Chapter 10

444 15 0
                                    

Biglang huminto ang sasakyan at ng tumingin ako sa labas ay nasa isang park kami. Bubuksan ko na sana ang pinto ng magsalita si Liam.

"Stay here." Sabi nito na nakatingin sa damit kong nabasa at bumakat na sa hita ko tsaka siya agad na lumabas.

Bumalik ako sa dati kong pagkakaupo at hinawakan ang damit kong nabasa.

Hindi ko inaasahan na gagawin sa'kin ni Ella ang bagay na yun. At alam kong sinadya niya na buhusan ako ng tubig. Hindi kaya alam na ni Liam ang nakaraan namin ni Ella? At di kaya, gustong maghigante ni Ella laban sakin? At gagamitin niya si Liam? O kung alam man ni Liam bakit tinanggap niya pa rin ako? Anong dahilan?

Knowing Ella, gagawin niya ang lahat makuha lang ang gusto niya. Pero kakapit ako sa pag-asang hindi gagawin sa'kin ni Ella ang mga bagay na yun, ang maghigante laban sa'kin at gagamitin niya si Liam ay malabong magawa niya pero ngayon pa lang, pinapakita na niyang kaya nga pala niyang gawin.

Napabuntong hininga ako at tiningnan si Liam na nasa labas at may kausap sa cellphone. Ilang minuto lang ay binaba na niya ng biglang may dumating na babae. Sobrang puti at mahaba ang itim na buhok at ang ganda niya na mas dumagdag ang kahubogan ng katawan dahil sa damit nitong suot na nakulangan sa tela. Pero mas maganda naman ako dito kung tutuusin.

At ang mga ganyang babae ang gusto ni Liam... Yung babaeng kulang na lang ay magpakita ng kanilang kaluluwa.

Iniwas ko ang tingin ko ng makaramdam ng pagkirot sa gitnang dibdib ko ng linapit nung babae ang mukha kay Liam. Hindi ko alam kung naghalikan nga sila sa harap ng maraming tao. At hindi ko alam kung bakit ayaw kung makita ang susunod na hakbang na yun.

Hindi kaya nandito pa rin sa puso ko si Liam? Hindi... Hindi pwedeng nandito parin siya dahil matagal ng wala yun. At hindi rin siya pwedeng nasa puso ko dahil tao siya, hindi siya kakasya dito. Mindset ba mindset. Mais!

Ng ibaling ko ang tingin sa ibang lugar na wala akong makikitang Liam at yung babae niya ay nadapo naman ang tingin ko sa buong magpamilya na kung saan ay kumakain sa loob ng restaurant habang may mga matatamis na ngiti sa kani-kanilang mga labi. Ang saya tingnan... Ang sayang tingnan ng mga bagay na wala ako...

Nai-imagine ko ang sarili ko sa batang babae na yun na masayang kumakain. Masaya silang mag-pamilyang kumakain. Kung hindi lang ba nawala si tatay, mauulit pa kaya namin ang masasayang alaala nung bata pa ako? Kung hindi lang ba nagkasakit si nanay ay wala ako sa sitwasyon ko ngayon? Malayong malayo na ang batang Estherella sa dalagang Estherella ngayon. Ang batang Esther ay ang pinakamasayang bata ata sa mundong ito noon. Walang nararamdamang sakit dahil nandiyan ang nanay at tatay sa tabi, kapag nagkasakit o may sakit na nararamdaman ay agad-agad silang nasa tabi ko at patatahanin ako. At sa ginawa nilang yun ay mawawala ang sakit na nararamdaman ko. Samantalang ang dalagang Esther ay wala ng karamay sa mundong ito. Walang tatay na gagamutin ang sugat ko at walang nanay na patatahanin ako sa pag-iyak. Hindi na magagawa ni nanay ang ginagawa niya sa'kin noon dahil sa sakit na mayron siya ngayon. Sa pagkakataong sana na ito ay ako ang laging nasa tabi ni nanay, at ako sana ang gagamot at magpapatahan sakanya. Ngunit paano ko magagawa ang mga yun, kung wala ako sa tabi niya? Paano ko magagawa ang mga yun kung mas inuuna ko ang pera para sa pagpapagamot niya. Na dapat sana ay nandun ako ngayon sa tabi niya. Pero hindi ko na mababawi ang desisyong pinasukan ko. At ngayon, pinagsisihan ko na kung bakit ako pumayag. Gusto ko ng talikuran ang pinasok kong 'to, ngunit alam ko. Alam ko na kahit saan ako magpunta, may taong hindi ako titigilan, makuha lang ang gusto.

Hindi ko namalayan na sa pagtitig ko sa masayang pamilya na kumakain ay tumulo na pala ang luha ko. Pero sa kabila ng lahat ng 'to. Hindi ko kakalimutan kung paano ngumiti. Kailangang lumaban.

Ibinalik ko ang tingin kay Liam sa labas. At habang tinitingnan ko siya, napaisip ako... Siya yung lalaki na kapag minahal ng isang simpleng babae, hindi mo malalaman kung pwede ka sa panlasa niya. Nakatalik ko na si Liam... Magaling siya sa kama-

Fake Marriage, True Love (Lunaiah Boys Series 1) Where stories live. Discover now