Chapter 24

381 14 0
                                    

"Sofia? Bahala ka na muna diyan, ahh. Pag may nagtanong tungkol sakin o kay Leanne, sabihin mong wala kang kilala."

"Copy, ma'am." Ani niyang parang nagsusundalo. Yun naman kasi ang pangarap niya, ang maging sundalo. At tutuparin niya yun para sa'kin. Ako ang nagpa-aral sa kanya kaya malaki daw ang utang na loob niya sa'kin. Kahit na sabi kong para sa sarili niya ay gawin niya.

Binababa ko kaagad ang tawag at ipinarking na sa parking lot ang kotse ko at bumaba na para pagbuksan at kunin ko si Leanne.

Bumaba na din si Kate sa kotse niya ng matigilan habang nakatingin sa cellphone niya.

"Jusko... Alam na niya. Este, patawadin mo'ko. Aalis na ako mamayang alas dose ng gabi, flight ko na patungong America. Pasensya-"

"Wag mo na akong alalahanin dito, kaya ko na 'to. Hindi ko papabayaan ang anak ko. Umalis ka na, bago ka pa nila maabutan dito." Pagpuputol ko sakanya.

Lumapit si Kate kay Leanne at yinakap ito.

"Baby? Take care. Matatagalan si tita ninang na makabalik. Pag-uwi ko dadalhan kita ng maraming pagkain at laruan, okay?"

"Opo tita ninang." Yinakap na din ng anak ko si Kate bago ako balingan ni Kate at ngitian.

"Sige na. Mag impake ka na. Baka madamay ka sa galit ni Liam ng dahil sakin. Sige na." Pagtataboy ko sakanya. Kumaway siya sa'min pero bago pa siya makapasok ng kotse niya ay tinawag ko siya. "Salamat sa lahat, Kate." Nakangiti kong sabi s kanya na siyang itinakbo niya pabalik sa'kin tsaka ako yinakap ng mahigpit.

Ang dami na niyang naitulong sa'kin, ayaw kong madamay siya sa galit ni Liam ng dahil sa'kin dahil lang sa nagsinungaling si Kate sa kanila kung nasaan ako.

Sumakay na kami ng elevator ni Leanne at may isang batang lalaki na nakasakay lang dun. Siguro ka edad lang niya si Leanne.

"Hi." Bati sakanya ng anak ko. Pero yung batang lalaki ay hindi pinansin ang anak ko, bagkus ay iniwas nito ang tingin sa anak ko at namulsa.

Aba. Ginagalit ba ako ng bwesit na 'to?! Esther... Kalma... Wag kang pumatol sa bata.

"Hi." Nakangiting bati pa din ng anak ko sa kanya kahit hindi siya nito pinapansin.

Ng makitang hindi talaga niya pinansin ang anak ko ay umepal nako. Pero dapat, chill lang. Bata ang kaharap ko.

"Bata? Bakit hindi mo pinapansin ang anak ko?"

"I don't like chubby girls." Matigas na sabi nito tsaka tumunog ang elevator at lumabas siya.

Shit.

Nadinig ko ang sinabi ng anak ko na di ko inaasahang madinig sakanya.

"Bwesit siya. F*ck that boy. He's annoying."

Natutop ako na ina niya ng madinig ang sinasabi niya.

"A-anak? Ikaw ba yan?"

"Opo. Ako po ito, mama. Nakakabwesit siya mama, alam mo ba yun."

Anak hindi... Hindi ko alam na ang anak kong sinasaway akong magmura ay magmumura din pala. Ang lala pa ng pagkamura niya kaysa sa'kin.

"Leanne? Don't say those bad words again." Pagsasaway ko sakanya.

"Mama, I'm annoyed." Nakangusong sabi niya at nauna ng lumabas ng dumating na kami sa floor kung nasaan ang condo namin.

Jusko... Ang anak ko... May pinagmanahan sa tuwing naiinis. Akala ko sa akin nagmana lahat ng ugali niya, may pinagmanahan din pala sa ama.

Wala ako sa sariling sinundan siya at ako na ang nagbukas ng room namin. Nahiya pa ako sa anak ko. Anak ng- anak ko ba talaga yung nagsalita kanina? Ba't ang lutong ng mura niya? Ang bata pa niya pero- shit. Hindi ko matanggap.

Fake Marriage, True Love (Lunaiah Boys Series 1) Where stories live. Discover now