Chapter 2

655 22 2
                                    

Kung bibilangin lang kung kailan ako umulit-ulit sa pagpapalit ng damit para lang pumasa sa mga lasa ng dalawa ay di ko na mabilang.

Dahil sa totoo lang ay napapagod na akong maghubad at sumuot na naman ng bagong damit sa tuwing sinasabi nilang hindi.

Hanggang sa may pumasa din.

"OMG..." Nanlalaking mga mata na saad ng bakla.

"Di ako nagkakamali..." Nakangiting saad ni Ms. Lianna.

Di umabot sa tuhod ang kulay itim na dress na binalandara ang likod ko, dahil sa sobrang sexy nito at nakikita na ang clevage ko. Kulay itim na bumabagay sa maputi kong balat.

Hindi lang sa pagmamayabang pero kahit na anong painit ko sa araw ay di ako umiitim. Siguro dati na nga talagang ganito ang kulay ko. Charrr.

"O-okay na 'ho ba?"

"Ikot ka dear." Utos ni Juny, ang tikbalang na siyang sinunod ko naman.

At ng matapos akong umikot ay nakita ko ang di maipintang mga ngiti sa kanilang labi.

"Sa ganda ng babae nito madam... Sigurado akong mababaliw dito si Liam." Sabi ni Juny kay Ms. Lianna.

"We're not sure, Juny. Kilala mo ang anak ko..."

----

"Tungkol nga pala dun-" di na niya ako pinatapos sa sasabihin ko ng papasukin niya ako sa kotse niya bago siya sumunod at tiningnan ako kasabay ng pagsilay ng kanyang ngiti.

"You know what? Napagod na'ko kakahanap ng babaeng tatagal sa anak ko. But guess what? They kept on falling in my son and ends up on crying. Katangahan nga ata 'tong gagawin ko. Ikaw ang napili ko dahil kakaiba ka sa mga babaeng pinaharap ko sakanila. Sila yung mga babaeng mayaman at may kompanya pero ikaw? Determinado kang gagawin ang lahat para sa taong nakapaligid sa'yo at natatakot akong baka masira ko ang buhay mo dahil sa gagawin ko." Huminga siya ng malalim at mukhang nahihirapan na siya bago niya iniwas ang tingin sa'kin. "Hindi kita pipiliting tanggapin ito hija. Dahil ang desisyon ay magtatapos pa din sa'yo."

Bumuka ang bibig ko pero walang lumabas na mga salita kay mas pinili kong manahimik na lang habang umaandar ang kotse hanggang sa matanaw ko na ang bahay namin.

"Tawagan mo lang ang numerong yan kung napagpasiyahan mo na ang usapan natin, hija."

Matapos akong maihatid ni Ms. Lianna sa bahay namin ay binigyan niya ako ng calling card at kinuha na din niya ang mga basahan tsaka ako binayaran.

"Maraming maraming salamat po dahil binili niyo lahat itong mga basahan ko. Tsaka salamat din po dito sa pag ayos sa'kin at sa mga bagong damit na binigay niyo." Nginitian ko din siya.

"Walang anuman hija. Basta wag mong kalimutan ang usapan ha? Tawagan mo lang ako."

"Opo."

"Oh sige. Bye."

"Ba-bye po Ms. Lianna. Salamat po sa oras niyo." Natigil ito ng sinabi ko yun at muli akong hinarap.

"No... Thank you... Thank you for your time, Esther."

Matapos niyang sabihin yun ay ang siyang pag alis niya.

Nanatili pa ako sa labas ng maalala kung gaano siya kabait.

Kahit anong pilit kong wag niya akong bilhan ng mga gamit ay hindi ko siya mapilit. Ika nga ni tikbalang ay siya lagi ang masusunod.

Ina siya ng isang Liam Andrei Buenaventura. At ang lalaking yun ay isa sa mga kinaiinisan ko. Malayong malayo siya sa ugali ng kanyang ina.

Fake Marriage, True Love (Lunaiah Boys Series 1) Where stories live. Discover now