Chapter 13

442 14 1
                                    

WARNING ⚠️: MATURED CONTENT 18+

---

Matapos kumain ay hinarap ko si Liam para akusapin na sa sala muna siya at maghuhugas ako. Ang bastos ko no. Papaalisin ko lang naman ang may ari ng bahay na ito dito sa kusina dahil kung mananatili siya dito sa kusina, hindi ako makakapaghugas ng maayos dahil sa presensya niya at hindi ko alam kung bakit.

"Sa sala ka muna, manood ka ng tv." Sabi ko sa kanya matapos niyang mailagay sa lababo ang mga pinagkainan namin.

"I'll stay here." Sabi niya at hinarap ako.

"Liam. Maghuhugas ako."

"Okay." Akala ko aalis na siya pero napakunot ako ng noo ng makitang umupo siya habang nakaharap sa'kin. "I'll watch you, then."

"Ano? Lumabas ka kako tsaka magpahangin o kundi ay manood ka sa sala ng tv."

"I'll behave."

"Liam." Pinanlisikan ko siya ng mga mata pero hindi siya natinag

"Fine. I'll wash the dishes -"

"Hindi ka titigil?"

"Nope." Tsaka siya ngumuso. At sa simpleng pagnguso niya na parang bata ay sumuko ako. Napabuntong-hinanga na lamang ako dahil natalo niya ako sa ginawa niya.

"Okay." Pero bago pa ako makatalikod para simulan na ang trabaho ng bigla siyang tumayo at lumapit sa'kin. Hinawakan niya ang bewang ko at hinapit tsaka niya ako hinalikan sa  noo.

"Kiddin'. Just call my name if you need me or something. Tss." Nakangising sabi niya bago lumayo at lumabas.

Ilang minuto akong di nakagalaw dahil sa ginawa niya bago ko na sinimulan ang trabaho ko.

Pag nanatili siya dito baka hindi namin mapigilan ang mga sarili namin sa init na namamagitan sa aming dalawa.

Ng matapos ako sa ginagawa ay sumunod na ako kay Liam ngunit palabas na sana ako ng kusina ng matigil ako ng makita siya na naka upo sa sofa at naka pandekwatro na nakatingin sa palabas na hindi ko alam kung ano ang pamagat. Basta ang babae dun ay buntis na nakunan na siyang paghiwalay nila ng kanyang kinakasama. Natigil ako sa pinapanood ko ng dumapo ang tingin ko kay Liam na yumuko ng makitang iniwan ng lalaki ang babae.

Lungkot...

Yun ang dumaan sa mukha ni Liam... O guni-guni ko lamang 'yon.

Hindi ko alam kung bakit parang nasasaktan ako ng makita siyang ganun ang itsura. At nakaka-inis na ang sarili ko na kahit ilang beses ko ng inamin ay hindi ko matanggap na mahal ko ang lalaking 'to.

Dahil ba alam ko na sa huli masasaktan ako? O dahil sa katotohanang hindi niya ako mamahalin?

Maraming bagay ang gusto kong malaman. At isa na dun ang pagtataka ko kung bakit sa dami na ng inalok sa kanyang babae ay sa akin siya pumayag. Dahil ba sa isang pagkakamaling gabi na nagawa ko? Tama nga ba talaga ako na katawan ko nga lang ang gusto niya sa'kin?

Iwinaksi ko sa isipan ko ang mga 'yon at lalapit na sana kay Liam ng may madinig akong teleponong tumunog ang pamilyar na ringtone.

At nandun lang pala ang telepono ko sa sahig na nasa ilalim ng upuan na kung saan umupo si Liam kanina. Siguro nahulog niya 'to. Pero bakit naman niya kukunin? Pa'no 'to napunta dito? Sinadya ba ni Liam yun?

Agad  kong kinuha ang teleponong bigay sa'kin ng ina ni Liam at agad na sinagot ang tawag ni Pat at ng rumehestro ang pangalan niya sa screen ng teleponong 'to..

"P-pat?" Mahinang sagot ko sa tawag niya .

"Jusko! Marimar! Sayong babae ka! Alam mo bang naubos ang load ko dahil sa tawag ng tawag sayo?! Tapos? Lalaki? Lalaki ang sumagot kanina?! Ang sabi ng bruho na yun na siya daw ang pesteng asawa mo! At wag ka daw istorbohin dahil napagod ka kagabi? Este sure na?! Sigurado ka bang nagawa niyang dalhin ka sa langit?! Wow! Este! When kaya si ako?" Paglilitanya nito na siyang ikinasakit ng ulo ko, dahil sa pinagsasabi niyang kalokohan.

Fake Marriage, True Love (Lunaiah Boys Series 1) Where stories live. Discover now