Chapter 28

396 19 0
                                    

"F*ck!"

Inirapan ko ang ginawa niyang pagmura bago ko sinubukang buksan ang pinto pero nai-lock na pala niya kaya wala akong magawa kundi ang sumandal na lamang at hayaan siya.

"Esther, what is happening with you?" Bumuntong-hininga ako bilang sagot sa galit niyang pagkatanong. "Bullsh*t!" Huling mura niya tsaka siya sumuko at tulad ko ay napasandal na din siya ngunit hindi tulad ko ay hinihingal siya. Siguro dahil sa galit.

Ilang minutong katahimikan ang namagitan sa'min bago siya nagsalitang muli.

"I don't know if I did something to make you feel like that. You're torturing me, Esther. And I can't accept that you're being like that, just because of me. Tell me, baby. What's the problem?"

Hindi ako nagsalita. At pinatili ang tingin sa harapan. Hindi ko din alam kung ano yung problema e. Sa ngayon, ang alam ko lang ay pagod na'ko. Gusto kong gawin ulit ang ginawa ko noon pero hindi ko alam kung paano. Napapagod na'ko, sobra. Pero nandito si Leanne e. Ang anak kong hindi ko magawang maiwan-iwan. Tumulo ang luha sa kabilang gilid ng mata ko ng maalala ko ang anak ko. Sa ngayon, anak ko na lang ang pinanghahawakan ko.

"If it's okay with you. I'll leave now. Just let me saw my daughter tonight and after that, I'll leave. Don't worry, I'll provide all the financial support. Just take care of our daughter, Esther. L-love her... I can't stay in this situation if you are not okay, if you're not okay seeing me with our daughter. I d-dreamt to have a child but now that I have already one, p-pinagkait naman ng tadhana. T-take care of Leanne. I-if she's s-sick, just c-call me and I'll be right away in her side... I... I-im sorry." Mahina man ang mga pagkakasabi niya ng mga yun, pumapaibabaw naman ang panginginig ng boses niya.

Napatingin ako sa kanya. At sa nakalipas na taon, ngayon ko lang ulit siya nakitang bumabagsak.

"Love her-"

"Stop." Pagpuputol ko sa iba pa niyang balak sabihin.

"No. F*ck!" Tuluyan na siyang napasigaw sa kaguluhan.

Napayuko ako kasabay ng mga luha ko dahil sa mga halo-halong emosyon na nararamdaman ko.

"Why? Why does I have to do this?! I will not leave you. F*ck. Esther, why? You f*cking lied and now? What the hell?!" Bumalik yung galit na Liam at dahil kanina ay konti na lang sasabog na'ko, tiningnan ko siya sa mga mata.

"Bakit, Liam? Oo at big deal sa'yo yung pagsisinungaling ko pero hindi mo ramdam at alam lahat ng paghihirap ko nung talikuran niyo 'kong lahat! Hindi mo alam ang pakiramdam kung paano tanggaping nagdadalang tao ka kung saan tinalikuran ka ng taong inaasahan mong tutulong sayo-"

"How can I help you if you f*cking lied-"

"Kasi hindi ko alam!" Napahinto ako tsaka ko pinunasan ang mukha kong napupuno na ng luha matapos kaming magsigawan.

"W-what?"

"H-hindi ko alam na totoo yun. Hindi ko alam na yung pagsisinungaling ko sa'yo ay magiging totoo. Kaya wag na wag mo akong pagsabihan na isa akong ina 'lang'. Hindi mo alam kung gaano kahirap ang maging isang ina. Hindi mo alam kung gaano kahirap mag-isip at pagsabayin ang pagtatrabaho at pag-aalaga sa anak para lang may makain kami. Hindi mo naranasang matulog ng madaling araw at gumising pagkatapos ng kalahating oras dahil may bata kang dapat alagaan... Wala ka sa tabi ko nung iniluwa ko ang anak na'tin, Liam."

"E-esther... Hindi pa ba sapat lahat ng mga nagawa ko?"

"Bakit? May nagawa ka ba?" Medyo nagtaka ako sa sinabi niya pero siguro ganun na nga. Baka hindi ko lang nakita.

"For just f*cking sake, Esther!" Umigting ang panga niya habang galit tsaka lamang siya huminahon at napatingin sa harap. "I payed Shawn to investigate you. And I know in the first place that mom brought you to me to do that fake marriage just for that f*cking company. When Shawn told me your address and about your mom, that was the day when I brought you to Zeke's hospital to pay the bills of your mom. I even payed your mom's debt to that bullsh*t girl. Esther, all along I am the one who kept on helping you but you didn't even see that 'cause you're busy preparing for your lies..." Nanghihina niyang sabi. "I was so sure of you to the point that before mom could make a move to process the fake papers for our marriage, I already process and arranged it to turned it to True Marriage. But guess what? We're stuck between fake marriage and true love. Because one of us here were never been true to herself and her feelings."

Fake Marriage, True Love (Lunaiah Boys Series 1) Where stories live. Discover now