Chapter 23

385 14 0
                                    

"Mama?" Napatingin ako sa anak ko ng tawagin ako nito.

"Why, baby? Do you need something, hmm?"

"Don't call me baby po. I'm big na oh. Can't you see?" Jusko! Kahit na may pagkamaldita to minsan gumaganda pa din dahil sa matataba niyang pisnge.

"Anak..." Nanlambot ang puso ko tsaka ko siya pinalapit para yakapin dahil bigla akong naging emosyonal. "Tandaan mong baby lagi kita, ah? You grow faster a-and I'm scared..."

Natatakot akong baka pag nagdalaga na siya ay malayo siya minsan sakin.

"Mama, call me by my name. Not baby. And don't be scared, mama. I'm always here, okay? I won't leave you, mama and I promise that." Nakanguso niyang sabi na di ko kailanman matitiis.

She was always like this, comforting me with her words. I blame myself for showing her my weakness, but there's a part of me that I was thankful. Sa mura niyang edad marami na siyang natutunan. Sa murang edad ng anak ko, tinuro ko sa kanya kung paano nagkakaiba-iba ang pananaw ng bawat tao. Nagpapasalamat ako kasi napalaki ko siya ng maayos at naturuan ng maraming bagay.

"I love you, Leanne Anarih..." Sambit ko ng pangalan niya bago ko siya halikan. Oo at sinunod ko ang pangalan niya sa kanyang ama.

Ngumiti siya ng pagkalaki-laki dahil sa sinabi ko tsaka niya ako halikan sa pisnge, noo, ilong, kilay, lahat ng parte ng mukha ko ay inisa-isa niya. "I love you too, mama."

Ilang minuto kaming nagkulitan bago ko naisipang magpahinga dahil medyo sumakit ang ulo ko.

"Anak, magpapahinga lang ako." Natatawa kong pagbabago ng usapan tsaka humiga sa kama nitong opisina ko sa coffee shop.

Nanggaling kami sa boutique, at isa lang ang masasabi ko. Nakakapagod, mabuti nalang marami akong pinagkakatiwalaan dun na tindera ko. Ang daming customer pati din dito sa shop, mabuti na lang din at nandito si Sofia.

"Pahinga ka po, mama. Dun po muna ako kay ate Sofia the first." Nakangiti niyang sabi sakin.

Hinding-hindi ko matitiis ang ganitong mukha ng anak ko.

"Sige. Wag kang lalabas ah. Magpabantay ka kay ate Sofia mo."

"Love you, mama." Lumapit siya sakin na nakahiga ako at pinatungan niya ako na muntik ko ng ikamatay. Ang bigat ng anak ko, jusko.

Hinalikan niya ang noo, pisnge, ilong, mata at ang huli ay sa labi. Inulit niya yung ginawa niya sa'kin kanina habang nakapatong sa'kin na tiniis ko lang.

"Love you po mama." Nakangiti niyang sabi.

"Mahal din kita, Leanne."

"Byee." Umalis siya sa ibabaw ko at lumabas na.

Shit. Muntik nakong malagutan ng hininga dun ahh. Ang bigat niya tapos papatungan niya ako bigla.

Bumangon na muna ako at nagtungo sa cabinet para kunin ang Medicol, dahil sa sumasakit ang ulo ko.

Makitang masaya ang anak ko ay masaya na din ako. Kaya ibibigay ko sakanya kung ano ang magpapakasaya sakanya. Pero kung ang magpapakasaya sakanya ay ang makapiling ang kanyang ama, hindi ko alam kung magagawa ko.

---

"ATE Sofia the first? Dun na po muna ako."
Turo ni Leanne sa isang bakanteng upuan .

At dahil kaka-alis lang ng mga estudyante ay konti na lang ang mga customer.

"Sige cutie. Wag kang lalabas ahh." Pagpayag niya saka umalis si Leanne at nagtungo sa gusto niyang upuan.

Uupo na sana siya kaso hindi niya maabot. Maabot nga niya pero baka matumba ang upuan pati siya dahil sa bigat niya kung pipilitin niya.

Fake Marriage, True Love (Lunaiah Boys Series 1) Where stories live. Discover now