Chapter 21

381 14 0
                                    

"K-kalahating milyon?" Mahina kong sabi sa di makapaniwalang pera na binilin sakin ni nanay.

Yung trabaho niya sa kompanya. Yung utang niya dun sa babae. Ibig bang sabihin nun, kaya walang nabibiling bagong kagamitan dito sa bahay dahil ito yun? Inipon niya para ibilin sakin kapag wala na siya?

Kusang nagsituluan muli ang aking mga luha habang yakap ang kanyang sulat.

Kahit wala na siya ay may gusto siyang ibilin sakin para mabuhay mag isa...

"Nay... Bakit? Bakit-" natigil ako sa pagsasalita ng manlabo na naman ang paningin ko.

Nabitawan ko ang sulat at nailapag ang pera sa kama at sinubukang tumayo. Pero ng makatayo na ako ay kusa akong natumba dahil sa hilo samahan pa ng panlalabo ng mata. Unti-unting nagdidilim ang paningin ko ng hindi ko na alam at hindi ko na kaya pa ang tumayo dahil sa hilo... Hanggang sa nilamon na ng kadiliman ang buong paningin ko...

•••

HABANG nagmamaneho at malayo na sa bahay ni Esther si Kate ay hindi ito mapakali na nakaupo sa harapan ng manobela habang iniisip kung magiging maayos nga ba ang pakiramdam ng kanyang kaibigan sa bahay nito.

"Shit." Gulat siyang napatingin sa kanyang cellphone ng bigla itong tumunog dahil may tumawag. Kinalma niya ang sarili bago sagutin ang tumatawag.

"Yes?"

"Kate? Where are you?" Si Ella ang tumatawag sakanya dahilan para makaramdam si Kate ng inis dito. Tiningnan niyang muli ang telepono para malaman kung sino ang tumatawag at ng makumpirmang ang kaibigan niya nga yun ay sinagot niya na lang ang tanong nito.

"Sa lugar na wala ka, Ella." Walang ganang sagot niya sa kaibigan at pinaikot pabalik ang kotse sa direksiyon kung nasaan niya hinatid ang kaibigan kanina.

"God... I'm sorry, okay?" Paghihingi ng paumanhin sa kabilang linya.

"Sinabihan na kita noon pa. Ang tagal na nun, Ella. Kung hindi mo kaya sana umiwas ka na lang!" Hindi niya mapigilang mapasigaw sa kausap ng maalala ang mga pinanggagawa nito.

Ilang minutong hindi nakasagot ang kausap niya at nadinig niya na lang bigla ang pag iyak nito.

"I-im so s-sorry..." Mahinang sabi ni Ella bago nasundan ng mahinang iyak..

Hininto na muna sa gilid ni Kate ang kotse bago ikinalma ang sarili.

"Ella... Wag kang umiyak, please... Ayokong umiyak."

"Tulungan mo'kong hanapin siya."

Naipikit ni Kate ang mga mata dahil sa gulo ng iniisip niya. Kung sino nga ba sa dalawa ang tutulungan niya.

"Pasensya ka na, Ella. Ayoko na munang magpakita sakanya. Hindi kita matutulungan diyan." At pinatay niya kaagad ang tawag.

Huminga siya ng malalim at isinandal ang ulo sa manobela ng maisip ang naging kalagayan ng kanyang kaibigan simula ng makasama niya ito.

Alam ba niya ang kanyang kalagayan? O nagbubulag-bulagan lang siya? Tanong niya sa sarili ng napansin niya sa kaibigang wala lang ito.

Huminga muna siya ng isa pang malalim bago umayos sa pagkaka-upo at pinaandar na ang kotse patungo sa bahay ni Esther.

Ilang minuto ang minaneho niya bago siya makadating sa labas ng bahay nina Esther na kaagad niyang pinasok ang bukas na kabahayan.

Alam niya sa sarili na hindi pwedeng iwanan ang kaibigan niya dahil sa kalagayan nito. Dahil alam niyang kahit anong oras ay pwede itong matumba  sa napapansin niyang nangyayari dito. May posibilidad na matumba ito dahil sa hilo. Kaya hindi niya pwedeng iwan muna sa ngayong oras ang kaibigan niyang kailangan niyang bawian sa mga panahon na wala siya sa tabi nito na kailangan na kailangan sila.

Fake Marriage, True Love (Lunaiah Boys Series 1) Where stories live. Discover now