Chapter 17

364 11 0
                                    

WARNING ⚠️: MATURED CONTENT

---

Hindi ko mapangalanan ang saya na gumuhit sa mukha ni Liam ng sabihin ko ang panibagong kasinungalingang iyon.

Ang lalaking nanghihina at sobrang lungkot ay biglang lumakas at sumaya.

Dun ko nakita ang kung gaano niya kagusto ang magkaroon ng anak. Sobrang saya niya samantalang ako, nakakulong sa lungkot na mismong sarili ko ang gumawa.

Ngunit isa lang ang gumugulo sa isipan ko. Ang saya nga bang naramdaman niya kanina ay nanggaling sa kasinungalingan kong magkakaanak kami? Malamang, oo.

Dahil sa kagustuhan kong mapasaya siya ay nagawa kong magsinungaling sakanya. Gusto kong sumaya siya. Ngunit ang saya na binigay ko sakanya ay isang kasinungalingan. Gusto ko lang namang maging masaya siya para maibalik yung sayang pinaramdam niya sa'kin. Pero bakit ganito ang ginagawa ko? Di ko ba to pagsisisihan? Magsasawa ba ako? Ng dahil sa inisip ko ay napaluha ako.

"L-liam..." Naluluhang sabi ko habang malaki ang ngiti niya.

Nakokonsensiya ako. Dapat hindi ko yun sinabi. Dapat hindi... Ang sama sama ko. Hindi dapat ganito.

"Pas-"

"I love you. Thank you, baby." Naputol ang plano kong sasabihin ng yakapin niya ako ng mahigpit at sabihin ang mga salitang iyon.

Habang pinapasaya ko siya, nasasaktan naman ako...

Ito lang naman ang kailangan ko at ni Mrs. Lianna na gawin.

"Si Liam... Nag iisa ko siyang anak... He was a playboy, kasi yun ang nahanap niyang makapagpapalibang sakanya. Ng mga panahong kailangan niya ako ay wala ako sa tabi niya... Kaya ngayon ay gusto kong bumawi. Alam kong gustong-gusto niya ang kompanya ng daddy niya dahil ito na lamang ang natira na makakapag paalala sa kanya ng ama niyang kailanman ay hindi niya nakita at naramdaman. Kaya ako ang gumawa ng paraan para makasal siya, dahil alam kong hindi siya basta-basta magpapakasal sa babaeng hindi niya mahal... Naghahanap ako ng mga babae na nagbabaka sakaling matutunan niyang mahalin, pero wala. Pamilyar ka sakin, ikaw ang babaeng nakita kong lumabas galing sa nilabasang VIP ni Liam noon... Kaya nung makita kita, sabi ko na susubukan ko baka ikaw... Ang Liam ngayon ay malayo sa Liam noon... May tinatago siya sakin na ayaw niyang sabihin sakin na kahit anong alam ko ay hindi ko malalaman kung ano yun... Naalala mo yung sinabi kong wag kang mahulog sa kanya? Sinabi ko lang yun para sa kaligtasan ng puso mo. Kaya sinabi ko na kapag na develop ka na Esther, siguraduhin mo munang siya ang unang aamin para hindi ka masaktan. I want my son to be happy... At alam kong hindi ako ang makakagawa nun... Sinubukan ko pero hindi gumana... Gusto kong mapasaya mo siya, Esther... Gusto kong mabalik ang Liam na kilala at masayahin noon... Hindi sapat ang isang milyon para sa ipapagawa ko... Dadagdagan ko yun hija... Wag kang mag-alala..."

Kaya sigurado akong si Mrs. Lianna ang nagbayad sa bills sa hospital at siya din ang nagbayad sa nautangan ni nanay. Sapat na sakin ang lahat ng yun...

Si Liam ang bumuhay sa patay kong puso na nawalan na ng pag-asang mag mahal simula ng makilala at makasama ko siya noon ng isang gabi lamang.

"Thank you baby..."

"Salamat saan?"

"Sa pagbigay mo sa'kin, sa'tin ng isang anghel."

"Ahh." Tumango tango lang ako ng hindi ko alam kung anong isasagot ko.

Nasa ganun kaming posisyon ng tumayo siya at sumigaw.

"Ahhh! We're having a baby!!" Sigaw niya at habang pinagmamasdan siyang masaya, hindi ko mapigilang maluha at masaktan sa maraming dahilan.

Magpapabuntis na lang siguro ako para maging totoo. Kahit ito man lang makabawi ako...

Fake Marriage, True Love (Lunaiah Boys Series 1) Where stories live. Discover now