung wala naman si pingkay ang kapit bahay naman naming malapit samin na si Aling Nora.

"Hala sige! Pag hindi niyo 'to tatanggapin! Magagalit ako sa inyo. Babawiin ko lahat ng mga binigay ko at hindi na tayo muling magkakabati pa! Ipapapatay ko si Esther sa mga adik sa kanto. Oh ano?! Tanggap o sira ang buhay niyo? Madali lang naman akong kausap." At nagsimula na itong maglibot libot sa bahay na parang siya ang may ari nitong bahay hanggang sa tumabi na kay nanay ng upo at inakbayan ito.

Parang tanga.

"Hala sige at idadamay mo pa ang buhay ng anak ko. Gaga."

Nagtawanan naman kami hanggang sa umabot ang hindi ko inaasahan.

Fake Marriage, True Love (Lunaiah Boys Series 1) Where stories live. Discover now