Chapter 11

461 16 0
                                    

Dahil sa pagod at busog matapos kumain ay kaagad akong nakatulog habang nagmamaneho si Liam pauwi. Ng umalis kasi kami kanina sa hospital ay dinala niya ako sa isang mamahaling restaurant. Hindi naman ako puwedeng umangal kasi siya na yan e. Isang ngiti niya lang, natitiklop agad ako.

PERO isang hindi pamilyar na amoy at kama ang nadatnan ko ng magising ako at may tunog na parang humahampas ang tubig... Parang...

Dagat.

Napabalikwas ako ng bangon at inilibot ang tingin ng dumapo iyon sa balkonahe na makikita mo ang napakalawak na karagatan at ang hangin na nanggagaling dito. Ilang oras ba ang naging tulog ko?  Ang bilis naman ata.

Shit. Ang ganda... Ngayon lang ako nakapunta sa ganito kagandang dagat.

Naglakad ako papunta dun at hinawi ang puting kurtina na nakaharang ng konti. At tumambad sa'kin ang napakagandang tanawin ng dalamoasigan sa mga mapuputi nitong buhangin kasabay ng mga naghahamoasang mga alon sa karagatan. Ang sariwang hangin ay dumampi sa mukha ko dahilan para liparin ang buhok ko kasabay ng pagyakap ng  matitipunong bisig galing sa likuran ko.

"The view is beautiful, isn't it?"

Bumilis ang tibok ng puso ko ng maramdaman ang mabango niyang hininga na dumampi sa leeg ko, lalong-lalo na ang mga salitang binitawan niya. Wala sa sarili akong napatango sa sinabi niya.

"L-liam..."

"I didn't expect that my mom will choose you to be my girlfriend for a mean time. Unlike other girls, I want you to be okay, Esther." Isiniksik niya ang mukha niya sa leeg ko at mas lalo akong yinakap ng mahigpit. "I thought, we're not going to see each other after-"

"Wag mong sabihin ang mga yan, Liam." Pilit kong
tinatagan ang sarili kong wag mautal ng maramdaman ang lakas ng tibok niya dahil sa magkadikit ang mga katawan namin.

Gusto kong sabihin sakanya ang totoo. Pero natatakot ako, natatakot akong kapag sinabi ko ay baka umalis siya.

"Why baby?"

"Wala..." Peke akong tumawa ng mahina para makalimutan niya ang sinabi ko.

"Fuck, baby. You ruin the moment." Mura nito na ikinatawa mo. Tawang totoo...

Nanatili kaming ganun ang posisyon hanggang sa ilang minuto ay unti-unti ng pinapalitan ng makulay na kalangitan ang liwanag.

"Let's swim. Hmm?" Pag-aya niya at bumitaw sa pagkakayakap niya sa likod at hinarap ako.

"Ng ganitong oras?"

"Why not?" May lokong ngisi ito sa labi ng kunin ang kamay ko at hinila ako pabalik sa kwarto. Lumapit siya sa malaking bag at may hinalukay dun.

"Nasaan tayo Liam?" Tanong ko na nakalimutan kong kanina ko pa dapat tinanong.

"In my property... A place where I decided to take a rest. Now, I want to rest, with you." Hindi ako makagalaw, oara akong nalansang sa kinatatayuan ko kasabay pa rin ng puso kong nagwawala.

Ilang minuto akong di nakapagsalita ng maalalang may kulang sa'kin.

"Dinala mo'ko dito na walang dalang damit?"

"Here." At ipinakita niya sakin ang isang pares ng kulay itim na bikini na siyang pagpula ng buo kong mukha.

"Liam!"

"Don't worry. Nakita ko naman na yan." May pilyong ngisi ito sa labi. "Wear this." At lumapit siya sakin at hinawakan ang laylayan ng damit ko, pero bago niya pa yun magawa ay pinigilan ko na.

"Labas. Kaya ko na 'to at tsaka hindi ako bata kaya, labas." Sabi ko dito na kunot ang noo. Baka kasinpag hinayaan ko siya ay hindi na kami makaligo ngayon.

Fake Marriage, True Love (Lunaiah Boys Series 1) Where stories live. Discover now